Sharon Cuneta, ipinagtanggol si Lorna Tolentino kontra Chin Chin Gutierrez! – Morly Alinio

KINAMPIHAN NI SHARON Cuneta si Lorna Tolentino kaugnay sa hidwaan nito sa character actress na si Chin Chin Gutierrez.

“Dapat may respeto tayo sa mga artistang tulad nina Lorna, Vilma Santos at Nora Aunor dahil bago nila narating kung saan man sila naro’n ay matagal nilang pinaghirapan iyon. Kilala ko ang ate ko (Lorna), hindi siya magre-react nang ganu’n kung walang foul na nangyari. Wala ako du’n sa eksena pero sa totoo lang mali iyon. Dapat magkaro’n tayo ng respeto sa kapwa natin artista.” Tuluy-tuloy na panimula ni Sharon nang kausapin namin ito sa birthday party ni Ai-Ai delas alas.

Sinabi ni Sharon na maging siya man ay nadadala minsan sa mga eksena at hindi naiiwasang magkamali ng blocking pero siya raw ‘yung klase ng tao na kapag alam niyang may nagawa siyang mali sa kapwa niya artista, marunong siyang humingi ng tawad dahil hindi raw siya bastos.

“Like ‘yung nangyari sa amin ni Zsa Zsa (Padilla), hindi ko namalayan na napalakas pala ang sampal ko sa kanya, pero after the scene, talagang hiyang-hiya ako sa kanya at halos hindi ako makatingin sa sobrang kahihiyan. Hingi agad ako ng sorry at hindi ako ‘yung klase ng tao na parang nagmamalaki pa. Ibig kong sabihin, Lorna Tolentino na iyan. Dapat lang natin siyang bigyang respeto dahil hindi siya ordinaryong artista, institution na siya. Ako, du’n sa nangyari sa amin ni Lorna sa Mano Po, hindi ko ikinahihiyang sabihin ako ang may kasalanan.

Sa kabuan, sinabi at mariing ipinagdiinan ng Megastar na wala siyang pakialam sa away nina Lorna at Chin Chin. Kaya lang bilang ate, sobra raw ang nararamdaman niyang sakit kay LT dahil kilala niya itong mabuting tao at isang magaling na artista.

“Ito lang ang masasabi ko, sana magkaro’n tayo ng respeto sa mga artistang tulad nila. Dapat maging maingat tayo at kung meron man tayong nagawang kasalanan sa kanila. Dapat marunong tayong magpakumbaba dahil si Ate Lorna, mabuting tao ‘yan at nasasaktan talaga ako kapag may naririnig akong ganyang balita.” Pagwawakas ni Sharon Cuneta.

MAGING ANG PANGULO ng ABS-CBN ay hindi makapaniwala sa bonggang palasyo ni Ai-Ai delas alas noong Miyerkules ng gabi.

“Sabi ni Ma’am Charo (Santos-Concio), ‘Kay Ai-Ai ba talaga ang bahay na ‘yan?’” Tumatawang panimula ni Ai-Ai habang kausap namin siya sa mismong araw ng kanyang kaarawan sa mala-palasyo niyang bahay sa Winston St. Ayala Hillside Estates.

“’Day, nu’ng ipagawa ko ang bahay na ito, ‘eto ‘yung time na wala talaga akong raket sa showbiz pero paunti-unti, natapos din sa wakas at sobra ang pagpapasalamat ko sa Diyos dahil bigay niya ito sa akin.” Masayang pagkukuwento pa iyon ni Ai-Ai, na ayaw sabihin kung magkano ang kabuuang halaga ng nasabing bahay niya. Pero ayon sa isang taong malapit sa aktres, more than P50 million daw ang halaga nu’n.

“Lahat ng savings ni Ai-Ai, napunta sa bahay na ito pero tingnan mo naman, sulit ang kanyang pinaghirapan.”

Wala na raw mahihiling pa si Ai-Ai sa takbo ng kanyang personal na buhay at maging sa showbiz career.

“Kung darating ang lovelife sige, okey lang sa akin kasi kung magmamadali ako at pipilitin ko ang isang bagay na hindi pa kaloob nu’ng nasa itaas, baka mauwi rin sa wala.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

32 thoughts on “Sharon Cuneta, ipinagtanggol si Lorna Tolentino kontra Chin Chin Gutierrez! – Morly Alinio

  1. excuse me lang poh sa mga nagsasalita ng masama kay ms. sharon and ms. LT, magkaibigan po cla kaya pinapangalagaan lang nila ang isat isa tyaka kahit eksena lang yun dapat ba na magsuot ng singsing si chin chin sa pagsampal kay ms. LT, di po pwedi yun! kau kaya sampalin na may malaking sing sing ang magsasapal sau anu kaya mararadaman nyo? !!!

  2. Yan si Tita Fanny mo nagka-alta presyon- sa super kain. kc di raw siya maka hinde sa mga chibogan. Pakapayat ka na! Umiba na kayo ng eating habits nyo–buti pa si KC vegetarian.

  3. haay naku, andito na naman ang mga nega kay Mega,.super inggit na naman kayo.. tinanong lang sya kaya sya nag comment at definitely may alam sya sa nangyari dahil kaibigan nya si LT. yung sa kanila ni zsa zsa pinag usapan nila yon, sabi nga ni Lt ok lang yun kung alam nyo pareho.

  4. why in the world she’s making those nasty comments?she wasn’t even there when the sampalan issue happened.she should have shut up her trap/mouth,she’s taking sides not even knowing what really transpired.what an ignorant and stupid woman.every artist regardless of how small or big they are deserves R E S P E C T. Sharon, if i were you, shut the fuck up and concentrate more on losing weight. Now, I’m being mean myself. Am I bad?

  5. pano naman naging mas magaling umarte c chin chin ke mega eh super oa naman umarte ni chin chin at tumitirik pa ang mata maski di kelangan sa script hahahaha…sharon has proven herself already in madrasta kaya nga sya naging grandslam queen eh…heler…icompare ba c mega ke chin-chin hahahahaha

    • bakit ayaw nyong masabi na nakikisawsaw si sharon ganun tutoo naman?. Kung talagang ayaw niyang maakusahan na nakikisawsaw sana ay nag “no comment” na lang siya. kaya naman known siya sa pagiging super plastic.

    • kailangang bang ang lahat ng arte ay pare pareho para masabing magaling sya. tumitirik ang mata, ganun nya inaatake yung role nya at ano naman ang iginaling daw ni sharon at saan? yung caregiver ba yun na pinono ng mga simpatya at pag papaawa sa mga ofw na caregiver yakkkks walang katotohanan.

  6. sharon was just asked about her opinion towards the issue bet LT and chin-chin at di na kelangan ni sharon makisawsaw dahil super sikat sya at megastar sya nagkataon lang na naging vocal sya sa sarili nyang opinion na dapat pag me ganung eksena, kelangan lang maging maingat especially kung ang kaeksena mo is institusyon na sa industriya kaya nga sya nahihiya ke zsa zsa kc nangyari sa kanya din un pero naging apologetic sya…so walang msama sa reaction ni mega…heler

  7. I hope misquoted lang si Sharon, kasi siya of all people would have understood Chin Chin since galing din siya sa unwitting na malakas na pananampal kay Zsa Zsa.

    Chin Chis is such a good actress…masyado siyang markado sa kanyang mga roles. Parang masyado lang yata ding naging sensitive si LT at it did not help that Lolit Solis made such a big to do over it…parang piniga for whatever it was worth…publicity stunt ba to?

    • Kung publicity stunt, blame it on Lolit Solis na wala nang K. Medyo mahigpit na ang belt dahil allowance kay Belo medyo tipid na, o baka wala na.

  8. sharon punyeta sawsaw, masyado na kawawa naman c baba baba (chin chin) wag ka na epal sharon, pagsabihan mo sarili mo, ikaw ang walang respeto, pag alam mong baguhan na artista lang minamaliit mo lang at wala ka paki alam kung masaktan mo man sila. taeng oink2x to matuto ka muna mag bigay respeto sa mga maliit syo, wag yung kung alam mo lang na beterana na tulad mo yun lang ang binibgyan mo respeto, dapat parehas ka oink2x. artista rin namn c chin2x and dapat bigyan din respeto, dapat nasa gitna ka lang oink2x…tignan natin ano ihaharap mo sa tao pag kumalat yung picture ng isa sa mahal mo sa buhay na gumagamit ng cocaine…

    • Sasabihin ni Mega na photoshop ang pic ng dear anakis niya. In denial siya na ginawa ng anak niya. Bibilib pa ako sa kanya kung sabihin niya na mga bata paminsan minsan naliligaw ng landas kung walang matandang nakapaligid sa kanila.

      Dapat kung may nagtatanong sa kanya tungkol sa nangyari kina chin chin at LT, dapat sagutin na lang niya ng sana maayos nila. Nakisawsaw ba naman wala naman siya dun.

      Matang pobre pa yan mega na yan, minaliit pa si Sarah Geronimo na walang K gawin ang Dear Heart. Si Sarah kayang punuin ang Araneta kaya ba ng anak niyang si KC mag-isa punuin ang Araneta!?

      Binigyan ng Channel Bag ni Mega si Kris Aquino, kasi inaawitan niyang ibigay sa kanya ni Kris ang Cory Biopic, as if bagay naman sa kanya. Ang taba taba niya! Ibigay nga ni Kris para lumabas na comedy ang biopic na yan. Lalabas na katawa tawa silang lahat pag si Sharon ang icast nila as Cory.

  9. HOY SHARON BABOY! YUNG ANAK MONG SI KC CONCEPCION NA ADIK NA NIREHAB SA PARIS ANG ATUPAGIN MO! ADIK SA COCAINE ANAK MO!

    • mademanda ka sana ni Sharon, kayang kaya kang i-trace ni Sharon at ipalamon sa kulungan, this is Libel, sana ang mga kagaya mong naninira ng kapwa ng ganito katindi, maparusahan, si KC addict, imagine UN ambassador addict…whew! i hope ngayon pa lang balikan ka na sa mga paninira mo kay KC!!!

  10. Nakisawsaw pa si Mega, wala naman siya dun. Di kapani paniwalang sadyang gagawin ni Chin Chin kay LT. Overly sensitive lang si LT, ganyan naman ang namatayan eh.

  11. at tsaka wag nya i-rason na kesyo Lorna Tolentino na yan kaya dapat irespect blah blah blah, hello, acting po yan, sabihin mo yan if nagtagpo sila somewhere na bigla na lang sya sampalin ni Chin-chin ng walang kaabog abog, yun pa ang mangyari at swak ang point mo Megang Mega.
    If ayaw masaktan yang LT na yan during take, e di ikuling sa crystal glass habang nag aacting, hmp!

    • oo naman ikulong sila sa hawla habang nag tatake ng kanilang shot, acting is almost real ang dapat ibigay sa mga nanonood. may pelikula lang si sharon kaya ngumangawa yan di na nahiya si balyena. respeto daw gumamit pa ng mga institusyon na vilma at nora at isinali pa si lorna . Hoy BOMBA STAR yan dati at pinaghaharbat lang yan ni Lolit yung mga award nya. tumigil ka nga sharon isa ka pang ipokrita dahil ba nag ka grandslam ka. kung kayo nga ay nagbabasa sa kislap mag sa column ni ronald carballo. inuumpisahan pa lang yung pelikulang Madrasta bayad na si Cabayo na ikundisyon yung isipan ng mga tao na si sharon ay mag kaka grandslam sa Madrasta. lingo lingo yan, lalo na nung naipalabas na ang pelikula walang tigil si Cabayo to the point na i proklama nya na grandslam si sharon na hindi pa nag uumpisa ng mga giving sa award. kaya ayun nakuha sa hilot.

      • Isa ka pa sana dapat sa yo idemanda din ng libel..para isaksak sa bunganga mo kuryente para sumabog, sobrang maka-react to, baket katulong ka ba ni Chin Chin ha? Hindi ka ba susuwelduhan kung hindi mo masiraan si Lorna.. tsk tsk

  12. Sharon, huwag ka nang maki sawsaw. Tapos na ang kuwento at maaaring aksidente rin ito. Magaling si Chin sa Kahit Sino ka man dahil sa galing rin nang mga kaeksena niya na sila Christopher De Leon, Bea, JLC, Sam, Anne Curtis at Toni. Ngayon siguro, napadala lang siya sa eksena, bigay na kinasanayan niyang ibigay ang lahat para lang maganda ang labas. Kaya Sharon, huwag mo nang palakihin. Maki sawsaw ka na lang kay Lolit Solis. Pareho naman kayo.

    • sharon was just asked kung ano opinion nya, she wasn’t riding on the issue. eh nagkataon na she has something to say, mapipigilan mo ba yon? and lastly, kailangan nya pa bang maki sawsaw? pls…

      • si zsa zsa nga halos mabingi sa sampal niya; she has the nerve to give unsolicited advice? baket, nag-sorry din naman si chin chin kay LT. pwede ba sharon wag ng makisawsaw.

      • talagang kailangan nyang sumawsaw dahil nga may pelikula at dapat mapag usapan. ano ba sa tingin nyo kay sharon chicharon bulaklak hindi oy chicharong baboy na matanda na ay pa kyut pa rin at nakakaasiwa ng pakingan ang mga tito at opo nya ewwww. dati may silent war sila ni kris kaya lang dahil may pelikula at yung isa pangangampanya e di mag gagamitan. mga walang kuwentang artista na dapat maging ehemplo sa pag pili ng magandang pangulo ayun may mga deal para sa mga sarili. nalimutan nyo na ba si mr. noted?

      • Absolutely. Parehong plastik. Nakakaasiwa. Bakit pala pinalampas si Kris sa comment niyang mas magaling mag english si Sharon kaysa kay Vilma? Di ba insulto ito?

      • isa ka pang bobita, dapat wala xa pinapanigan na kung cno man, dapat nasa gitna ka…ikaw kc utak dino ka, pakuluin mo yang utak mo tapos halo mo sa sopas inumin mo tuwing umaga…

Leave a Reply

Your email address will not be published.