Sharon Cuneta, can’t keep up with weight-loss endorsement!

NAKAKALOKA NAMAN SI Joel Cruz, imagine wala kaming kaalam-alam na ‘yung kutsara, tinidor at knife na aming ginagamit habang kumakain sa mala-palasyo niyang condominium ay gawa pala iyon sa ginto. Sa totoo lang kung alam lang namin na ginto ‘yung kubyertos na iyon at ‘yung platong nilagyan namin ng pagkain ay ginto, sana ay kinunan namin ng picture at inilagay sana namin sa aming Facebook. Hahaha!

Anyway, malayo na nga ang narara-ting ni Joel Cruz, mula sa pagsisimula sa maliit na kapital ngayon ay sanlaksang branches na ang Afficionado. “Nagdaan ako sa pagsubok bago ko narating kung saan man ako naroon. Maraming detractors ang bumira sa aking produkto at talagang ibinabagsak ako ng mga malalaking kumpanya noon. Pero hindi ako tumigil at sa halip na panghinaan ng loob, lalo akong nagsipag at nagsikap.”

Samantala, aminado si Joel na nagtataka siya sa mga naglalabasang balita kaugnay sa diumano ay mga pahayag ni Lovi Poe na kaya ito ay hindi na nag-renew bilang isa sa mga endorser ng kanyang pabango, eh dahil nababahuan ito sa kanilang produkto. “Una, Morly, bago namin ilabas ang product, pinag-aaralan muna naming mabuti ang amoy nito. Secondly, bago niya tinanggap na ma-ging endorser siya ng pabango na nasa pangalan niya, siya mismo ang nag-decide na iyon ang magiging brand niya. So, wala akong nakikitang dahilan para sabihin niyang mabaho nga ang product na in-endorse niya.”

Kaugnay naman sa diumano, namumuong away nila ni Vicki Belo, mariing sinabi ni Joel na hindi niya dapat pang patulan ang mga intrigang wala namang magagawang maganda sa kanyang buhay. “Ayaw ko ng away, ayoko ng gulo, mas gusto ko ‘yung makatulong ako sa ating kapwa kesa sa makipag-away sa mga tao. Hindi ko naman sila iniisip na kalaban sa aking hanapbuhay.”

Para sa inyong kaalaman nagkaroon ng alingasngas sa pagitan nina Vicki at Joel  mula nang magkaroon ng  sari-ling brand ng pabango si Hyden Kho na boyfriend ni Vicki. “Honestly narating ko ang kinalalagyan ko ngayon nang wala akong ginamit na ibang tao. Nagsikap ako at hindi ko inaway si ganyan at si ganito para lang mapag-usapan ang produkto ko. Naniniwala kasi ako sa karma at iyon ang dahilan kung bakit puro good karma ang dumarating sa akin, dahil wala akong ibang inisip kundi kung paano makakatulong sa aking kapwa at hindi ko iniisip kung paano ako makakasakit at makakaapak ng damdamin ng ibang tao.”

Mismo. Tsuk!

LUMABAS DIN ANG totoo na ang tunay na dahilan kung bakit nakipag-break pala noon si Angel Locsin kay Luis Manzano ay dahil sa pagiging kiss and tell ng aktor, bagay na iniiwasan na ng aktor sa ngayon.

Ayon sa aming source, hindi raw nagustuhan ni Angel ang pagiging kiss and tell ng binata, kung saan halos lahat ng mga nangyayari ay ibinabalita nito sa mga kaibigan. “Pinaka-hate sa lahat ni Angel ‘yung kiss and tell, kaya ngayong sila ni Phil Younghusband, tiyak na alam na ni Phil kung ano ang kinaiinisan ni Angel sa isang lalaki.

Lumabo na nang tuluyan ang pa-ngarap ni Luis na magkabalikan sila ni Angel, dahil si Angel na mismo ang umiiwas at hindi nagre-reply sa mga text at tawag ni Luis. “Si Angel kasi ang klase ng babae na kapag inayawan niya ang isang lalaki, never na niya itong babalikan, unless baka kung si Richard Gu-tierrez pa ang nakipagbalikan sa kanya baka puwede pa. Kasi sa lahat ng mga naging boyriend ni Angel, si Richard lang talaga ang super na minahal niya next na lang si Luis.”

Kung paanong iniiwasan ni Angel ang mga text at tawag ni Luis ay kabaligtaran naman daw niyon si Phil, dahil madalas daw ay ang aktres pa ang unang nagpapadala ng text message sa binatang manlalaro ng football. “Obvious na in love si Angel kay Phil, dahil ganyan na ganyan din ang aura niya noong mga panahong in love siya kina Mico Sotto (SLN), Richard at Luis.”

Si Angel daw ngayon ay laging masaya at aktibo sa pagtatrabaho. “Madaling makilala si Angel ‘pag in love dahil siya mismo ang gumagawa ng paraan para makita at makausap kung sino man ‘yung guy na nagpapasaya ng kanyang puso.”

MAY NAGTANONG SA amin sa prog-rama namin sa DZRH kaugnay sa hindi pagpayat ni Sharon Cuneta matapos na maging endorser ito ng Marie France. Ang sabi sa amin, posible bang kasuhan ng Marie France si Sharon, dahil parang nasira ng Megastar ang kredibilidad ng nasabing kumpanya.

Wala kaming maisagot sa tanong dahil una at higit sa lahat ay wala naman kaming alam sa kontratang namagitan sa Megastar at sa Marie France. Basta ang alam lang namin, mukhang nahihirapan ngang magpapayat si Sharon.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

12 thoughts on “Sharon Cuneta, can’t keep up with weight-loss endorsement!

  1. Oo nga,pgkaba kumain kami ng produkto na innendorso nya magiging obese din kami? di yata maganda sya as food endorser, hey advertisers wake up dami pa naman iba dyan na healthy tingnan kahit matanda na

  2. ngtataka rin ako sa Nestle kung bakit sya ginagawang endorser, ang taba taba taba nya, parang ngiging blunder yung companya, magiging ganito ba kami pgkumain kami ng produkto nyo? Pili naman kayo ng medyo payat

  3. She should do gastric bypass or lap. Band. It’s safe if done by experts and is considered an alternative to control cardiovascular risks

  4. Nagtataka lang ako kung bakit siya ang napiling mag-host ng “The Biggest Looser”. Dapat ung maganda ang katawan para maging inspirasyon siya sa mga gustong pumayat.

  5. Sharon already had a liposuction but it didnt worked out, talagang tabain na siya and no matter how much dieting she does, mahihirapan na siyang pumayat.

  6. If i were in her shoes (Sharon), i’d undergo a liposuction procedure until I reach my weight goal, then maintain it. Or maybe she had already tried that but failed. I agree with one of the posters above; KC should watch what she eats, otherwise she’d be as huge as her mom.

  7. Plastik si Mega. Tawa nang tawa maski hindi9 nakakatawa, kaya malakas tumaba. Dapat siguro, alamin talaga kung hindi photoshopped ang photos na inilabas nang endorser niya. Sawsawera pa. Sumasali sa away nang Sarah-Christine at Rayver. Siguro, nakakarelate siya kay Sarah dahil pinalitan siya ni Gabby.

  8. Si KC Concepcion, mukhang pareho nang body built ni Mega. Mukhang tabain rin. Ang lalaki nang braso, balakang at binti.

  9. Ang tanong may nakikinig sa sa radio station ninyo, baka mga inday (katulong) lang nag tumatawag sa inyo. lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.