Sharon Cuneta, excited sa kauna-unahang teleserye

MARAMING FIRST daw sa bagong dramedy barangay-serye ng TV5 na Madam Chairman, kaya naman excited na excited si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang bagong show.

Sabi nga ni Sharon, ito ang kauna-unahan niyang teleserye at ibang-iba raw ang role niya rito kumpara sa mga nagawa niyang pelikula. First din daw kay Mega ang role ng barangay chairman na wala siyang kailangang baguhin sa kanyang sarili. Kung ano raw siya, kung ano ang hitsura niya, ganoon lang din daw ang makikita at mapapanood sa kanyang serye.

Mas masaya raw si Sharon ngayon sa nangyayari sa kanya sa TV5. Aniya, “‘Pag ang respeto mo sa leaders mo, present, bibigyan ka nila ng reasons para mahalin mo sila. ‘Pag gano’n, lahat kayo excited… mula sa mga staff hanggang sa mga artista… I’m very happy being part of TV5 now. I have not been this happy since I signed up.”

May puso daw ngayon ang mga boss sa TV5, kaya kita naman daw mga programs, ayon pa kay Sharon.

Sa Madam Chairman, gaganap ang Megastar bilang Elizabeth “Bebeth” de Guzman, isang mapagmahal na asawa at mabuting ina sa kanyang mga anak na sa kalaunan ay magiging Madam Chairman hindi lamang ng kanilang tahanan kundi pati na rin ng buong Barangay Sta. Clara.

Kasama rin si Jay Manalo bilang asawa ni Madam Chairman. Magkakaroon ng relasyon ang karakter ni Jay na si Dodong na isang OFW kay Beverly na gagampanan naman ni Regine Angeles. Naikuwento naman ni Regine sa presscon na hesitant daw siyang sabunutan si Sharon sa kanilang kumprontasyon nang mahuli ni Sharon ang pangangaliwa ng asawa.

Sabi naman ni Sharon, “Bilin ko sa kanila, lahat-lahat tayo artista, kung may kailangang gawin, sige lang. Kasi ‘pag naggi-guilty ka, parang hindi nakakatulong sa show. This is not may show, period. It’s the whole cast that give its life.”

Kasama rin sa Madam Chairman sina Bayani Agbayani, Ciara Sotto, Nannette Inventor, Malou de Guzman, Manny Castañeda, Glenda Kennedy, Fanny Serrano, Tony Mabesa, Jim Pebanco, Patani, Bearwin Meily at Toby Alejar. Mga anak naman ni Sharon sa serye sina Akihiro Blanco, Shaira Mae Dela Cruz at Byron Ortile.

Ang Madam Chairman ay sa direksyon ng tinitingalang direktor na si Direk Joel Lamangan, kasama ang award-winning scriptwriter-director na si Direk Joey Reyes bilang head writer.

In time din sa nalalapit na barangay elections ang pagsasa-ere ng Madam Chairman simula October 14, alas-7:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes, sa bagong primetime programming ng TV5 na “Everyday All The Way”. Inaasahan ng production na bukod sa entertainment value ng Madam Chairman, makapagbigay rin sila social awareness sa araw-araw na kaganapan sa pinakamaliit na yunit ng gobyerno, ang barangay.

 

NAKABABATA PALA ang prutas na strawberry. No wonder ang strawberry ay nakakahiligan ng Hollywood celebrities na bahagi ng kanilang daily diet. May elagic acid pala ito na ang epekto ay magiging mamula-mula ang kutis mo at makinis. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga artista at modelo ngayon ay pagkaganda-ganda ng kanilang kutis.

Pero ang kanilang secret? Hindi na sila kumakain ng napakaraming strawberries dahil bukod sa mabigat sa tiyan, seasonal at mahal pa. Kundi gumagamit ng Rosy Peel Natural Skin Supplement. Dahil ang Rosy Peel ay may all-natural at essential nutrients ng young green strawberry, guava, kamias at bignay na nagpapaputi ng kutis, na nagtatanggal ng dark spots, wrinkle free at pumipigil ng premature aging at skin dryness para maging soft, rosy at healthy ang skin mo.

No wonder nagiging maaliwalas, mamula-mula at napakaganda ang iyong face at kutis, na daily intake ng mga artista ngayon. Rosy Peel, Garantisadong Kaputiang namumula-mula hindi namumutla! Rosy Peel ang secret weapon ng mga artista. Mabibili sa lahat ng Mercury Drug outlets nationwide.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

14 thoughts on “Sharon Cuneta, excited sa kauna-unahang teleserye

  1. PAYING SHARON CUNETA BY TV5 IS LIKE THE SCANDAL CASE OF THE PORK BARRELL
    (PORK DAHIL SI SHOWIE -MAY PAG KA PORKY) AND SCANDALOUS DAHIL SHE IS NOT WORTH IT! JUST LIKE WASTING YOUR MONEY PARA NGANG SHE STOLE THE MONEY FROM YOU – NOT DESERVING TO RECEIVE 1 BILLION TF!!! I CAN SEE THIS WILL BE A FLOP AGAIN 4% RATING AS USUAL NG TV5…. THAT’S WHAT YOU GET SHARON…THANK GOD WALA KA NA SA ABS… AND MIND YOU DO NOT COME BACK!!!

    • Di ka pa rin makamove on sa paglipat ni Sharon? Just so you know, yung perang pasweldo kay Mega ay galing sa Smart at TM, sa Meralco at sa sandamakmak pang negosyo ni MVP na kumikita. Hindi naman yun dahil sa buwis ng taong bayan kundi sa mga tangang customer ng mga kumoanya at producto ni Manay Manny. Kung subscriber ka ng Smart isa ka na sa mga nagpapasweldo kay Shawie. Hakhakhak!

  2. KAWAWA TALAGA ANG TV5 KAY NEGASTAR, PERO NO CHOICE SILA KUNDI BIGYAN NG PROJECT KASI MAY FIXED SALARY YAN WITH OR WITHOUT WORK. DEFINITELY A WRONG MOVE FOR MVP TO TAKE THE NEGA INTO HIS STABLE. CERTIFIED HAS BEEN NA KASI YAN OTHERWISE DI SYA PAPAKAWALAN NG ABS. 

    • Jusko, hindi sa hindi siya pinakawalan noh! Hindi lang natapatan ng ABS ang offer ni MVP na boss ng mga Lopez sa Meralco. Hakhakhak!

      • Definitely not Sharon. She’s RICHER and BUSIER in Novaliches Compound than she was when she was still in Ignacia Relocation Site, with or without audience! hakhakhak!

      • RICHER AND BUSIER? ANU NA LANG BA ANG SHOW NYA? KAYA PALA PA SHOW SHOW NA LANG SA ABROAD. AT BAT INURONG ANG 10M NA REWARD? YAN BA ANG RICH?

      • In fairness mas marami naman ang show niya sa Singko kesa sa show niya noon sa Dos na weekly lang. Kaya nga siya lumobo nang husto dun di ba? Hakhakhak! For the record hindi inurong ni Sharon yung reward. Tinanggal lang yata yung Twitter post dahil basher magnet sa mga bitter na kapamilya na di pa rin makamove on sa paglipat niya. Si palakang Alex Something ang mismong nagconfirm niyan sa isang site. And yes she’s richer dahil walang duda na mas malaki ang offer ni MVP sa kanya kesa sa counter offer ni Charo. Otherwise bakit siya magtityaga diyan sa nilalangaw na network na yan?

  3. walang manonood dyan yun nga show nila ni ogie lubog sa ratings masipag lang sila sa pag trend sa twitter pero wala naman nanonood.

  4. kahit anong gawin ng kafatid network eh, hindi talaga nagre-rate ang mga show niya hahahahah! yun ngang show nina nega at ogie parang hindi man lang umaabot ng 5% ang ratings eh, hakhak! tapos gagawan npa ng serye si nega? dyusko kawawa naman si mvp lugi na naman hahahahahaha! 

  5. Bobo ka at walang talent kahit 50 million hindi ka babayaran ng TV5 noh!!! At hindi ka aabutin ng 100yrs dahil kukunin ka na ni Lord…hahaha!

    • MAS BOBO KA AT IDOL MONG C CHICCHARON KUBETA…PURO FLOPSINA HAHAHAHA MJAGTANIM KANALANG NG KAMUTI BOBO KANG UHUGIN KANG HAMPASLUPA KA HAYOPPPPP KA PWEHHHH KAININ  MO TAE MO  GONG GONG TANGA BOBO HAYOP

  6. MAYAMAN TALAGA TV5 ..KAHIT FLOP ANG SHOW NI CHICHARON KUBETA 1 BILLION PARIN ANG TALENT FEE HAYYYYYYYYYYYYYYYYYYY…..MARAMI NANG MAPAPAKAIN YUN SA SQUATTERS AREA AH 50 MILLION LANG PWEDE NA AKO MAMUHAY HANNGANG 100 YEARS OLD

Leave a Reply

Your email address will not be published.