Sharon Cuneta, malungkot sa pagpanaw ng kanyang Yaya

HINDI MAGANDANG BALITA ang sumalubong sa amin, Linggo ng umaga. Nagpadala sa amin ng text message ang Megastar na si Sharon Cuneta. Ang unang akala ko ay pawang holiday greetings lang ito, pero nang buksan na namin ang text message, nandu’n na nga ang hindi magandang balita na pumanaw na si Yaya Luring, Dec 19, 2009, sa edad na 83.

Ayon kay Sharon, halos buong buhay niya ay kasa-kasama na niya si Yaya Luring. Kahit sa mga tapings nito ay madalas namin itong makita na laging nakangiti at nakaputing-uniporme. 40 taon ding nagsilbi si Yaya Luring sa pamilya nina Sharon, kaya naman hindi na talaga iba ang turing nila rito. Cardiac arrest ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Nangyari raw ito habang nagsasagawa ng Christmas party sa kanilang bahay kasama ang mga kasambahay ng pamilya. Depressed at talaga namang malungkot ang papalapit na Paskong ito para kay Sharon kaya nu’ng premiere night ng Mano Po 6, hindi na nakarating pa si Sharon.

Naloka lang kami, kasi gabi ng Sabado, bago pa man namin natanggap ang hindi magandang balitang ito mula kay Sharon, ay napanood pa namin siya sa Master Showman: Walang Tulugan, kung saan ay nag-iiyak ito. Nagpakita kasi si Kuya Germs ng isang VTR ng birthday celebration ni Shawie sa isa sa mga shows noon, na sa aming hula ay sa GMA Supershow. Payat at bata pa si Sharon noon at sinurpresa siya ng kanyang mga kaibigan at kapamilya. Nasa naturang production number si Ciara Sotto at si Daboy na bestfriend ni Sharon. Iyak nang iyak si Sharon dahil sa mga ala-alang nagbalik sa kanya habang pinapanood ang VTR. Pero humagulgol na siya nang todo nang ipakita na si KC na noon ay batang-bata pa talaga. Kumakanta ito kasama si Ciara. Paliwanag ni Sharon sa kanyang pag-iyak, naaalala raw niya kasi si KC noong bata pa ito at ngayon nga ay talagang malaki at may sarili na ring pangalan sa industriya. Ang dating, parang naging premonition pa ‘ata para sa amin ang pag-iyak na iyon ni Sharon na may darating na hindi magandang balita, o nagkataon lang talaga.

Sa December 23 ang libing ni Yaya Luring at ngayon ay nakalagak ito sa San Antonio Church sa Forbes Park, Makati. Ang tanong, sisipot kaya si Sharon sa gaganaping parade sa December 24? Maiintindihan naman ng lahat kung saka-sakaling hindi makararating ang Megastar dahil sa matinding kalungkutan nito. Pero para sa mga movie producers kasi, ang gaganaping taunang parada ang huling bala nila para mag-promote ng kanilang pelikula. Wait and see na lang tayo at magkita-kita tayong lahat sa Parade of Stars sa Dec. 24 sa Roxas Boulevard. Balita namin ay magsisimula sa SM Mall of Asia ang parada at magtatapos sa Quirino Grandstand sa Luneta.

NAKU, ANG INYONG lingkod ang magiging host ng float ng I Love You, Goodbye, ang official entry ng Star Cinema. Makakasama namin sa float sina Angelica Panganiban, Kim Chiu at Derek Ramsay. ‘Di ko lang sure kung pati si Gabby ay makararating, dahil sa aming pagkakaalam ay pupunta ito ng States kung saan sila magpa-Pasko. O, siya, kita-kits tayo du’n!

loading...

16 thoughts on “Sharon Cuneta, malungkot sa pagpanaw ng kanyang Yaya

  1. hinde lang pala ako ang nakapansin na naka-uniform ang yaya ni Megastar Sharon. nung mamatay sina Rudy Fernandez at FPJ, diosko talbog sa eksena ni Sharon ang mga tunay na pamilya nina Rudy and FPJ. i thought nga si Mega ang tinatagong “KABIT” nina Rudy and FPJ dahil kung magpalahaw siya ng iyak ay ganon na lang. hahaha

  2. Hammit halimbawa kaya eh ikaw ang mamatayan at sabihan ka ng katulad ng sinabi mo kay sharon, ano maramdaman mo? Si Sharon pinapasok ng tao ang sinehan para sa mga pelikula nya at yan ay di na dapat pang patunayan pa. Hindi sya si Vilma, si Nora na mga laos na. Na kailangan na ng mga big star na kasama para pasukin ng tao ang pelikula nila. Sharon Cuneta has proven her power as crowd drawer nuon pa!

    • intindihin mo nga ang isinulat ko at ang isinulat mo, ofcourse kung sa akin ay irerespeto ko ang patay hindi ko kailangang ipangalandakan sa buong undo at gagamitin sa kung saan saan lalo na sa publisidad ng pelikula.

      at kung ako si sharon orokan na sinabihan ako ng sinabi ko: ang reaction ko ay syempre mahihiya ako dahil ovbvious na gingamit ko para sa pelikula ang kamatayan ng aking yaya. alin ang hindi mo maintindihan.

      yung nakauniporme pa rin ng puti kahit na nasa shooting ng pelikula na ipinangangalandakan mong hindi na sya iba sa yo at itinuring mo nang pamilya naka uniporme pa rin.

    • huwag mong sabihing laos si vilma. hindi siya kasabayan ni sharon pero sikat pa rin siya. sino sa kasabayan ni vilma ang umaarangkada pa. wala na nga si vilma. lang. kahit si sharon kahit sabihin mong orocan ay idol siya. siya ang gustong tularan ng lahat, mahusay na artista, trusted government official at multi-awardee pa. di pa ito napapantayan ni sharon hanggang ngayon.

  3. mga walang modo talaga kayo, kung wala kayong masabing maganda sa kapwa nyo lumayas kayo dito. Hindi nyo na ginalang ang mga nagdadalamhati. Hindi lang si sharon ang binabastos nyo pati na rin si Yaya Luring na mahal na mahal si Sharon

    • paano sya nagdadalamhati ineng, ayun tignan mo sa mga write ups at tv interview lalo na pag napag uusapan ang mano po di ba nakangisi na parang aso yang si orokan sharon..

      paano naman nabanastos si yaya luring kung sinasabi mo ay yung nakikita mo, ang sabihin mo si orokan ang bumabastos kay yaya luring, patahimikin nila ang patay tapos..

      napaka fanatics mo naman ineng..

  4. ginagamit na naman ni orokan sharon ang pagkamatay ng kanyang yaya para lang kumita yung pelikula, hindi pa nasiyahan sa mana na ipingangalandakan nya. kawawa naman si yaya luring nagagamit sa promo ni orokan. imagined for 40 years na paglilingkod sa haba ng panahon na sinasabi nila na parte na sya ng pamilya naka uniporme pa rin ng puti napaka gross namang asinungalingan yan sa parte ni orokan. baka pati yung damit sa kabaong ay naka uniporme.

    Ipangangalandakan pa na kasama sa shooting naka uniporme naman so nasaan yung sinasabi ni sharon na parte na ng pamilya. dapat nyan malaki ang ibayad ni shawie kay yaya luring dahil nagagamit nga sa promo yung kamatayan nya.

    Saka drama lang yung hindi nya pagpunta sa premier ba yun ng pelikula at si kc at si mr. noted ang pumunta at nag basa ng message.. pangangampanya lang yun para namang mga bobo na katulad nila ang mga tao..

    • wag nmn ganyan…kung galit ka kay sharon…dis is not d right time na sabihan mo sya ng ganyan….nagda2lamhati sya sa pagkamatay ng itinuring na nyang ina…may tamang oras at panahon ang pagla2bas ng galit…bigyan mo nmn ng repeto kung hindi man c sharon c ya2 luring nlng na tlga nmng minhal ng tunay ni “orocan” na cnasabi mo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.