Sharon Cuneta, ayaw makasama sina Gabby Concepcion at KC Concepcion sa isang pelikula!

MAS EXCITED si Sharon Cuneta sa pelikulang pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion kesa kay KC Concepcion na kanyang anak.

“‘Yung sa amin ni Gabby, confirm na. ‘Yung sa amin ni KC, parang wala pa yatang nasasabi sa akin.”

Ok lang daw sa Megastar na magkasama sila ni Gabo sa isang pelikula dahil matagal na rin naman daw close book na ang kanilang naging relasyon at may sari-sarili na sila ngayong buhay.

“I think, hindi pa kami siguro dapat magkasama-sama nina Gabby at KC in one movie, kasi parang masyadong malapit na iyon sa realidad,” sabi pa ng Megastar sa Pinoy Parazzi.

Sa kabilang banda, mariing inamin ni Sharon na sobrang naapektuhan ang kanyang anak na si KC sa naging problema nito kay Piolo Pascual.

“KC is okay right now. Masyadong mabilis ang nangyari, pero nakapag-move on na siya.”

Sa kabuuan, sinabi pa rin ni Sharon na hindi siya totally galit kay Piolo, pero hindi pa raw siya handa para makaharap ang aktor na naging dahilan ng pag-iyak noon ni KC.

“Siyempre kahit kaninong magulang, masakit ‘yung nakita mong umiiyak ang anak mo, at si KC pa, my God! Napaka unfair iyon para sa aking anak,” pagwa-wakas ng Megastar.

 

SOBRANG IWAS at proteksiyon ang ibinibigay ngayon ng ABS-CBN kay Piolo Pascual. Sa nakaraang presscon ng relong iniendorso ng binata na magkakaroon ng fun run, bago pa magsimula ang nasabing pagtitipon ay agad na nagbigay ng babala ang staff ng nasabing event. Bawal daw tanungin si Piolo ng mga bagay na may kinalaman kay KC at sa iba pang personal na bagay.

Ayon sa ating spy, sobrang bantay-sarado ngayon ang aktor sa mga reporter na maglalakas-loob na tanungin si Papa Piolo tungkol sa isyung ‘kabaklaan’.

“Hay, ‘Day! Kung alam mo lang, sobrang pressure sa amin ang ganito na kapag may nakalusot, kami ang mananagot!” Sabi ng spy na nakiusap ding huwag na raw banggitin pa ang kanyang pangalan, dahil baka siya raw ang malintikan.

 

SA PRESSCON ng concert na pagsasamahan nina Christian Bautista at Karylle, mariing sinabi ni Christian na hindi maganda para sa kanyang kaibigan na si Mark Bautista na i-link kay Piolo Pascual. Kung paniniwalaan kasi ang balita, si Mark daw ang tunay na dahilan kung bakit tuluyang nagkahiwalay sina KC at Papa P.

“That’s unfair naman kay Mark. Sana naman instead na intrigahin natin siya, tulungan na lang natin siya sa problema nila sa Cagayan de Oro.”

Taga-Cagayan si Mark at ilan sa pamilya at maraming kaibigan ng aktor ang naapektuhan ng bagyong Sendong.

“Siguro, ang isipin na lang natin, kung kung paano tayo makakatulong sa mga na-ging biktima ng Sendong, kahit in a little way. Kasi kahit maliit na bagay lang iyon, ‘pag pinagsasama ay malaking bagay na iyon at makakatulong na iyon sa marami nating magkababayan,” sabi pa ni Christian.

Hindi raw naniniwala si Christian na may lihim na ugnayan sina Piolo at Mark.

“Siguro, tsismis lang iyon. Hindi ako naniniwala du’n. Tsaka hindi ko pinapatulan ang mga ganyang intriga,” pagwawakas ni Christian sa Pinoy Parazzi.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

5 thoughts on “Sharon Cuneta, ayaw makasama sina Gabby Concepcion at KC Concepcion sa isang pelikula!

  1. MEGA yaman na MEGA swapang pa…worth pa daw siya sa 1 Billion ….Mega yabang pa….hindi natin nadadala sa kamatayan kayamanan …dapat ganyang mega yaman sila eh tumulong sa mahihirap at hikahos…

  2. Nasa self discipline lang kasi yon. Portion control, heatlty choices of food and exercise, yon lang ang answer para pumayat si Mega. Pero kung puro crispy pata na lang kasi ang nasa isip nating kainin, maging pata rin ang hita natin. “ONE MOMENT IN YOUR LIPS WILL FOREVER STAY IN YOUR HIPS”!!!!!!!!!!!

  3. mukhang pera pala si shawie hmmm… ayaw ko na sa kanya dati gusto ko siya dahil loyal siyang kapamilya. magsama sila ni gabby na palaos na

Leave a Reply

Your email address will not be published.