Sharon Cuneta, dismayado sa TV5?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo!

Aywan ko at walang katapusang aywan kung totoo itong nabalitaan kong chikka na si Sharon Cuneta ay may balak daw lumipat sa dati niyang lungga sa Channel 2. Kasi hindi naman daw maganda ang trato sa kanya ng TV5 at hindi raw nagre-rate ang Kasama Mo, Kapatid.

Ilang buwan na nga namang naka-ere ang show niya, pero wala namang pumapasok na mga commercial, at mula nang lumipat siya sa TV5, wala na siyang gaanong endorsement. Talung-talo na raw ito ni Kris Aquino, at namamayagpag ang rating ng KrisTV, at sunud-sunod ang endorsement na ginagawa ni Kris.

Kung gugustuhin naman daw ni Sharon, puwede naman niyang i-revoke ang contract niya at isauli ang pera. Kasi isa naman si Sharon sa mga stockholder ng ABS-CBN.

Mukhang natauhan na si Sharon na malakas pa rin talaga ang hatak ng audience sa Channel 2. Parang naniniwala nga ako. Kasi minsang may dumalaw sa aking balik-bayan from San Fransisco, USA, hindi na raw nila nakikita si Sharon mula nu’ng lumipat ito sa TV5. Tinanong kasi sa akin, kasi ang lagi raw nilang napapanood sa America ay ang KrisTV.

Kung ako ang tatanungin, wala akong masabi sa Kasama Mo, Kapatid. Magada ang show, mga bigatin ang mga panauhin at talagang may topic, at pinag-iisipan ng mga writer. Ang napapansin ko lang, hindi pa nawawala kay Sharon ang pagbe-baby talk. Hindi na bagay sa kanya, ang laki-laki niya at may edad na.

Bakit si Oprah, malaki rin at halos kasing laki lang ni Sharon, pero bongga kung magbitaw ng salita at may drive? Si Sharon, ang lambot at hindi pa rin nawawala ang pagiging iyakin. Minsan naman, tawa nang tawa kahit hindi nakakatawa. Ito dapat ang pag-aralan ni Sharon, kasi sayang. Kung sa talino, hindi sila nagkakalayo ni Kris, o baka mas matalino pa siya. Marami pang ibubuga si Sharon, kung babaguhin lang niya ang style ng pagsasalita.

Sa bagay, hindi lang naman si Sharon ang nababalitaan kong aalis na sa TV5, maging ang sinasabi nilang magaling na artista na wala namang project pagkatapos ng Sa Ngalan Ng Ina, balita rin na kinakausap na rin ang isa sa mga top excecutive ng Dos, kasi nagkabati na.

At ‘di ba dati sina Richard Gomez at Jonh Estrada, ‘di ba balita na nakuha na nila ang down payment, tapos bumalik din sa kanilang istasyon.

Wala ba kayong napupuna sa TV5? Ang mga nagre-rate lang ay mga game show at ang Wil Time Bigtime. Maliban doon, wala na. Samantalang ang daming mabibigat na artista ngayon ng TV5, pero hindi nila makuha ang tamang timpla. Kasi naman, hindi nila alam kung saan isasaksak ang kanilang mga artista tulad ni Lucy Torres-Gomez, ‘di ba? Napuna ko na nu’ng nakaraang araw na bakit pinipilit niyang mag-host ng showbiz. Hindi naman sa kanya bagay, kasi isa siyang public official, congresswoman, parang hindi bagay ang mang-intriga ng kapwa niya artista. At ang kanilang showbiz talk show host ay mga patapon na, na ang isa d’yan ay hindi na pinapatulan ng mga advertiser. Kaya kahit saang ilagay ang oras at araw, walang pumapatol na commercials.

Ito ang hindi nakikita ng management. ‘Yun na!

SPEAKING OF nakikita, kasi nga ang kaibigan kong balik-bayan na dumalaw sa aking program nu’ng nakaraang Linggo sa DZRH.TV, kaloka as in, talagang mabubuwang ka sa Earth!

Kasi ba naman, isa siyang lawyer, take note, nagtanong lang ako kung may nababalitaan siyang beki na artista na pumupunta roon para magladlad, walang kaabug-abog na sinabi niyang si Sam Milby! Shock talaga ako! Kasi ‘yun daw ang tsismis doon na hindi naman daw nag-audition sa Hollywood si Sam. At balitang bading na bading daw ang dating niya roon. Kaloka, ‘di ba! Kayo, ano sa palagay n’yo?

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong actress na ito na hard meldy or it means maldita? Dahil nakakaloka naman talaga at ayaw paawat, na kaya pala walang project ngayon ang babaeng ito ay sobrang maldita niya.

Nakakaloka naman kasi, at kahit sinong makita niya, sinusingitan. Pinipili lang niya ang papansinin. Ano kaya ang gagawin niya kapag naka-hanap siya ng katapat?

Naku, may ka-kilala rin ako na mas maldita sa kanya… pak! Sino siya?

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

37 thoughts on “Sharon Cuneta, dismayado sa TV5?!

  1. More movies pa po ms.sharon…

    Request po ng billions of fans niyo please po.

    God Bless to everyone!

    • I am an  avid fan of Sharon Cuneta way back 1980’s. That’s why I’m very much concerned about her. First, I think she should simply ignore her bashers or if not she know how to handle them well, without breaking down in tears. I know she’s human too, but the public knowing she really gets affected by these people isn’t helping her career. She should never stoop down their level.  These people  have nothing better to do with their lives. Their purpose is  really to upset her and demoralized her.  They are  trying to hit her at her weakest point. 

      She should try to turn these tides in her favor. First, I think she should really lose weight. I don’t know if these will help- I think avoidance of all processed food and going on a full fruit and protein diet might help. I really miss her doing movies. No to mention, I want to see  the happy,  beautiful, confident, smart Sharon I used to know. I want her to look at her best because she is really one of the most beautiful persons in showbusiness. It just so happen people associate having a slim body to being beautiful.

      Also, I want her  show to have the best ratings.  The staff of her show should know how to give her pointers on how to improve her hosting skills. I’m sure they know that there is something missing. I wonder if they really care. I’m sorry, but I have to agree to the above comment that she needed improvement the way she conducts interviews, particularly her voice. KC ‘s doing very well in hosting. Sharon, I’m really one of your old avid fans and it pains me to see negative write ups about you. I’m saying these because I truly care. 

  2. sige lang kayo!!.manglait pa kayo ng manglait kay sharon..para naman minasaker niyo si sharon..ano kaya ang nagawa niya sa inyo? eh kung maarte siya or peke..eh siya naman yun? para naman hindi tayo kristiyanos dito? now i’m happy talaga why we have cyber crime law.!. please stop .. kahit masama pa si sharon eh wala naman tayong karapatan para manglait o babuyin siya dito?!.. hindi niyo naman siya personally kilala =( nandidiri talaga ako sa inyo..mga pinoy pa naman tayo? maluoy mo ni sharon please!!!

  3. hindi maamin ni sharon na laos at lubog na ang kanyang career. Pagkatapos ng TV5 saan na siya lilipat? dapat na lang siyang mag live show sa karnabal as sharon ang babaing balyena!

  4. kailangan nya ciguro magpapayat ng lubusan, kaya yan with discipline, part ng job ng artista na magandang kang tingnan, hindi na rin pwede magpacute at her age, tsaka forte nya acting hindi hosting.

  5. josko wala naman ka kwenta kwenta ang show nya, in short laos na si tabachoy!!! magkano nga ang babayad sa kanya ng tv 5? 1 billion? ano? sasayangin lang ni manny pangilinan ang pera nya, laos na si tabachoy para bayaran ng ganyan, minsan ako nauod ng show nya, nabwiset ako kasi paiyak iyak pa, nakaka kunsumi

  6. di natutulog ang panginoon  HESUS. ang taong nilalait nyo !  at hinuhusgahan nyo ay di tama . tignan nyo muna ang sarili nyo kung kayo ay perpekto. AMEN

      • lakas ng tama mo maryhahahah tigilan mo na yang pagdrodroga mo! hahahahah hindi na healthy hahahahah kung anu anu nanang kabalbalan nyan pinagsasabi at isip mo hahahahah

  7. kahilera na ng balyenang yan sila claudine at joklina walanggal hahahahahaha halos non existing ang career kesehodang me shows pero parang wala lang di pansin ng tao hahahahahahaha baka pag nagteam up ang agb at tv5 biglang maging number 1 shows ng tv5 hahahahahahaha tulad ng sa gmeeewwww parang wala lang pero no. 1 sa ratings hahahaha ni hindi mo nga alam na nageexist yung mga programang o napaguusapan man lang sa bawat kanto at kalye at palengke yun pero no. 1 sa ratings hahahahaahahah sa gmeeewww abg hokus pokus rating hahahahaha

  8. tama yung sinabi ni swarding na:

    ” Ang napapansin ko lang, hindi pa nawawala kay Sharon ang pagbe-baby talk. Hindi na bagay sa kanya, ang laki-laki niya at may edad na.
    Bakit si Oprah, malaki rin at halos kasing laki lang ni Sharon, pero bongga kung magbitaw ng salita at may drive? Si Sharon, ang lambot at hindi pa rin nawawala ang pagiging iyakin. Minsan naman, tawa nang tawa kahit hindi nakakatawa. Ito dapat ang pag-aralan ni Sharon, kasi sayang. Kung sa talino, hindi sila nagkakalayo ni Kris, o baka mas matalino pa siya. Marami pang ibubuga si Sharon, kung babaguhin lang niya ang style ng pagsasalita.”

    yan ang pagkakaiba nila ni tetay, kasi hindi mahilig si kris na magbata-bataan pag nagho-host na walang ring tigil ng bungisngis, and most of the time, nauuna pang umiyak sa ini-interview niya.. kaya sana hindi na niya pinagtakhan pa kung bakit mas wiinner sa kaniya si tetay sa hosting at maraming ads ang show niya kaysa sa kaniya noon.. siguro hindi pa naman huli ang lahat, baguhin na lang niya ang hosting style niya at iwasang magbebi-beybihan habang nagsasalita

  9. Sharon, please, mag retire ka na lang be with your very young children. Tama na, ni ayokong panoorin ang show mo, dahil bored ako. Wiltime Bigtime – talagang gusto ko panoorin.

  10. IN FACT LUGING LUGI ANG TV5 KE BATSOY ABER HINDI BIRO ANG 1 BILLION PESO NA ITINAPON SA BALYENANG ITO NA AKALA NILA MAGDADALA NG MARAMING COMMERCIAL SA SHOW NIYA HAHAHA SA COMPANY NGA NI LOPEZ LUGI NA SIYA SA SHARON SHOW NIYA NA SOBRANG BABA NG RATINGS. ANLAKAS NG LOOB MAGKA TALENT FEE NG 1 BILLION NI 3 YATA NA COMMERCIAL HINDI NIYA KAYANG IPASOK SA TV 5. ILUSYUNADANG SIKAT NA SIKAT. LAOS NA SIYA. PERIOD. HINDI NA YAN I RE RENEW NG TV 5 PUSTAHAN PA TAYO AYAW NA NILA MAGWALDAS NG 1 BILIION PESO HAHAHA

  11. whatever they do naman kasi e..GMA7 nga di matalo ang ABS-CBN.. e what more ang TV5?? kelangan muna talunin ng TV5 ang GMA which is very impossible na din to happen.

    • TAMA KA, SANA HWAG NA SYANG KUNIN NG CHANNEL 2 ,WALA NG CAREER SI SHARON,SAWA NA ANG TAO SA KANYA,HINDI SYA NAKAKA ALIW TIGNAN AT VERY LOUSY HOST PA !OMG HINDI PA BA SYA MAGRERETIRE !ANG DAMI NA NYANG PERA,MGPRODUCE NA LANG SYA NG MOVIES OR SHOWS!SHAWIE JUST ACCEPT THE TRUTH THAT YOUR CAREER IS OVER NOW!!!!! SANA MATANGGAP MO NA !!!!!

      • ok lang na bumalik cya sa abs pero sana mag nanay cya sa teleserye. kung c kris pumayag eh sa idad na yan pwede na nga cyang mag ka apo

Leave a Reply

Your email address will not be published.