Sharon Cuneta, mahigit 20 lbs. na ang ipinayat!

SA BIRTHDAY NI Manny V. Pa-ngilinan nu’ng isang buwan, kung saan parehong nag-perform at nagkasama sa stage sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta,   nakangi-ting tinanong ng una ang huli kung tama nga ba ang pagkakaalam ng aktor na five pounds na nga lang kailangang mabawas sa timbang ng aktres.

Pero nang maka-tsika namin, kahit sandali ang Megastar sa backstage pagkatapos ng event, sinabi sa amin nito na gusto n’ya raw ay makapagbawas pa s’ya ng 20 lbs.

Ganunpaman, kapansin-pansin na nu’ng gabing ‘yon na pumapayat na talaga ang actress-singer-TV host na editor-in-chief na rin ng kanyang sariling magazine ngayon na Sharon.

Lalo naman kaming nagulat nang magkita kami uli ni Ate Shawie (palayaw ni Sharon) last Friday lang sa birthday party ni Aga sa Makati, dahil lalo s’yang pumayat kumpara nu’ng nakaraang buwan.

Ipinagmalaki sa amin ni Mega na more than 20 lbs. na raw ang ipinayat n’ya.

Dahil d’yan, may narinig kaming balita na sa darating na October ay plano raw i-renew ng isang slimming center na ini-endorso ni Ate Shawie ang kanyang kontrata.

Masayang-masaya raw kasi sila sa resulta ng katawan ngayon ng aktres.

 

BUKOD PALA SA anak na lalaki nina National Artist for Visual Arts and Film na si Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa na si CJ Caparas na isa na ring artista, balak din daw sumabak sa showbiz ng kani-lang 17-year-old daughter na si Peach Caparas.

Sa katunayan, gusto n’ya raw makatrabaho sa pag-arte si Baron Geisler sa kabila ng pagkakaroon nito ng bad boy image, dahil magaling daw umarte ang aktor.

Nasubukan na raw minsang mag-extra ni Peach sa TV series na idinirek ng kanyang ama noon na Ang Pangarap Kong Lotto. Pero batang-bata pa raw s’ya nu’ng mga panahong ‘yon at walang speaking lines ni isa.

Kapag tuluyan nang pumayat si Peach, malamang ay mapasama s’ya sa ilan sa 50 nobelang binili ng Viva Films sa kanyang mga magulang na iri-remake nina Boss Vic del Rosario, Direk Carlo at Tita Donna bilang mga pelikula o soap opera sa loob din  ng  ilang taon.

Ang mga nobelang gagawin muli nila bilang teleserye ay puwede nilang ipalabas sa iba’t ibang TV stations.

 

MULING TUMAPAK SA bakuran ng ABS-CBN ang isa sa Showbiz Central hosts na si John Lapus last Wednesday nang mag-taping ito para sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi, Vice na mapapanood na sa Linggo.

Marami ang nagulat sa eksenang ‘yon, dahil may ilang taon na ring Kapuso si Sweet, bagama’t nanatili pa rin s’ya sa pangangalaga ng Star Magic na talent arm ng Kapamilya Network.

At least, malalaman natin na walang issue sa pagitan nina Vice at Sweet, lalo na’t malapit na kaibigan na rin ni Kris Aquino ngayon ang una, habang ang huli naman ay napakatagal ng kaibigan ng TV host-actress.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

11 thoughts on “Sharon Cuneta, mahigit 20 lbs. na ang ipinayat!

  1. zanjoe is a gentleman…ang witty mo naman..maisip mo yun…dapta nga siguro na itigil na ang paggamit ng spoon kasi nga sabi mo “pinapala ang pagkain”…anyway food addiction ba tawag dun? lagi nga kasi naba-blind item si sharon bout sa pagkain niya ng super dami

  2. @Zanjoe is a gentleman, lol, ahahahahahahaa, nakakatawa ka!!!!! Sana lahat ng mag comment dito pareho sa yo, hindi bastos at nakakatawa lang. Ahahahahahahahaha! May sense nga ano!!!! Ang tinidor nga kokonti lang ang inaararo.

  3. Maria, alam ko ang dahilan kung bakit tumataba ang marami sa Pilipinas. Opinion ko lang ito ha, pero, dapat, tanggalin na ang paggamit ng kutsara. Para kasing pina pala ang pagkain. Subukan lang nilang gumamit ng tinidor at kutsilyo. Mas kokonti ang inaararo ng tinidor. Madali kang mapagod bago ka mabusog, kaya titigil ka ng maaga sa kasusubo. Pero ang kutsara, isang pala lang, bubukaka ang bibig mo para maipasok ang sang damakmak na food. Opinion ko lang ito ha. Better yet, gumamit si Sharon ng chopsticks. Konti konti lang ang subo. Mas mainam kung hindi siya marunong gumamit nito. Tignan lang natin kung hindi siya papayat sa gutom. Again, opinion ko lang ito. Ang auntie ko, fork and knife person, pero may katabaan pa rin. PAPAANO, HINDI MAKAPAGHINTAY. KINAKAMAY NA NIYA PAG NABABAGALAN ANG SUBO. AYAN. TULOY. TABACHINGCHING PA RIN MASKI DIET NG DIET. AGAIN, OPINION KO LANG ITO. WALANG AANGAL.

  4. Change of lifestyle, self control and a visit to a therapist ang gawin ni Shawi para pumayat sya. Kailangan talaga nyang bawasan ang white rice nya at portion control nya. We can eat anything in moderation at hindi ito makaapekto sa weight natin. At kailangan after 8:00 pm hindi na sya kumain kasi hindi mo na ma burn ang calories mo if you eat before bedtime. Shawie really needs to take control of her life para sa kalusugan nya, ang liit pa ng mga anak nya. She should think of them first. Kung overweight tayo, baka ma complicate pa yong ibang organs ng katawan natin at papunta sa diabetes, hypertension at baka mabara pa ang mga arteries natin. Baka emotionally disturbed itong si Shawie at ang food is her comfort while she is feeling low. Sana pumunta sya sa psychiatrist.

  5. akala ko ba matagal ng payat si Sharon? nagalit pa siya kay hayden di ba? ang laki pa nga ng billboard niya sa EDSA!!!     NOTED!!!!!

  6. Honestly, i don’t see any difference at all sa pagpayat ni Sharon. She’s still tabachingching at mas payat pa ngang tingnan si angela (one of the biggest losers) kesa kanya. I think she still needs to lose at least 40 lbs to go back to her old weight.

  7. Talagang napakataba ni Sharon, maski sinabi niya na nag lose na siya ng 20 lbs, ang lalaki pa rin ang mga braso at hita ni Sharon. Atsaka ayusin naman niya ang buhok niya nakikita ang sobrang manipis na buhok.

  8. ang mahalagang tanong? mamementeyn kaya ni sharon and figura niya? may food addiction si sharon, dapat magpaconsulta sa isang therapist. hainan mo yan ng isang lechon de leche, tumalikod ka at siguradong may i lafang ang lumba- lumbang yan!

  9. MGA CHAKA ANG MGA JUNAKIS NILA CARLO CAPARAS AT DONNA VILLA LAKAS NG DUGO NI CARLO! C SHARON NAMAN NA TABACHOY DAPAT LNG NMAN NA MAGBAWAS CYA NG TIMBANG KC NAKAKTAWA CYA SA SOBRANG LUMBA-LUMBA NYA. HOST PA NMAN CYA NG THE BIGGEST LOSER EH ISA PALA CYANG BIGGEST GAINER. TANGGALIN KC SA KATAWAN ANG SOBRANG KATIMAWAAN! BWAHAHAHAHAHHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.