Sharon Cuneta at Willie Revillame, nagkabati sa birthday celebration ni Aga Muhlach!

GINANAP ANG 42nd birthday ni Aga Muhlach last Friday night, August 12, ang mismong kaarawan n’ya night sa Top of the City by Chef Jessie resto sa Citibank Tower sa Makati.

Walang media coverage mula sa kahit na anong TV network, kahit invited pa sa party ang mga bagong bosing ng aktor sa kanyang bagong tahanan sa TV5 na sina Atty. Rey Espinosa, president and CEO, at Perci Intalan, head of creative and entertainment production.

Alas-otso pasado pa lang ng gabi, nagsidatingan na ang ilan sa mga showbiz at non-showbiz friends ni Aga sa cocktails section ng restaurant.

Nakita namin ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola, magkapatid na Mons Romulo at Berna Romulo-Puyat, Dolly Ann Carvajal, Joyce Bernal, Ricky Davao, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, mag-inang Liezl at Alyssa Martinez, Mother Lily at Roselle Monteverde, mga kapatid ni Aga na sina Arlene at Albert Muhlach, kasama ang kanilang mga asawa, at kanilang amang si Cheng at tiyuhing si Alex.

Kasama naming dumating ang long-time manager ni Aga at showbiz columnist na si Tita Ethel Ramos.

Nang palipatin na ang lahat ng mga bisita ng mahusay na aktor sa kabilang wing ng restaurant, kung saan lahat ay sabay-sabay na magsasalo ng hapunan sa isang napakahabang mesa, magkakasunod namang dumating sina Sharon Cuneta with husband Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Bong Revilla, Dawn Zulueta at asawang si Davao del Norte Rep. Anton Lagdameo, Ruffa Gutierrez, Philip Salvador, Lea Salonga, Gary Valenciano at Angeli Pangilinan, Toni Gonzaga at Paul Soriano, Angel Locsin, KC Concepcion, at Willie Revillame.

Humabol naman ang mister ni Liezl na si Albert Martinez.

Pagpasok ni Dawn sa resto ay nakita agad s’ya ni Ate Shawie sabay tawag sa kanya ng Rachel (tunay na pangalan ng una) at nagbesohan at nagyakapan ang dalawa, tuloy sa tsikahan.

Kaliwa’t kanan ang tsikahan sa isa’t isa ng mga espesyal na bisita ni Aga na mga ngayon lang nagkita. Maging ang mga hindi artista na kaibigan kasi ni Morning (nickname ng aktor) ay mga kakilala at kaibigan din ng mga showbiz friends nito, kaya sobrang saya ng kapaligiran nu’ng gabing ‘yon.

Maayos na nagkausap sina Dolly Ann at Angeli tungkol sa naging issue between IC Mendoza na anak ng una at Candy Pangilinan na pinsan at talent naman ng huli.

Muling nagkita rin at nagkamustahan sa okasyong ‘yon ang dating nagkatampuhan na sina Angel at Mother Lily at Roselle na nagyakapan pa at nagpa-picture.

Pinakilala rin sa isa’t isa ni Ags (tawag namin kay Aga) ang parehong malapit sa kanyang puso na sina Lea at Willie na pareho namang nagngitian subalit hindi na kinailangang mag-usap pa.

Ang higit na inaabangan ng lahat, maging ni Ruffa na tumatayo pa sa kanyang kinauupuan para makasagap agad ng bagong balita at mai-tweet n’ya, ay ang pagkikita at pagbabati ni Ate Shawie at Wil (tawag ng halos lahat ng tao ngayon kay Willie) na nagkaroon din ng tampuhan noon nang biruin ng huli, kung hindi kami nagkakamali, nang mag-guest ang una sa dating noontime show nito sa ABS-CBN na Wowowee na ikinasama ng loob ng Megastar.

Kasalukuyan kasing kumakanta sa corner spot sa dulo ng sosyal na restaurant ang Megastar at ang Pure Energy nang dumating ang kontrobersyal na TV host-actor-singer.

Nang matapos kumanta si Ate Shawie ay bumalik ito sa kanyang kinauupuan sa may bandang gitna ng pagkahaba-habang table kung saan katabi n’ya si Boss Vic del Rosario na isa sa mga tatay-tatayan n’ya sa showbiz na katabi naman sa kanang upuan ang kanyang alaga ngayon na si Wil.

Agad namang pinagharap ni Boss Vic ang dalawa at nagbatian lang sa umpisa na mukhang banaag sa kanila ang biglang pagkailang.

Pero maya-maya lang ay medyo nagkakausap na sina Ate Shawie at Wil habang parehong nakaupo at nasa gitna nila si Boss Vic. Hindi naglaon ay nagkakabiruan na ang dalawa. Naulinigan na lang namin si Ate Shawie na nagsabing, “Sige na nga, babatiin na kita…” sabay tawanan silang tatlo.

Hindi rin nakaligtas sa kantahan si Toni. Maging si Lea ay ilang beses ding kumanta, gaya ng Bakit Labis Kitang Mahal at ilang danceable songs. Nakipag-duet pa ito with Gary V. Bago mag-alas kuwatro ng umaga ay ando’n pa rin si Lea.

Kahit ang birthday boy ay hindi rin nagpaawat sa kantahan at sayawan. Mayroon s’yang maiksi at sariling version ng Poker Face ni Lady Gaga na ikinatawa ng lahat.

Sa huli, medyo naging emosyonal si Aga nang magpasalamat ito sa kanyang buong pamilya at sa lahat ng mga kaibigan n’yang dumalo nu’ng gabi ng kanyang kaarawan.

Sabi nga ng kanyang Tito Alex na ama ng kanyang pinsang si Niño, si Aga raw ang nagpahaba o nagpatagal ng apelyidong Muhlach sa showbiz.

Ang selebrasyong ‘yon daw ay hindi lang para sa kanya, kundi para sa lahat ng mga tunay n’yang kaibigan na sinaluhan s’ya sa kanyang pagdiriwang para mapasaya n’ya ang mga ito.

Imbitado rin ang mag-asawang Sen. Ralph Recto at Batangas Gov. Vilma Santos at kanang kamay nitong si Ate Aida Fondialan, subalit hindi sila nakarating marahil sa kaliwa’t kanang appointments ng Star for All Seasons sa kanilang lalawigan.

May narinig din kaming balita na dapat sana ay pupunta rin diumano ang ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano, pero baka raw may nakapagsabi sa kanya na ando’n sa party ang aktres, kaya baka hindi na umano ito tumuloy.

 

Photos by Francis Simeon and Karen Martinez

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

10 thoughts on “Sharon Cuneta at Willie Revillame, nagkabati sa birthday celebration ni Aga Muhlach!

  1. SHARON CUNETA + WILLIE REVILLAME = PAREHONG BABOY NA PLASTIC. BAGAY SILA KAYA DI AN KO MAGTATAKA KUNG SILA MAGKAKATULUYAN SA BANDANG HULI BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA

  2. I think dapat lang nman na magbati-bati na sila,matatanda nna kaya sila. Besides showbiz is just a small world. They should show a good example sa mga young artist . Di yun sila pa ang mga balat sibuyas makukunat nman na! 

  3. Ito bang pix dyan sa taas ang sinasabi ng kampo ni sharon cuneta na gugulatin ang mga fans dahil pumayat na siya? Eh wala naman palang pinagbago eh mataba pa rin at malusog na malusog tignan. Bukod sa hindi pumayat nakasuot na naman ng KULAY ITIM. parang laging dumadalaw sa burol. Lagi na lang nakaitim, katatapos lang nung BLUSANG ITIM sa GMA hehehe sana siya na lang yung gumanap dun kesa ke kylie lagi siyang naka itim eh.

  4. sino kaya ang insecure si sharon o ikaw DYN?

    kung makpagcomment ka ha..

    FYI, payat na si sharon tignan mo pictures niya.

    at wala kang alam sa tampuhan nila ni willie, may mas malalim yan na dahilan hindi lang pagbibiro ni willie about weight ni sha. madmai pang iba.

  5. FOR YOUR INFORMATION DYN, DI KA BA NAGBABASA NA PUMAPAYAT NA SI SHARON. OO MATANDA NA SYA. SO WE NEED TO RESPECT THEM. KASI SILA ANG NAUNA SA ATIN.DI BA TINURUAN TAU SA SCHOOL AT NG MAGULANG NATIN NA RUMESPETO SA MGA MATATANDA.

  6. Sharon Cuneta sobrang insecured, bukod sa mataba, matanda na. Sana ang pagbibiro sa kanya ni Willie, maging constructive to have an effort to lose weight. Liit na bagay, pinalalaki ang issue ni Sharon.. Si Aga, ganoon din. Hay naku,

Leave a Reply

Your email address will not be published.