Sharon Cuneta at Joseph Estrada, niluluto na ang bagong show sa Singko!

KUNG PANINIWALAAN ANG balitang nasagap namin, isang public service program daw na mala-Wish Ko Lang ang pinag-uusapan between Viva and TV5 na planong gawin ng megastar na si Sharon Cuneta sa Kapatid Network, kung totoo ngang lilipat na ang aktres dito sa 2012.

Ang nakakabaliw sa “bombang balita” na itsinika sa amin ay hindi lang daw si Sharon ang host nito kundi pati ang dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, at ang initial title ay Kung May Hirap, May Ginhawa.

“Hindi makahindi si Sharon kay Erap dahil ninong ‘ata niya ito,” say ng aming source. “Si Sharon, parang ang gusto na niya ngayon sa stage ng career niya on TV ay ‘yung makatulong rin sa kapwa, parang si Oprah,” dagdag nito.

Puwedeng may bahid ng katotohanan ito since “graduate” na nga naman si Sharon sa musical variety shows and talk shows mula pa noong The Sharon Cuneta Show days niya sa IBC13, hanggang sa natapos ring Sharon (isang dekada) sa ABS-CBN last year.

Sina Sharon at Erap ang main hosts na nasa studio, at either si Wilma Doesnt or Tuesday Vargas ang field host ang nag-iinterbyu sa mga tao sa labas. Ang nakakalula, kung sa Wish Ko Lang daw eh, indibidwal ang tinutulungan, sa Sharon-Erap show raw ay – buong barangay!

Ang tsikang ito ay hindi pa namin makumpirma sa ngayon dahil wala pang formal announcement ang TV5 o Viva.
Malakas ang pakiramdam namin na for sure eh, may “share” si Erap sa pagpo-produce ng show. Alam mo na marahil ang dahilan lalo’t malapit na ang 2013, Dani Flores? Hahaha.
KUNG ANG IBANG young actors ay mga dramatic actors ang hinahangaan like Christopher de Leon, naiiba ang idol ni Alwyn Uytingco, at ito ay si Ronnie Lazaro, batikang mahusay na character actor.
Hindi man nagli-lead sa mga teleserye tulad ni Boyet – at kadalasan ay support o kontrabida pa minsan – walang paki si Alwyn basta’t idol niya si Ronnie, sa ang-king husay nito sa pag-arte.
Sa premiere night showing pa lang ng pilot episode ng Sa Ngalan ng Ina ni Ms Nora Aunor (na mapapanood ngayong gabi sa TV5), pinuri na ng mga kritiko ang performance ni Alwyn sa nasabing Mario O’Hara teleserye.
“Nag-research talaga ako noong una ko pa lang malaman ang character ko sa story. Nanood ako ng movies nina Al Pacino,” say ni Alwyn, na for us ay isa sa mga underrated young actors ng kasalukuyang henerasyon.

 

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

13 thoughts on “Sharon Cuneta at Joseph Estrada, niluluto na ang bagong show sa Singko!

  1. Hay naku Shawie! Stay put ka na lang dyan sa kapamilya… hindi mo kasi matanggap na laos ka na.. he.. he.. he.. tapos na iyon maliligayang araw mo noon. Anyway, millionarya ka na.. ibigay mo naman sa ibang mga bata bata pa. Just accept it pang mother na lang ang mga role mo. Kuha mo?

  2. No kidding! Totoo yong isang nag comment dito na si Sharon mahilig magpa sweet sweet sa TV. Parang naging Bituin na Walang Ningning na itong si Sharon, sorry sa mga Sharonians pero nagsasabi lang po ng totoo, kaya hininto na yong Sunday Sharon show nya bago pa maging 1 or 2 na lang ang ratings nito. Wala kasing magawa sa show niya noon maliban lang sa tawa ng tawa na hindi naman nakakatawa, parang OA tuloy ang kalabasan. Hindi sya at ease sa hosting, pa cute ng pa cute, just be natural na lang sana. Be yourself eka nga.

  3. korek!!! lumaos na man na talaga si maga star… magpapayat muna siya baka bumalik ang kinang niya…si Lorna nasa tv5 narin, di kasi bibigyan ng importansya ng abs, has been na rin kase.
    mga laos:
    Lorna T nasa tv5
    Shawie lilipat sa tv5
    buti pa si Ms D arami nang nagawang projects sa tv5.

  4. ITIGIL MO NA KASI SHARON YANG PA SWEET SWEET MO SA TV. AT YUNG PAGKANTA MO NA PINALALABAS MO SA ILONG YONG BOSES MO, HAYYYY NAKU NAKAKAIRITANG PAKINGGAN.TAPOS ANO YUN, TALK SHOW ANG GAGAWIN MO SA TV 5??? YAKKKKKKK EH YUNG TALK SHOW MO NGA SA DOS NA MAY HALONG KANTAHAN EH WALA NAMANG KALATOY LATOY. DYOS KO DAY, KAY KRIS AQUINO PA RIN AKO MANONOOD KUNG TALK SHOW LANG NAMAN, WALA KANG BINATBAT KAY KRIS AQUINO KUNG TALK SHOW LANG NAMAN. LETSE! UMALIS KA NA NGA !!!

  5. Dyos ko Sharon, tanggapin mo na, LAOS KA NA! Kahit saan channel ka pa, wala ka na. Lilipat ka pa sa channel 5 eh tatlong tao lng nanunuod dun! Hahahahahahaha!!!

  6. Nyek! Lalong mawawalan si Sharon ng magandang EXPOSURE. Wala talagang nanonood sa tv5. Kahit anong gawin nilang pagkuha ng mga artistang (Palaos or laos na) ndi talaga aangat ung network na yan…

  7. wala na!!! talagang palaos na si ate shaweee!!! tama ka dyan ERIK LALAKE, may nanonood ba sa tv5. lahat ng lumipat sa tv5 ay nalaos. una na rito si ruffa g. halos wala ngbalita tungkol sa kaniya. mga teleserye nila di nagtatagal sa ere. yung juicy nila di malaman kung saang time slot ilalagay. mga artista nila ay mga nalaos sa pinanggalingang network. isasama pa si erap, OMG!!!!!!

  8. go sharon layas na sa abs cbn its about time na ma distribute naman sa ibat ibang networks ang mga talents at sana mauso ulit ang mga freelancers gaya dati na pwede kang mag promote ng movie, album etc sa ibat ibang networks… abscbn kasi nagpasimula ng home network talents like Star Circle na Star Magic na ngaun ayan tuloy di na umalagwa ibang networks na malakas noon gaya ng IBC, RPN dahil nauubos na mga talents kinuha na ng mga swapang na networks tsk tsk tsk!

Leave a Reply

Your email address will not be published.