Sharon Cuneta, ‘di binigo si Kuya Germs!

SUCCESSFUL ANG grand golden celebration ni German Moreno last April 24 na ginanap sa Resort World, Newport Performing Arts Theater. Nagsama-sama ang mga sikat na artista ng Kapuso at Kapamilya Network para magbigay-pugay sa minamahal nilang si Kuya Germs. Isa na rito si Sharon Cuneta na tumayong host ng gabing ‘yun. Nagbalik sa kanyang alaala ang magandang samahan nila ng kanyang tatay-tatayan noong  time na nagsisimula pa lang siyang maging singer hanggang maging TV host sa “Germs Special” at maging Megastar ng local cinema, the rest is history. Tuwang-tuwa namang pinapanood ni Kuya Germs sa kanyang kinauupuan habang nagsasalita si Sharon.

“Hindi ko malilimutan ang suportahang ibinigay sa akin ni Tatay. Tinatanaw ko ‘yung isang malaking utang na loob na hindi ko malilimutan,” say ng Megastar.

Marami ang natuwa sa pagdating ni Sharon sa nasabing big event. Months na rin nawala ang kanyang TV show sa Singko kaya’t na miss siya ng kanyang fans.

“Ang pagkakaalam namin, inaayos ng Kapatid Network ang bagong show na gagawin ni Sharon,” ayon sa source namin.

Ibang concept raw ito na babagay kay Mega. Kahit pahinga muna ito sa TV, magiging busy naman si Sharon sa mga show niya abroad. Katunayan nga, this coming May, fly siya sa US for a series of shows.

Sa pagbabalik ni Sharon, saka palang ipa-finalize ang bagong TV show niya. For the first time, ibang Sharon Cuneta ang mapapanood ninyo. Ngayon palang niya gagawin sa kanyang show at tiyak naming ikatutuwa ito ng mga manonood.

Abangan…

 

SA 50 years with the Master Showman big event, nagbigay ng kanya-kanyang song number sina Vina Morales, Jessa Zaragoza, Dulce, Jaya, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Keempee de Leon, Carmen Soriano, Pilita Corrales, and Elizabeth Ramsey. Nagkaroon ng production number si Billy Crowford kasama ang Kapuso stars.

Sobrang saya ni Kuya Germs sa dance number na ibinigay ni Billy para sa kanya. After that, tumakbo pa ang international singer/TV host para i-congrats ang kanyang discoverer.

Nag-host din sina Dawn Zulueta, Iza Calzado, Karylle, Marian Rivera at Dingdong Dantes. Nagbi-gay ng kani-kani-lang mensahe kay Kuya Germs sina Eddie Ilarde at Madam Charo Santos through VTR.

Siyempre, isang special number ang ibinigay kay Kuya Germs bago magtapos ang show. Hindi napigilan nitong maiyak dahil sa importansiyang ibinigay sa kanya ng GMA-7. Through the years nga naman, naging loyal siya sa kanyang home studio, mag-pahanggang ngayon. Hanggang sa huling hininga ng TVhost-comedian, mananatili siya sa Kapuso Network.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Sharon Cuneta, ‘di binigo si Kuya Germs!

  1. jackpot na naman ang baklang germs kay billy. for sure after the awards night busog na naman si germs sa giant hotdog ni billy.

  2. ano ba yan mas marami palang kanguso ang um-attend especially mga da who, sincha at starlets ng kapupo station hahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.