Sharon Cuneta at Jinggoy Estrada, may namumuong alitan?!

AS FAR as the showbiz denizens are concerned, itinuturing nilang man of the hour si Senator Jinggoy Estrada, this after he implicated his fellow legislators whose respective PDAF were not publicly disclosed by the Commission on Audit, one of whom ay si Senator Kiko Pangilinan.

Dahil dito, it was through her Twitter account that the latter’s wife Sharon Cuneta vented her otherwise irate sentiments. However, Sharon’s reactions incurred ambivalent comments.

Ayon sa kanila, the least that Sharon could have said was to let the Senate investigation take its course. Now, we smell an impending war between Jinggoy and Sharon.

Samantala, sa presscon ng Showbiz Police where Congresswoman Lucy Torres-Gomez is one of the main four hosts, natanong ang maybahay ni Richard Gomez kung hindi ba siya kumportableng pag-usapan ang tungkol sa pork barrel scam lalo’t may nakalaan ding PDAF sa Kongreso.

Pero inamin ni Lucy that she had a misimpression about Jinggoy noong araw. ‘Yun daw ‘yong panahong may alitan noon sina Richard at Jinggoy.

Pero ngayong higit na raw niyang kilala ang senador, “Mabait siyang tao. When it was my first term (as Representative), siya ang una kong nilapitan para manghingi ng mga classroom sa district ko, and he gave me five classrooms. At walang kapalit ‘yon, ha? Walang ‘Uy, meron ako diyan, ha?’” na ang tinutukoy ni Lucy ay porsiyentong mapupunta sa mambabatas.

 

SA DINAMI-DAMI ng mga kinabilangang showbiz talk show ni Cristy Fermin, “Kulang na lang magkaroon ako ng programa sa PTV 4.”

Indeed, Cristy—hailed as the Reyna ng Intriga—has come full circle. At dahil dito kung kaya’t parang isang kapirasong cake na lang ang pag-iinterbyu sa kanyang mga panauhin.

But is Cristy discerning enough to sense kung ang kanyang interviewee ay nang-eeklay lang? If so, can she cite at least one subject whose side of the story is not close to the truth?

Without batting an eyelash, agad niyang binanggit ang pangalan ni Rosanna Roces na nakapanayam niya noong ikalawang linggo pa lang sa himpapawid ang Showbiz Police. Aminado si Cristy that there were edited portions in the interview.

“Isa lang ang sigurado kapag umere ‘yon nang buo, MTRCB ang katapat namin. Eh, ‘di pare-pareho kaming walang trabaho?” paliwanag ni Cristy.

“Sukat ba namang si Bong (Revilla) daw ang siyang magbayad ng danyos niya sa GMA, bakit si Bong ba ang may kaso sa istasyon? Sabi ba naman, ‘Di ba, si Bong din naman ang nagbayad ng mga utang mo? Kaya nga kayo nagbati ni Lani (Mercado), ‘di ba? Hay, naku, mayabang pa rin si Osang. Kahit meron ka pang Santo Kristo sa puso mo, mapupukpok mo talaga siya ng mikropono!” patuloy ni Cristy.

 

SINCE THE tables were turned kung saan ang apat na main host ng Showbiz Police, including the three SPOs (Showbiz Police Officers), hindi sa open forum nagtapos ang maliitang presscon na ‘yon sa bagong studio ng TV5 sa Mandaluyong City.

Four questions on social media for all main hosts were flashed on the plasma, kung saan ang napuntang tanong kay Direk Joey Reyes ay kung pinapantayan ba niya si Boy Abunda who hosts The Buzz every Sunday.

Modestly, ang naging tugon ni Direk Joey ay, “Naku, Boy is a master of this game. Malayung-malayo naman ako kay Boy. Basta ako, I’m just having fun. Siguro, nagkakapareho lang kami ni Boy rito,” sabay turo ng kanyang bumbunan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

6 thoughts on “Sharon Cuneta at Jinggoy Estrada, may namumuong alitan?!

  1. MAY PRESSURE SA SARILI ITONG SI SHARON. UNDERSTANDABLE KASI SHE IS A BIG FLOP, WALANG SHOW NA NAGRE-RATE. BIG DISAPPOINTMENT YUN KAY MVP. HER CAREER IS NOT LOOKING GOOD AND SO WITH HER APPEARANCE. SO THAT, SHE IS ALWAYS EMOTIONAL AND COULD HARDLY CONTROL HER TEMPER. PATOLA TULOY ANG NANGYARI.

  2. Oh my goodness, tinanong pa ba yan?  Lahat na lang ng tao ay parang kaaway na ni Nega, esta Mega pala.  Ba’t hindi na lang gawin ang title ni Shawie na MEGA PALENGKERA.  Seriously speaking, kailangan talaga ni Mega needs to hire a very good publicist to clean up her image and to guide her what and what not to say and to help her with her outbursts of temper.  Hindi kailangan na you have to fight all the battles, just choose the ones that are worth fighting for.  At kailangan talaga ni Mega mag reduce, it’s not a good example for her looking like a drum for health reasons.   How can she pass the good health virtues to her children if she doesn’t look fit herself.   

Leave a Reply

Your email address will not be published.