Sharon Cuneta at Maricel Soriano, wala nang pag-asang magsama sa isang pelikula?

Sharon-Cuneta-Maricel-SorianoWALA NA nga kayang pag-asang magsama sa isang pelikula sina Maricel Soriano at Sharon Cuneta?

Ang dalawang box-office movie queens ng kanilang panahon (1990s) ay never pang nagsama in one movie, samantalang kung tutuusin, nasa iisang management na sila ngayon, sa Viva Entertainment (may co-manager si Marya). Pero tila wala ito sa immediate plans ng movie outfit.

Natanong namin ito dahil recently lang ay napanood namin ang restored version ng Ikaw Ay Akin nina Nora Aunor at Vilma Santos – perennial arch rival din ang mga award-winning actresses na ito.

Ang nasabing Ishmael Bernal flick ay ipinalabas sa Trinoma Cinema bilang isa sa restored classics ng ABS-CBN restoration group, at ayun, kanya-kanyang hiyawan at palakpakan ang Noranians at Vilmanians sa loob ng sinehan.

Hindi lamang nakarating si Ate Guy dahil may taping ng Little Nanay, ang bagong dramedy serye niya sa GMA, with Kris Bernal. Si Ate Vi naman ay may prior commitment.

We’d like to think na nandiyan lang ang “silent” Maricelians at Sharonians, eagerly waiting sa panahong magbabalik-pelikula ang kanilang mga idolo, with a big bang pa rin. Tulad ng Nora-Vilma, na nagsama rin sa T-Bird at Ako na isa ring classic.

Puwede ring mag-independent film style sina Sharon at Maricel, pero the script has to be well-written, at matindi ang hahawak na direktor. Kaso nga, itong si Sharon ay dapat na mag-lose pa ng more weight.

Ito namang si Marya, may nakaabang na pelikula under Viva, pero isang episode lamang ito sa trilogy na Lumayo Ka Nga Sa Akin, with Herbert Bautista. Kung ako sina Maricel at Sharon, sila na rin ang mag-produce ng pelikulang pagsasamahan nila together, pero dapat nga ay right material ito.

Look at Nora-Vilma, ilang dekada na ang lumipas ay ine-enjoy pa rin ng present generation ang past films nila together. Well, wishful thinking lamang namin ang Maricel-Sharon movie. ‘Yun na!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.