Sharon Cuneta, iniwan sa ere ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan?!

OLA CHIKKA NOW na! Thanks God it’s Friday, at more chikka… more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka!

At siyempre po, ipo-promote ko muna ang talagang pinaiyak ako ng episode ng Wish Ko Lang, dahil sinundo nila ako sa bahay at pinuntahan ko nga ‘yung sinulat ko noong nakaraan na la-ging nagpupunta sa radio station ko. Salamat naman sa Diyos at magiging maayos na po siya sa tulong ng GMA-7, kaya huwag kayong magpahuli at manood kayo bukas ng Wish Ko Lang, para mapanood n’yo po ang tintukoy ko.

Ayan dumako na po tayo sa showbiz chikka to the maximum authority of chikka ng inyong yours truly. Yes, at bonggang-bongga, dahil marami nga ang naki-birthday kay Aga Mulach nu’ng nakaraang b-day niya at dumating nga ang mag-asawang si Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, dahil malapit ito sa kanya. Mukhang enjoy na enjoy ang dalawa. Nang dumating si Willie Revillame ay todo-iwas na itong si senator, at talagang umalis siya at naku, mukhang may gap talaga ang dalawa noon pa man.

Heto ang chikka pa ng isang kaparazzi natin, mukhang pinagpalit ni Sharon ang kanyang asawa at talagang nakipag-ayos siya kay Willie Revillame. Mukhang iniwanan niya sa ere ang kanyang asawa. Naku naman, ‘te, ano na namang eksena ‘yan?

Sabi naman ni Sen. Kiko Pangilinan, kaya siya umalis agad at hindi rin naman niya inaakala na darating si Willie ay talagang may mas mahalaga pa siyang pupuntahan. ‘Yun na!!!

 

AT SIYEMPRE HANGGANG ngayon ang inyong lingkod ay patuluy-tuloy ko pa ring isinisulat ang aking iniidolong si Nora Aunor na talagang tuluyang bumalik daw ang pagiging attitude problem at mukhang mabibitin daw ang shooting ng El Presidente.

Naku, noong nakaraang presscon, makikita naman nating nasa hitsura naman talaga ni Nora na hindi talaga maganda ang kalagayan at siyempre, kaya naman nagiging ganu’n ang mga eksena, aminin naman talaga natin na hindi siya kagaya noon na ganu’n kalakas. At heto pa ang masasabi ko, para sa mga nagbabalik ng awayang Nora at Vilma Santos, huwag na po nating ibalik ang ganyang isyu dahil kailangan po natin ngayon ay magkaisa… Pak!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong sikat na singer na nakakaloka dahil lumi-level up na?

Naku, noong nakaraan lang ay na-snatch-an o nadukutan yata ang pudrakis niya. Nawindang ang singer. Grabe naman sa pagkawindang, binigyan daw ng singer ng bodyguard ang kanyang pudrakis… bongga!!! Kaloka, haha!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Sharon Cuneta, iniwan sa ere ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan?!

  1. mr. mega simangot…gusto ko yun ha…nakakaloka pero syempre alam namin natin na senador siya so siguro may mas mahalaga pa talaga siyang gagawin noh…yun lang ‘ata” yun

  2. tama ginawa kiko, pormal lang siya,maaring may iniiswasan siya pagpyestahan kung sakali, may pagpapapansin gawin si willie, para ma focus media at, ganun din sharon na plastic. alam niya na eksena maaring gawin mega. kilala niya na ito, nag iiwan.

  3. si kuya swarding, me bago na naman pinapauso na gay lingo. Ano ba ang pudrakis? sensya na kasi di ako bakla… lol!

  4. hay Naku!…nagtatago sa loob ng damit ni Mega yang si KIKO…di nya mapanindigan yung trabaho nya sa senado..puro “noted” wala naman nangyayari sa noted nya…ay naku! kung
    hindi lang kay MEGA di naman mananalo yan sa pagkasenador..di nya mapanindigan ang kanyan salita…noted lang.he’s nobody without Sharon.. guilty bkit hindi hinarap si Willie!..pag wala si mega wala yan..thanks to Mega

  5. hay naku kaya ndi puede si kiko sa presidente masungit na mapagtanim pa hahahahaha mas gus2 ko pa si mar roxas smilling face at makamasa…dba tita swarding???

Leave a Reply

Your email address will not be published.