Sharon Cuneta, binastos ni Aga Muhlach?!

NALOLOKA AKO SA mga nakarating sa aking balita sa diumano’y hindi magandang nasaksihan ng mga tao between the Megastar Sharon Cuneta and Aga Muhlach noong concert ng Box-Office Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa Araneta Coliseum recently.

Those close to the Mega hinted na sumama ang loob ng Megastar sa aktor na masasabing close na close sa puso nito. Hindi kami nakapanood ng show ni Ai-Ai (for some unavoidable reasons) pero ang dami ng balita.

Napansin ko na nga sa interview ni Mega sa TV – when she got asked about daughter KC at sa mga intrigang ipinupukol dito na medyo mainit ang ulo ng Megastar sa pagsagot niya sa mga itinanong sa kanya about her daughter. At sa mga malalapit sa Megastar, galaw pa lang ng kilay nito o tono ng salita eh, alam mo nang merong pinanggagalingan ang sinasabi. Dahil may diin, na puwedeng hindi naman ‘yung directly na pinag-uusapan ang maituturo. And the interview happened sa concert ni Ai-Ai. Kaya sa pagkalat ngayon ng mga ganitong balita, tungkol sa nilagyan pa nga ng terminong diumano’y pambabastos ni Aga sa Megastar, alam mong ito malamang ang pinagmulan ng madiin niyang pagtatanggol sa anak.

We have yet to ask the Mega herself sa mga itinatanong ng mga nagte-text sa akin regarding the said incident. At kahit din siguro si Aga – kung makakausap namin ito.

If this has something to do with their friendship – at ito ang nabastos sa parte ni Mega – hindi na kami magtataka kung sumama nang todo-todo ang loob niya sa aktor na isa sa nirerespeto niyang co-actor at kaibigan niya sa industriya.

Hindi ko pa nga mawawaan kung ano’ng klase ba ng pambabastos ang ginawa ni Aga kay Mega, eh. Kasi, an actor of his stature na itinataas natin ang imahe as a gentleman, at love nga ng kababaihan will do that to a woman, and a lady at that, na ang trato ng mga taga-industriya eh, isang royalty-and true-blue royalty.

So, ano’ng klase ng kabastusan ba ang ginawa nitong si Aga kay Mega?

HINDI NA NGA kailangan pa ni Marian Rivera na patulan ang mga binitiwang salita o opinyon ni Ms. Vivian Velez hinggil sa naging pagganap ni Marian sa katauhang ginampanan niya some years ago sa ni-remake ng GMA-7 na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na si V.V. ang nag-produce at siya rin ang naging bida.

Actually, in a jolly mood si Marian when she was talking to the members of the press sa presscon ng Super Inday and the Golden Bibe. Could it have something to do with being in love?

“Kasi, wala namang mangyayari kahit pa sagutin ko ‘yan. Kasi, wala naman akong dapat pa na i-react. Natapos na ang series. Nagawa ko na. Nagustuhan naman ng mga nanood. And so far, ang mga nagre-react na nga lang sa opinyon niya na nirerespeto ko rin naman eh, ang mga taong nagmamalasakit din lang sa akin. Right naman nila ‘yun. And sa akin, tinatanggap ko na lang na she (V.V.) doesn’t mean any harm naman. Kanya-kanyang opinyon lang naman ‘yan. Basta ako, tama ang sabi mo Ateh – I did my best!”

Very comfortable rin si Marian sa bagong mga katrabaho niya sa “Super Inday…” na galing sa katapat niyang network – na sina Jake Cuenca at Pokwang. At hindi raw siya kinakabahan kung sa pagkakataong ito eh, hindi ang love niyang si Dingdong (Dantes) ang katrabaho niya. Ngiti nga lang nang ngiti ang Marian all through the night, ha? Talagang kampante na sa takbo ng relasyon nila ng tunay na super hero in her life!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

33 thoughts on “Sharon Cuneta, binastos ni Aga Muhlach?!

  1. ang pagiging totoong tao at pagiging bastos ay hindi iisa.If one person said that she just showed her true feelings to the extent na may binastos,hindi iyon excuse dahil ayaw niyang magkaplastik.Ang dapat kung may hindi ka gusto,tumahimik ka na lang.Masama man ang loob mo wag kang magtantrums dyan,Grow up.Di lahat nang tao e importante ka sa tingin nila.If Sharon felt that Aga doesn’t feel the same way to her as a friend,e di hindi di ba?Ganun naman talaga in life not everyone can be in your top 5 bestfriend list.For sure si Aga,wala si Mega sa toplist niya.Akala lang ni Sharon.

  2. sharon is absolutely a woman with integrity at di plastik…naging totoo lang sya sa nararamdaman nya towards aga…eh di kung plastik sya, hindi nya pinahalata na masama loob nya ke aga maski naiinis sya…come on guys! think of it well…

  3. Gentleman si Aga? Kailan? Just ask Janice and the women he used to date!

    Certified User si lolo Aga kaya karma at nawalan na ng career!

  4. ayan, basahin nyo ung nacopy ko.. and isearch nyo na rin “sharon cuneta” plastik

    GRABE ANG NAKARATING na usap-usapan sa amin, huh! Pa’no ba naman kasi, mismong ang mga production staff daw, ‘pag nag-uusap-usap, pinagtatawanan talaga ang programang Sharon! Basurang-basura nga naman daw, as in, ang show ni Megastar Sharon Cuneta, at kung anu-ano na lang sino-showcase.

    To the point nga raw na mukha nang comedy bar ang Sharon, tapos, hindi pa nakakatawa ang ibang stand-up comedians. Kahit nga raw nakakairita na ‘yung iba, ito namang si Sharon, sige lang ang tawa – tawa nang tawa kahit hindi naman nakakatawa…..

  5. ay ako rin di ko type si Sharon sobrang arte at plastic, andami na ring nareport na plastik talaga sya. Sobrang yung kunwari eh she’s the nicest and most perfect person in the world. At pag bumungisngis at tumawa parang mapipilas bunganga sa laki. jusko! Mas type ko pa si KA. On the other hand, di ko rin type si Aga pakyut, pareho sila ni Sharon pakyut din.

  6. I think Sharon also need to evaluate the team managing her.. Mukhang booking lang ng booking para sa kumisyon ang handlers nya.. Sharon should learn to establish herself as a brand.. the way Oprah established herself and the way Tyra is also doing now.. Di nakakatulong sa kanya ang ganito. She should be surrounded by people with pure concern about her name and career. Otherwise nga, mag-retire na sya.. I will be sad kasi Sharonian ako pero if she is not interested promoting her brand/name and career wag na syang gumawa ng mga gimik or even a show. Magiging kawawa lang sya kasi mababastos sya..

  7. walang kwentang kaibigan si aga kay he deserves the way he was treated.. dinadaan nya lahat sa pagpapa-cute.. e pwede namang magsalita! anong career nya? asan? he is a lesser star than sharon at yun ang wag nya kakalimutan! sana laging ganyan si sharon na honest about her feelings.. she does not need to please anyone.. next time kung ayaw sa kanya.. mas ayawan nya! her fans did not idolize her para lang pa-api.. dapat maging modelo sya ng mga matataba para ipagtanggol ang sarili.. sharon and her management team should learn to use this good message as strategy to market the “Sharon Cuneta” image..

  8. Aga has the right to choose kung sino ang makakasama niya sa movie. Kung ang dahilan ng pambabastos ni Aga eh pagtanggi ni Aga na makipartner sa movie ke Sharon, eh dapat naman kasi inaalagaan ni Aga ang career niya. Paano magiging love interest ni Aga ang isang aparador o 6 x 6. Ano, konting kibo lang ni Aga eh baka siya mabagsakan ng aparador o mapisa ng 6 x 6. Magpapayat ka muna Sharon bago ka mag-ilusyon na pumartner sa isang matinee idol. Eh baka magmukha kang nanay ni Aga eh kahiyahiya dahil magkaedad lang kayo pero mukha kang Lola Basyang na. Gising Sharon, you deserve Aga’s rejection.

  9. Buti nga kay aga. Kala niya siya si Tom Cruise kaya di na dapat itambal kay sharon. Ako naiintindihan ko ang explanation ni sharon. Sana man lang naging honest siya kay sharon.

  10. si sharon n nga ang nag bastos,si aga pa ang masama,db nga ang tawag ng mga press people kay sharon ang pinaka plastic sa lahat ng artista,yan ang trademark nya

    • simply girl, si Aga totoong tao? Are you joking? Ha! Ha! Just ask Janice..Ha! Ha! Palaging namisinterpret ang pagiging nice at may breeding ni Sharon as plastic sa mga sobrang inggit na detractors niya. But yung milyong milyong tagahanga ni Sharon, alam talaga na she’s sincere, decent and good.
      Yang si Aga ..LEGDENDARY na ang PAGIGING USER niyan! Kung sinong “hot” ngayon, diyan didilkit si Aga especially ngayong sobrang “has been” na.

    • Si Sharon napuno lang sa pambabastos ng Aga mo! Kung tarayan man sya ni Sharon, he truly deserves it! Bravo, Sharon! Naturally jolly lang si Sharon at hindi plastic! She is known to the press as that.. “walang masamang tinapay sa kanya”.. hindi sya nangdehado at nanapak ng tao.. di tulad ni Aga.. kahit itanong mo pa kay Janice at Carmina!

  11. From a neutral reader…nambastos man si Aga, Sharon more than made up for it sa pambabastos niya back kay Aga in front of thousands of people. So there is no better person here.

  12. Hindi bastos si Shawie pag hindi siya binastos–that was her ultimate public “FUCK YOU Aga”. Feelingera si Aga he needs to be brought down. I say good for Shawie!

  13. Isa sa bff’s ni Willy Evil-lame si Aga! Tingan niyo ang ugali ni Willy! Birds of the same feather!
    Shawie, ingat sa pagpili ng showbiz friends mo!
    I think yung tunay talaga na mga kaibigan ni Shawie sa showbis ay sina ZsaZsa P at Bing L ?

      • Nakasama ni Sharon si Zsa Zsa at si Bing sa ilang movies niya. Matagal na ang pagkakaibigan nila. One of the few real friendships in showbiz.

  14. hoy bayarang pilar mateo. nagbaligtad ba ng storya. si tabachingching ang nag snub ke aga at hindi ang sinasabi mo. magkano ba ang binabayad sayo ni tabachoy at wala kang kahiyahiya gumagawa ng mga fairy tale stories. i wish these so called movie reporters get their story straighten out before writing anything about it.

  15. Sharon is known for being a very transparent person. That’s her own prerogative, if she doesn’t like to notice both Aga and Lea’s existense during Ai-Ai’s concert. Yes Lea’s known globally, but let’s admit that she’sso supladita which she inherited from her mother.

      • Correct! i also think may deep reason ito kung bakit ginawa yon ni Sharon sa concert pa na maraming tao na I’m sure deep inside alam ni Sharon na maging nega ang comment ng mga tao kung gawin niya yon especially na may mga nega ring mga issues about KC ngayon, siguro napuno na lang si Sharon. Ang mga artista mga tao rin sila kagaya natin, mapuno rin, lalo na sila kasi walang private life but ginusto nila ang pag artista kaya no choice sila sa privacy issues nila.

  16. Totoo ka, sister! User si Aga.. Masyado lang offended si Sharon with how he was treated by Aga. Sharon better learn to choose her friends! Hindi lahat ng makasama nya sa movie pwedeng maging friend. Si Aga.. with his background.. obviously user friendly.. Kakapit kung saan sya sisikat at kikita! Hmmmp!

    Napuno lang si Sharon! I would rather see Sharon na ganyan ka-transparent kesa plastic! Nasa estado na sya na she can be herself! May pwesto na sya sa industry compared to Aga.. to even Kris or Gretchen! She can be DIVA whenever she wants!

  17. Kapal ng mukha nyang si Aga to refuse to do a movie with Sharon! Si Sharon pa apihin nya.. e sino ba yan si Aga??? Is he a big star? Is he ever an icon! Kapal! Kala mo kung sinong pogi.. Lolo naman! At mataba rin sya, pwede ba! Kulubot na rin sya! At yung sitcom nya.. laos!! Hindi nagri-rate! Ano pang pede nya gawin??? At least si Sharon can still sing apart from acting.. Si Aga.. pagpapacute lang ang alam!

  18. I never liked Aga ever since before. I still remember back in the 80s ang ginawa niyang KABASTUSAN kay Janice De Belen nung nabuntis niya ito. Tanda tanda ko ang episode sa SEE TRUE ni Inday Badiday!!! Imo, I think he is a USER , can NEVER be a true friend! Yung pagiging gentleman niyan ang pang SHOWBIZ LANG.

    If it will BENEFIT his career, love ka ni Aga pero pag HINDI, basura ang tingin niya sa iyo.

    Again, I never been a fan of Aga and I couldnt blame Sharon for what she did! Aga got what he DESERVES!!!

  19. Correction po hindi si Aga ang nangbastos kay Mega.Sa lahat ng nakapanood ng concert ni Aiai,alam na namin na si Mega ang nangbastos kay Aga sa public.Kung may sama ng loob si mega dapat privately niya kinausap si aga.Totoo lang natalbugan ni Lea ng husto si mega noong gabi na iyon.Dahil ang naalala ng tao kay Sharon ay ang pagiging negastar niya.nakuhaan ko ng video ang inasal ni sharon,post ko sa youtube

Leave a Reply

Your email address will not be published.