Sharon Cuneta, gugulatin ang madla sa sobrang pagpayat!

 OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Again and again to the maximum autho-rity of chikka ng inyong yours truly na nagmamaganda lalo na pagdating sa chikkan, dahil TGIF na naman at ratsada na naman tayo. Meron akong online streaming internet show, ang PINOY PARAZZI Live, kasama ang aking co-host na si Kristine Dera ng Love Radio, dahil mas in ngayon ang show sa internet, wala kang kinakatakutan at nagsasabi ka lang ng totoo…

O, ayan… speaking of totoo, magchismisan na tayo dahil hindi ako naniniwala na ang kailangang isustento ni Yilmaz Bektas sa mga anak niya kay Ruffa Gutierrez ay bonggang laki. At ang sabi nga ni Ruffa ay kailangan niya talagang suportahan ang kanyang junakis.

At heto ang usapan nila, kailangang magbigay ni Yilmaz ng 2-M dollars kapalit ng kanyang anak. Wala naman talaga silang ganu’ng usapan, pero speaking of Yilmaz, akala nila siguro mayaman si Yilmaz sa bansa nila. Eh, ang alam naman natin, mayaman ang mga magulang niya at siya ay parang ordinaryong tao lang du’n kaya nga siguro ito binitawan ni Ruffa. Parang nasawi siya sa akala niyang kayamanan ni Yilmaz.

At heto pa ang bonggang chikka, na kaya pala uuwi rito sa Pilipinas si Yilmaz ay para sunduin na niya ang babae niya rito na hindi ko pinangalanan noon, pero ngayon ay papangalanan ko na, si Belinda Jaramilla. Ang talent ko dati at sinasabi nga sa akin ni Belinda na talagang pinapadalhan pa raw siya ng kung anik-anik at pinapaayos na sa kanya ang dapat niyang ayusin para masundo na siya at maisama na siya ni Yilmaz.

Abangan na lang natin… at tinanggal pa nga ako ni Yilmaz sa kanyang FB, dahil nalaman niya yatang nasa media ako… kalurki!

Abangan…

 

AT HETO NA dumako na tayo sa usap-usapan na talaga namang pinagtsi-chismisan noon na wala na ngang pag-asang pumayat si Sharon Cuneta dahil hard kain ito at walang disiplina sa sarili sa kung ano ang gusto niyang kainin.

Pero ‘eto na nga ang chikka, at dito lang kauna-unahang lalabas ‘yan. Abangan ang pagbabalik ni Sharon na talaga namang ang laki ng pinagbago, dahil sa show niya. Super payat na raw nito, at ang laki talaga ng naitulong ng show niya. Mukhang nagkaroon na siya ng disiplina sa pagkain… ‘di ba? Excited na ko kung ano ang kinalabasan… Pak!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong hunk actor na talaga namang bali-balita at alam natin na nagpapa-booking? In fairness naman, noon ay mahal ng talent fee niya. Naku P150K, wild ang mahal, ‘di ba?

Ayan mukhang nagmura na at pababa nang pababa ang tf niya at dahil nawalan na ito ng masyadong career, bumaba na sa P10K at talagang nagmura na.

Pero naku, ‘te… kahit ako mukhang hindi ko na lang siya papatulan dahil baka magkasakit pa atashi… hindi ko keri… ‘di ba? Naku, kung sino man itong aktor na ito, mukhang mahuhulaan n’yo dahil mukhang yumminess talaga!!!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

20 thoughts on “Sharon Cuneta, gugulatin ang madla sa sobrang pagpayat!

  1. ung mga turkish na kasama namin dito sa office, di naman nila kilala si Yilmaz, at hindi naman daw un anak ng hari duon…

  2. Mataba,payat,pandak,matangkad,mahirap o mayaman.Isa lang masasabi ko ganda naglalaho pero pagmamahal ni Jesus 4ever iyan.Kahit mataba si sharon cuneta mahalaga masaya siya.Pero need din niyang maging healthy kaya dance ,move- move po ate sharon.

  3. nakakainis nga talaga asi ruffa g. dhil lahat na lang ng issues sa kanya ay may kinalaman sa lalaki..as if naman dalaga pa siya

  4. Kung sakali man na nagpasipsip ng taba sa katawan si sharon babalik at babalik ang dati niyang katabaan kung panay pa rin ang pagkain niya ng lechon. Dati ng dumaan sa liposuction si Sharon pero makalipas lang ng ilang buwan bumalik ulit sa katabaan dahil nga panay ang tambay sa kusina at tamad maglakad kahit maglinis ng bahay tamad. Kaya hanggat walang disiplina sa sarili mananatili siyang mataba kahit 10 beses na magpa lipo yan.

  5. @jelloe, thanks for the answer, yong gastric by pass surgery hindi yong para sa lahat kasi nagtrabaho ako sa clinic dito sa US at marami kaming mga pasyenteng nagdaan sa ganyang surgery at karamihan sa kanila ay maraming health problems after the surgery, some yong organs nila na affected at na complicate ang health nila tuloy. Dito sa US, ang mga Doctor hindi kaagad gagawa ng ganoong surgery unless you are over a certain pounds, may limit ang pounds before they operate on you and then you have to go thru some seminar, information and psychological and it takes time before they do the surgery kasi marami pang pagdaanan like battery of tests kung healthy ka kasi the Doctors protect themselves from future lawsuits dahil nga sa future side effects ng surgery . Dami kaming pasyente na na complicate yong health nila afterwards and the Doctor that I worked for told me na the cause daw ng pagkasira ng some organs nila is the result daw ng surgery ng ganyan. Kaya pala yong mga pasyente namin na may surgery ng ganyan ay constantly being tested every so often kung wala bang changes sa katawan at health nila. So kailangan talaga na ang tao na galing sa surgery na ganyan ay kailangan mag isip isip muna. Mga pasyente namin sinabi na kung kumain daw sila ng marami, sumusuka daw sila. Let’s pray na si Mega walang komplekasyon after the surgery.

  6. jelloe ang agling mo namang manghula noh..saan kabang galing planeta at alam mo na ang ginagawa ni ate shawe…siguro sira ka na dahil ang lakas mong manira…

  7. IN FAIRNESS KAY YLMAZ AT RUFFA NAGMAMAHALAN TALAGA SILA AT KAHIT SIMPLENG BUHAY MASAYA SI RUFFA SA TURKEY NOON KASO ANG INANG MUKHANG PERA NILASON ANG UTAK NG ANAK KAYA TITA SWARDING ANG ALAGA MO PAG NAGING KATULUYAN NI YLMAZ MAGIGING HAPPY DIN SIYA.WAG LANG AASANG BONGANG BUHAY NA MA ALA REYNA.

  8. TITA SWARDING SINO ITONG GIMIKERANG LAOSADANG BABAE NA INSEKYUR KAY GRETA  AYAW MAGPATALO ANG HITAD KUNO MAYAMAN DIN ANG EX NIYA AT HANDA SIYANG BIGYAN NG KILO KILONG GINTO NOONG MAGKA HIWALAY SILA.ANO YUN BANKO CENTRAL.KUNO BINILI PA SIYA NG TV NETWORK NA NABUKING NA NAGTRABAHO LANG SIYA DOON BILANG KARANIWANG EMPLEYADO.AT HINDI PAG AARI YUN NG KANYANG EX.AT PAG UMUUWI ANG EX NIYA SA PILIPINas TAKOT NA TAKOT SI LAOSADANG MUKHANG BAKLA NA NGAYON DAHIL MADALDAL ANG EX NIYA AT GUSTO LAGING MAG PA INTERVIEW .KAYA SI LAOSADA AT ANG NANAY NIYANG MUKHANG PERA ANG NAGBABAYAD NG HOTEL DRIVER PAGKAIN AT PATI PANG SHOPPING PARA LANG DI ITO MAGINGAY.YUN NA BAKA PATI PANLILIGAW NI EX SA ALAGA MO KUNIN DIN SA MAG INANG HITAD.KAYA TAKOT NA TAKOT SILA.GIMIKERA KASI KAYA AYAN NABUBUKO KAKAHIYA KAYO

  9. TITA SWARDING BLIND ITEM SINO ITONG ACTRESS NA MEGA TABA ANG NAGPAOPERA SA USA TULAD NG OPERASYON NA GINAWA KAY JINGOY EJERCITO.PAREHO SILA NG DOCTOR KAYA PAG UWI NIYA AY NAPAKA PAYAT NA NI MEGA.PERO HINDI NIYA IPAGTATAPAT KASI PAPANGIT IYUN SA IMAHE NG PROGRAMA NIYANG BIGGEST LOSER.MEANING NANDAYA SIYA HINDI NAG EXERCISE AT NAGDYETA.YUN NA! GALENG PO IYAN SA MGA PINAY NA NURSES NA KILALA NAMIN SA AMERICA

  10. ^regarding SHARON, maghintay ka dahil ang laki laki na ng ipinayat nya kaya nga di sya lumalabas sa TV. Yung nakikita mo sa TV ay naka tape na yon months ago pa kaya malayo na dyan ang weight nya ngayon.

  11. Wala ng IKAKAGULAT pa ke SHARON dahil talagang MATABA pa rin siya. At next year mataba pa rin siya at sa susunod pang mga taon. 15 years na yang issue ng pagpapayat na yan tigilan na please hehehehe…

  12. Kung ano-anong pinapalabas ni ruffa sa media tungkol ke YLMAZ . Gumagawa ng sariling ISSUE para mapag-usapan pag hindi si ylmaz bagong lalake daw na dine deyt niya, pabalik-balik ang ISSUE puro lalake. Nakakaumay na nga rin basahin pa ang tungkol ke ruffa hehehe. Ay siyangapala nakalimutan mo SWARDING na i mention na SI YLMAZ AY ISANG PRINSIPE SA TURKEY hahahaha!!!!! Yun ang sinabi ni Ruffa nun na PRINSIPE si YLMAZ hanggang ngayon natatawa pa rin ako dun hehehe…. At pansinin nyo si Ruffa ngayon yung kanang mata niya naningkit habang tumatagal sumisingkit ang kanyang mga mata kagaya ni VIcky BELO. Mga dalawang taon lang yan hindi na maibuka ang mga mata niya sa KAKABOTOX. Sige botox lang ng Botox hehhee….

Leave a Reply

Your email address will not be published.