Sharon Cuneta: ‘Di lang ako puro taba

Sharon-CunetaNAGSIMULA NA noong Lunes ang bagong tawa-serye ng Megastar na si Sharon Cuneta sa primetime ng TV5. Aminado si Sharon na ito ang kanyang kauna-unahang teleserye sa buong career niya at napapayag daw siya dahil sa director na si Joel Lamangan, headwriter na si Direk Joey Reyes at sa ganda ng istorya raw nito na nakakatawa, nakakatuwa, highly entertaining pero may saysay at social relevance.

Ayon pa kay Shawie, “You’ve never seen me like this,” sa panayam sa kanya ng Showbiz Police ng TV5 last Saturday, October 12.

Pagdating kay KC, gumaganda ang kanyang career pero ang kanyang lovelife ay tahimik. Tugon ni Sharon, “Talagang as God is my witness, honest talaga, hindi ko alam. I think she’s ano… siguro nahihiya na siyang mag-share sa akin, kasi baka hindi na naman mag-work. I know she goes out.”

Inamin naman ng Megastar na hindi siya ‘yung tipong nag-uusisa tungkol sa mga ganu’ng bagay. Pero minsan naman daw tinatanong niya ito kung masaya ba ito, okay ba siya at kung may mga dini-date ba ito. Aniya, “I think na ano lang… because it’s so… she knows that I get emotional… and she’s old enough… so because I’m so protective of my children and I think it’s normal for a mother.”

Among all her children, kanino kaya niya nakikita ang sarili niya? Tugon niya, “Really Miel but also Frankie. Frankie is as musical as KC, I am a singer but she and KC know how to make good songs. Frankie and KC play instruments. Miel and I, we like drawing and she likes to sing, she dances, parang its really Miel and Frankie.”

Sa pakiwari kaya niya, isa ba siyang mabuting ina o mas mabuting anak? Sagot niya, “Sabi ko nga kanina eh, paano ko kaya sasagutin ito, ‘yung ano… mabuti akong anak, pero I think mas mabuti akong ina.”

Paliwanag pa niya, “Uhm, siguro lahat tayo ganito. ‘Yung nakikita natin sa magulang natin na feeling mo mas puwede pang i-improve, ita-try mong gawin ‘pag may anak ka na. But really it’s for my children to say of my being a mother. I try to be good in both areas, kasi family is everything to me.”

Sa mga dating concert ng Megastar, palaging nakasuporta sa kanya ang mga magulang. Would she be as supportive to her children also? Aniya, “Oh my God, yes. Yes. Very. Minsan ‘pag may premiere si KC, hindi ako nagpupunta kasi I don’t like to steal any bit of the thunder that is… that should be hers.”

Parang na kay Sharon na ang lahat, ano pa kaya ang ipinagdadasal niya sa ngayon? Patawang sagot nito, “A sexy body.”

Patuloy pa niya, “A sexy body that used to be so easily achievable. Kasi dati sexy ako. No I think ano lang, its not that I’m not disciplined, they’re we’re just personal issues that you’d rather not say, so it’s taking sometimes to get used to it.”

Marami ang nagsasabi na minsan hinuhusgahan daw si Sharon dahil sa kanyang timbang. Natatawang sagot ni Shawie, “There’s more to me than my taba.”

Paano kaya niya gustong maalala? Aniya, “A good person, who also happened to know a little bit about acting and singing.”

Makahulugan pang dugtong ni Sharon, “Hindi naman lahat ng kabutihan kailangang ibalandra. I’m not the type.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Sharon Cuneta: ‘Di lang ako puro taba

  1. SORRY MISS SHARON CUNETA, BUT YOU HAVE CHOSE THE WRONG NETWORK. TV5 WILL NEVER GIVE QUALITY SHOWS. WILMA GALVANTE IS NOTHING COMPARED TO MS. CHARO SANTOS AND THE REST OF ABS-CBN MANAGEMENT. I THINK ITS BEST IF YOU JUST FINISH YOUR CONTRACT THERE AND GO BACK TO ABS. GOOD DECISION THAT JUDAY AND KC, STAYED WITH ABS. ITS NOT ALL ABOUT THE 1 BILLION PESOS TALENT FEE. ITS ALL ABOUT THE LOYALTY AND CREDIBILITY AND STABILITY OF YOUR CAREER.

    • Look at KC, POOR and NO CAREER. Hakhakhak! At hanggang ngayon binabash pa rin ng mga miyembro ng kulto ni Piolita. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.