SHARON CUNETA, HANDANG MAKIPAG-GIYERA KAY HAYDEN KHO

HANDS-ON TALAGA ANG Megastar na si Sharon Cuneta when it comes to her being a mentor and a coach ng mga hopefuls sa Star Power ng ABS-CBN. At habang papalapit na ang moment of truth para sa limang natira, mararamdaman mo rin ang kalungkutan sa Megastar dahil nga naging isang ina na siya ng lahat ng sumali sa nasabing contest. Sa Linggo na gaganapin ang grand finals nito sa Ynares Gym sa Antipolo.

Pero sa kabila ng kaabalahan ng Megastar sa kanya ring kusina at sa kanyang Sharon at Home, may gumulo na naman sa mundo niya. Dahil ito sa twit ni Hayden Kho-na nagtanong daw ng opinion sa isang billboard. Timing naman ang paglabas o pagtataas ng billboard ni Mega para sa Marie France.

Maaanghang ang sagot ng Megastar sa tinuran ni Hayden, na nilinaw bigla na ang tinutukoy niya raw ay ang kalaban niya sa mundo naman ng perfume business na si Joel Cruz, ang Lord of Scents.

Kaya ang mga hirit ni Shawie, hindi pa nag-flop ang anumang produktong inendorso niya in her entire career. Ngayon nga lang daw siya nakasalubong ng ganitong klaseng intriga na parang insinuating na niloloko nila ang tao sa ipinapakita ng Marie France sa billboard nila. Nilinaw ni Shawie na walang retoke sa pictorial niya for that. May mga duda na si Mega sa nagpapakana ng nasabing campaign laban sa kanya at sa produktong pinili niyang iendorso.

Nanahimik na nga raw siya dati nang madawit ang  pa-ngalan ng kanyang anak na si KC Concepcion sa kaguluhan noon sa Belo clinic.

“I know how to protect myself. But there are times na I have to stand up and fight for myself. Sawa na ako sa kaka-‘no comment’. I never said anything nu’ng idinamay nila ang anak ko sa gulo nila. Hindi basta-basta at kung saan lang nanggaling ang anak ko. I kept my peace. Successful naman ang Belo, ah? Bakit kailangan nila itong gawin? Sinisiraan mo ba kami? Why do you have to talk?” pahayag ng Megastar.

Hindi sold si Shawie sa idea na si Joel ang inaaway o tinutukoy ni Hayden. Dahil ang tagal na raw ng isyu sa pagitan ng dalawa.

“I have never in my wildest dreams thought na I’d be associated even with his name. I talk about my sama ng loob sa fan page ko in Facebook. For some people, it is so convenient na kunwari hindi sinasabi para in the end, makakapag-deny.

“Maraming salamat sa ‘yo, napapag-usapan ng bonggang-bongga ang billboards namin. Parang nagkagulo kayo nang makita n’yo ang billboard ko. Nataranta kayong lahat! Common sense na lang. When I get hurt, kailangan kong lumaban. At hindi ako papayag na sirain ng gano’n lang ang pangalan ko ng kahit na sino pa!” ang matinding pahayag ng Megastar.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

15 thoughts on “SHARON CUNETA, HANDANG MAKIPAG-GIYERA KAY HAYDEN KHO

  1. Pingback: Tweets that mention SHARON CUNETA, HANDANG MAKIPAG-GIYERA KAY HAYDEN KHO | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

  2. ..Curious lang, im not so updated sa mga pinoy star news. Ano nga ba yong sinasabi ni tita Sharon na about KC and Hayden..mukhang bago to sa akin ah, looks like KC and Hayden well know to each other? Isa ata si Hayden sa grupo na nakikipaginuman si KC sa mga French barkads niya na kumalat sa internet 1 to 2 years ago? Yon ba yon..? fishy..hhmppp..

  3. kung kayo tatanungin bibili ba kayo ng pabangoni hayden para mangamoy MANYAK o bibili para maging future BOYTOY ng mga matrona at bading????

  4. i watched this interview sa the buzz.,oa si sharon,,kakairita pati mga mannerism nya na kaartehan na di na bagay sa kanya,,,ang paghawi ng hair nya na lagi nalang ganyan ang style,hati sa gitna,wahhahaahah,.maging pagiging mayabang nya na galing sa matiinding tao ang anak nyang si kc,..na decent si kc!,,kala mo naman sila ni gabby,decent!ewwwwwwwwwwww,.

    patulan ba ang nega at sira na si hayden!!,.hay nako sharon,,papayat kapa,,,kulang pa,..mataba kapadin,,as in,,,hay nako,,

    im waiting sa movie nila ni RICHARD GOMEZ wid KRISTIN HERMOSA-SOTTO soon,,sana matuloy na at papayat na si sharon,,

  5. so easy to say sorry,,,kung di c sharon ang pinatatamaan ng manyak,y di sya magsori at sabihin na kung nakasakit sya pasensya na,kung malinis talaga ang conscience nya,,,,,ganun ka simple mas hahangaan pa sya ng mga tao sa gagawin nya!

  6. …dati gustong gusto ko si sharon,kaso nagiging OA na rin ….dapat siguro hindi nalang nya pansinin si hayden.ito namang hayden na ito,parang bakla …parang ungas,pinag mamasdan mo ba si belo na puro turok sa mukha?,kaya nga halos tumabingi na yung mukha ng jowa mo noh???hmmm…hayden,punta ka muna sa saya ni belo,iritado na si mega syo noh,hahaha…… opinion lang po.

    • Ako rin Exile, dati gusto ko si Sharon pero parang na OA na sya at sa interview sa The Buzz, sana hindi na lang nya ipinagmalaki ang background nya kasi kung tutuusin naman, ang yumaong Papa nya ay babaero and as a matter of fact, yong Mom ni Sharon was considered the other woman at the time kasi kasal pa si Pablo Cuneta noon sa other wife nya at si Gabby naman, marami ring naanakan. Sana tumahimik na lang si Sharon para hindi nag backfire ang mga pinagsasabi nya. At saka, kong tingnan mo talaga yong picture nya sa Marie France, para talagang pino photoshop, kasi parang very slim sya tingnan doon ikumpara sa katawan niya sa tv kaya hindi nya masisi ang mga tao kung mag react about the photo. Pero hindi ko gusto itong si Hayden. Sa mga ginagawa nya sa mga babae, bastos at very immature itong lalaking ito. Ano bang nakita ni Belo sa kanya, yong mukha lang ba nya at yong sa kanya? Parang hindi napalaki ng mabuti itong si Hayden ng kanyang mga magulang. Immature. Decent people will not comment and do it in Blind Item form and post it sa Twitter pa. If you have the balls and the backbone, pangalanan mo, huwag mong e Blind Item. Panindigan mo, di ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.