Sharon Cuneta, ipinaglabang makatambal muli si Gabby Concepcion

IPINAHAYAG ni Megastar Sharon Cuneta kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan niya na magkaroon ng comeback movie kasama ang dati niyang asawa at ka-loveteam na si Gabby Concepcion.

Sharon Cuneta (courtesy of Facebook: Sharon Cuneta Official)

Kamakailan sa panayam ng ilang entertainment press, sinabi ni Sharon na siya raw mismo ang nakipaglaban para makuha ni Gabby ang role na gagampanan nito, sakaling matuloy ang kanilang pelikula.

Aniya, “This project was actually meant for someone else, ibang ka-love team ko ‘to. Nasabi ko, ‘Okay lang, Tita. Kung tatanggapin… ayaw mong try muna natin ‘yong Gabby?’ Ako iyong nakipaglaban for it.”

Sabi pa ng Megastar, ang comeback movie raw nila ay para sa fans nila, sa mga taong talagang pinagkakautangan ng tagumpay ng kanilang love team noong araw.

“Because sabi ko, matagal nang hinihintay ng fans namin. Kasi alam ko naman, I have people to fall back on… there’s Richard (Gomez), there’s Robin (Padilla), there’s Aga Muhlach). Gusto ko lang sigurong ma-experience ulit ng fans namin,” ani Sharon.

Dugtong pa niya, “Siyempre ako, gusto ko ring makasama si Gabby. Matagal ko rin siyang hindi nakatrabaho! So sana lang, matuloy talaga. Kasi marami rin ang nag-aabang talaga na magkasama kami ulit.”

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.