Sharon Cuneta, bumili ng building! by Ronnie Carasco

MASASABI KONG I have the best of both worlds: naglilingkod man ako bilang talent ng GMA-7, pero marami rin akong kaibigan sa ABS-CBN. Kung anong dami nila ay siya ring dami ng mga kuwentong natitisod ko.

Uunahin ko ang naging reaksiyon ng mga kapwa talent ni Willie Revillame sa inasal nitong pambabastos sa alaala ni dating Pangulong Cory Aquino.

Shortly after Willie’s insulting remarks, nagsilabasan ang mga executives sa kani-kanilang mga opisina, shock written all over their faces.

Kung inaakala rin daw ni Willie na maabsuwelto siya sa ginawa niyang ‘yon, nabuo agad ang pagdududa kung ano nga ba ang nagbibigay-karapatan kay Willie na umastang hambog. Dahil ba alaga siya ni Arlene de Castro na asawa ni Vice President Noli de Castro? Ipinapatanaw ba ni Willie ng utang na loob sa Lopez ang nabili niyang bahay ng huli ?

One thing led to another. Hindi tuloy maiwasang kuwestiyonin ang mga “holdings” ni Willie: dalawang yate na kulang-kulang P150 million ang halaga, shopping mall na milyones din ang worth ng pagpapatayo at kung anu-ano pang investments under his name (?).

Tanong ng bayan: how could have Willie amassed so much wealth? Kung sina Vic Sotto at Joey de Leon nga na tatlumpung taon nang nagho-host ng Eat Bulaga at may kabi-kabilang mga programa, walang yate o gusali, papaanong ang isang Willie Revillame ang nagkaroon ng ganitong mga ari-arian?

Sa totoo lang, hindi na sana masisilip ang ganitong aspeto ng career ni Willie if he did not push his luck too far, partikular na ang pagpapamalas ng kahambugan that has put a stake even the respected image ng istasyong pinaglilingkuran niya.

Isa lang naman si Sharon Cuneta sa mga nabuwisit kay Willie: hayun, si mega, bumili rin ng sariling building nang walang kaabog-abog!

Talbog!

RAMDAM NG PRESS sa presscon ng Dahil May Isang Ikaw na hindi pakitang-tao lang ang sweetness nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales lalo’t a thing of the past na ang kanilang nearly three year old relationship noon.

Mas komportable na kasi ang mag-ex-dyowa when grilled by the press kung sino sa kanila ang nakipaghiwalay at ano  ang naging dahilan ng kanilang break-up.  Regardless kung sino ang may kasalanan, ayon kina Tin at Echo, it was good while it lasted. Pero aminado ang aktres na hindi madaling bumangon from a failed relationship.

“Ano’ng mahirap?” pagko-correct ni Echo. “Eh, ikaw nga itong nagpakasal,” panunukoy kay Diether Ocampo na sumunod na nakarelasyon ni Tin.

Pero may rebelasyon ako na ikaloloka n’yo tungkol sa team-up na ito nina tin at Echo. Gaya nga ng nauna kong sinabi, I’ve got friends from ABS-CBN na magpapatunay that Kristine’s pretty face lies a nakakalokang side.

Abangan tomorrow!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

8 thoughts on “Sharon Cuneta, bumili ng building! by Ronnie Carasco

  1. FRONT LANG NI NOLI DE CASTRO SI WILLIE REVILLAME. Kaya hambog at mayabang at malakas ang loob niyan eh.Hawak niiya sa leeg si Bise Presidente.

  2. dapat talagang silipin kung paano sya yumayaman ng sobra. ilang taon pa lang naman ang wowowee… is there something fishy going on?

  3. YES!Finally,may naka-isip din pala!OPO mga kapatid,kwestyonable ang mga ari-arian ni Willie,Kabayan kung lahat ng properties are tax-paid,nothing to hide eh?

  4. kay Kabayan Noli galing ang mga ari-arian ni wilLIE hahaha!
    at saan naman nakuha ni kabayan iyon aber? kayo na bahala magisip!

  5. ikaw Ronnie Carrasco para kang tanga para mo na rin sinabing na inngit si sharon kaya ito bumili ng building …. ilang years kana bang reporter bakit hindi mo alam na may dalawang buliding si Sharon non 2000 pa meron na cy nito isa sa Makati at isa sa Roxas Blvd … o baka hindi mo pa alam na mayroon Real State business si Sharon at kasosyo rin cy sa Aboitiz …

Leave a Reply

Your email address will not be published.