Sharon Cuneta, ipakukulong si Hayden Kho?!

GUSTONG-GUSTO NAMIN ANG sarkastikong komento ni Sharon Cuneta tungkol kay Dr. Hayden Kho. Kung bakit nga naman kasi pati ang nananahimik niyang anak na si KC ay nakakaladkad ang pangalan sa kababuyang ginawa ng doktor kina Katrina Halili at Maricar Reyes.

May kuwentong lumutang na may sex video rin daw sina KC at Dr. Hayden. Nasa Canada ang mag-ina nu’ng kasagsagan ng kontrobersiya, kaya nitong bumalik na lang sila nasagot ng Megastar ang isyu.

Nanlalaki ang mga mata ng ina ni KC nu’ng tanungin siya ng mga manunulat tungkol du’n, kasabay ang pahayag na kung totoo man ‘yun, siguro’y nakakulong na ngayon ang kontrobersiyal na doktor.

Ang totoo, ni hindi nga kilala ni KC ang doktor, hindi pa sila nagkikita nang personal. Kaya isang malaking katarantaduhan ang kuwentong may sex video rin ang dalawa.

Sa kayabangang ‘yun ni Dr. Hayden, hindi nito ipagmamakaingay kung totoo ngang natikman rin nito ang magandang aktres? Susmaryosep, kung sina Katrina at Maricar nga ay tinanggalan na nito ng ulo ngayon dahil sa sobrang kahihiyan, ang kasingsikat pa kayang tulad ni KC ang hindi gamitin ng bastos na doktor sa kanyang pagyayabang?

Nagpakatotoo lang si Sharon Cuneta. Walang inang matutuwa sa ganu’ng klase ng balita. Maraming nanay ang may gustong makita ang doktor na nakakulong at naghihimas ng malamig na rehas na bakal.

Sa kagustuhan nitong makuha ang simpatiya ng publiko, sa kanyang mga interbyu ay sakdal-galang ni Dr. Hayden. Kung anu-anong kuwento tungkol sa nakaraan nitong buhay ang pinalulutang nito na wala namang consistency.

Parang maawaing kordero ang doktor habang naglilitanya sa harap ng mga camera, kaya ang komento ng bayan, “Tumigil ka na!”

Totoong-totoo, tantanan na sana ng doktor na ito ang pagpapaawa.

Read Cristy Fermin’s Blind Item: Batang actress, manggagamit?

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

20 thoughts on “Sharon Cuneta, ipakukulong si Hayden Kho?!

  1. Fermin ikaw din nagpa paawa ka pag na aargabyado ka di ba! Pero pag ikaw kala mo kung sino kang kagandahan magsalita. Wake up pangit ka ok at wala ka karapatan magsalita ng imbento mong opinyon.

    Magbasa ka o kaya magtapos ka nga ng kolehiyo ng matuto ka. Alam sa personalidad ni HK obviously disturbed ang personality nya. Kilala mo naman siguro si Sigmund Freud. Kung ano man ang tao ngayon yun ay dahil sa childhood nya. Pustahan ikaw mismo disturbed ang childhod mo. I bet hindi ka minahal ng nanay mo at hindi nya matake kapangitan mo kaya ayan pangit tuloy ugali mo. Yun Na!

  2. my friend confirmed na meron daw talaga si kc na video kase napanood nya talaga sa kaofficemate nya

  3. i agree carina! meron talagang video yan at nakita ng friend ng ate ko….may mga tao lang dito na nagbubulagbulagan, nagpapabayad, o sadyang tonta lang

    • thanks! i didnt say naman that she indeed has a sex video pero di malayong totoo kasi nakita daw ng isang broadcaster. ewan lang din pero di naman imposible bec the girl is liberated. ayaw nga niya ng ligawan accdg to her in one of her interviews na hindi na-screened ng mother niya. anyways, let’s not waste energy on these people who think they are extra-ordinary human beings cut above the rest.

  4. correction! magkakilalang magkakilala si hayden at kc. madalas silang nakikita sa The Fort na nag-chi-chika. this was confirmed in a broadsheet. magkano naman ang binayad sa iyo para i-defend mo ang mag-inang saksakan ng kaplastikan?

    • wahaha..isa ka pa…bkt??? kaw ba mismo nakakita sa kanila na naguusap??? parang hindi naman ah..waahahaha..peace!!!!

      • can you read? this was confirmed in a broadsheet. i.e. if you do read broadsheets at all. it was in the entertainment section and was confirmed by a showbiz talent manager who i cant name here lest my post might be deleted again . if you are a fan of showbiz news, then you definitely know who confirmed it. if you are so inclined you can look it up in their archives.
        and mind you, there was a conscious effort to stop the sex video issue of this kc girl.
        alam mo naman siguro na kinatatakutan ang ina nito sa showbiz kasi mahilig mag-demanda at manakot na akala mo panahon pa ng ninong marcos niya. the talent manager wont confirmed this with conviction kung di totoo kasi nag-painterview talaga siya sa broadsheet. takot lang niya.

      • wahahaha..broadsheet..napaka reliable naman nun..hahaha!!! tska talent manager??? sus..cguro bitter lang siya kay kc kasi hindi nia talent si kc…hahaha!!! tska bkit naman sila matatakot eh hindi naman sila ang nag video..duh..hahaha!!!! anyweiz..sobrang reliable talaga ng broadsheet lalong lalo na yung tabloid..promise..puro katotohan talaga nababasa ko dun eh..hahahaha!!! lol..:D

      • Even if it was published in a broadsheet it doesn’t mean it’s true. Kaya nga ang daming nadedemanda ng libel at napapatunayan nagkasala!

  5. Mukha bang may na delete na mga comments? Parang meron. May comments na patungkol sa France na wala na.
    Napansin ko lang dahil mahilig akong magbasa nang opinyon ninyo. PERO, NAWALA YATA ANG IBA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.