Sharon Cuneta, basura na ang show, mukhang cheap pa ang wardrobe!

GRABE ANG NAKARATING na usap-usapan sa amin, huh! Pa’no ba naman kasi, mismong ang mga production staff daw, ‘pag nag-uusap-usap, pinagtatawanan talaga ang programang Sharon! Basurang-basura nga naman daw, as in, ang show ni Megastar Sharon Cuneta, at kung anu-ano na lang sino-showcase.

To the point nga raw na mukha nang comedy bar ang Sharon, tapos, hindi pa nakakatawa ang ibang stand-up comedians. Kahit nga raw nakakairita na ‘yung iba, ito namang si Sharon, sige lang ang tawa – tawa nang tawa kahit hindi naman nakakatawa.

Tanong nga nila, wala na raw bang bagong pakulo? Kung anu-ano lang daw na kumbinasyon ang naiisip. Mukha nga raw tuloy na nagsi-show lang para masabing may show si Sharon.

Hindi naman siguro mararating ni Megastar ang kanyang stature kung hanggang ganyan lang ang puwedeng gawin ni Sharon. Baka naman puwede magkaroon siya ng drama special, ‘di ba? Para naman hindi magsawa ang mga fans sa katatawa niya sa show na siya lang ang natatawa.

The height pa ng usap-usap ng production people, eh, ang isinusuot na damit ni Sharon. Comment nga nila, ang yaman-yaman naman daw ni Sharon, tapos ang isinusuot, o ‘yung ipinatatahi, parang ang cheap-cheap ng pagkakagawa. Obvious naman daw na para maitago lang ang totoong kurba ng katawan ng Megastar.

Kapansin-pansin naman naman every Sunday, na kung hindi black, blue naman ang suot ni Sharon. Mabuti na nga lang daw at milyones ang halaga ng mga alahas niya, huh!

‘Eto naman ang masasabi namin d’yan. Hoping pa rin naman kami na may bagong ihahain ang show ni Sharon sa televiewers, at hindi ‘yung parang makaraos lang na nagdaan na naman ang isang episode ng Sharon, na ‘yun na ‘yun.

Take note, Sharon Cuneta ‘yan. Dapat, laging bongga! Dapat, laging looking forward ang televiewers.

Dapat, at sana, bagong Sharon naman! ‘Yan, eh, napag-uusapan lang naman…

By  napag-uusapan lang naman… ni raspa ratsi

Previous articleSa pagbabalik ni Kris Aquino, Mariel Rodriguez out na kay Robin Padilla?!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #144: July 30-August 1, 2010

No posts to display