Sharon Cuneta, depende pa rin kay Gabby Concepcion kung gusto siyang makatrabaho sa isang project

Sharon Cuneta and Gabby Concepcion

Sharon Cuneta and Gabby Concepcion

PAREHONG may kanya-kayang naging bagong pamilya ang dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Kaya naman dahil na rin sa nasabing pananahimik at umiiral na delicadeza, kauna-unawa naman ang pangamba ng Megastar kung sa plano at posibilidad bang muli silang magkasama sa isang project ay gusto ba siyang makasama sa trabaho ng daddy ni KC Concepcion?

Paulit-ulit kasing naeengkuwentro ni Shawie ang nasabing tanong ngayong muli na naman siyang napanonood sa telebisyon sa mga programa ng ABS-CBN.

Sinabi pa ni Sharon, “It woud really depend on Gabby, kung gusto niya akong makatrabaho.”

Pero kahit naman matagal na silang hindi nagkasasama sa pelikula, minsan pala sa isang event ay nagkita na sila at nagbatian.

Pero sa tantiya para masabi kung okey na silang talaga kahit bilang magkibigan man lang, “Hindi ko nga alam kung magkaibigan kami. Hindi naman kami nag-aaway,” pagkaklaro pa ng Megastar.

Naudlot ang mga planong muling pagsasama nina Shawie at Gabby nang ang Megastar ay lumipat sa TV5 galing sa ABS-CBN, kasunod na rin ang hindi mapigilang pagtaba ng singer-actress. May humirit ding intriga noon na diumano’y hindi pabor si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na muling makasama ng kanyang wife sa project ang daddy ni KC.

Pero consistent naman si Gabby sa kanyang paliwanag lagi, na okey lang sa kanya na muli silang magkasama ng ex-wife niya kung mayroon talagang tamang project para sa kanilang dalawa, at hindi basta ginawa lang para masabing natuloy ang kanilang balik-tambalan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.