Sharon Cuneta at Helen Gamboa, Magbabati na?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Pak na pak na naman ang chikahan natin at maloloka ka talaga sa Earth!

Magkakabati na raw sina Helen Gamboa at Sharon Cuneta, ayon sa hula ni Arman Cuban. May mamamagitan daw kina Sharon at Helen na hindi mapahihindian ng dalawa, at ayon sa hula, isang bading na matagal nang kaibigan ni Sharon na ang turingan sa isa’t isa ay higit pa sa magkapatid. Ang bading na ito ay kilala rin daw sa alta sociedad.

Kung totoo man ito, sigurado akong makatutulong ito sa mag-auntie na sina Sharon at Helen. ‘Yan ay prediction ni Arman Cuban, isa sa mga magagaling mag-predict sa mga artistang may mga ganitong problema.

Sa mga gustong magpahula, p’wede siyang tawagan sa 09328884473 at 09053328446. Nanggagamot din siya sa mga kulam, mga kapalaran tungkol sa pag-ibig, trabaho, negosyo, feng shui. Marami na ring nahulaan si Arman Cuban na mga naging true at naging bongga ang mga career, ‘di ba?!

ANOTHER CHIKKA naman ito na talagang maloloka ka sa earth dahil maraming naglalabasang blind item tungkol sa isang sexy actress na maganda at magaling umarte. Ito raw ay laging may baong alak ‘pag may taping o shooting. Hindi nga raw ito mahahalata kasi nilalagay niya ito sa isang aluminum na tulad ng mga ginagamit ng sundalo na lalagyan ng tubig.

Nagtataka raw ang mga kasamahan nito at biglang may amoy alak na at halatang nakainom na ‘pag umarte. Kung hindi nakainom ng alak, parang ito ang pampalakas ng loob ni Lovi Poe.

Nakakaloka naman kasi talaga siya. Sayang naman siya dahil magaling umar-te ‘tong babaeng ito at ang nakakalokang eksena rito ay bakit nu’ng buhay pa si FPJ, hindi siya lumabas sa industry. Bigla na nga lang siyang lumabas sa industry ngayon, kaya lang hindi naging mganda ang naging eksena niya.

Anyway, sana magbago na lang siya, kung totoo man ang chikkang ‘yan. Good luck na lang sa mga magiging career niya… Pak!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePera lang daw ang dahilan ng paglipat Derek Ramsay, tinatawan lang ang isyu!
Next article‘Di kasi pang-showbiz lang ang friendship Julia Montes at Kathryn Bernardo, ‘di nagpapaapekto sa pagkukumpara

No posts to display