Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, on hold ang reunion movie

HINDI ko alam kung may linaw na ang supposed to be pelikulang muling pagsasamahan ng dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion para sa Star Cinema.

Sharon Cuneta and Gabby Concepcion

Wala kasing malinaw na kasagutan tungkol sa project na ito, na maging si Megastar ay tila dismayado na sa nangyayari sa project.

Pero last weekend, may nakarating na hindi magandang balita sa amin, na on hold na muna ang film project nina Sharon at Gabby na ididirek sana ni Olivia Lamasan.

Ang lakas kasi ng usap-usapan ng pelikulang pagtatambalan sana ng dalawa.

Nang lumabas ang balitang may gagawing pelikula si Sharon for Direk Mes de Guzman para sa 2017 Cinemalaya Independent Film Festival, tila nawalan na ng pag-asa ang Sharon-Gabby fans na nag-aabang sa reunion movie ng dalawa.

We left a DM (direct message) sa Instagram account ng manager ni Gabby na si Popoy Caritativo last week asking him kung may linaw na ang pelikulang pagsasamahan ng dalawa. To no avail ay walang reply si Popoy sa amin.

Malamang, isa sa mga nanghihinayang sa hindi pagkatuloy ng project ay si Sharon mismo na gustung-gusto pa namang pagbigyan ang fans nila na matagal nang naghihintay sa muli nilang pagtatambal sa pelikula.

Kung walang aberya, malamang na mas matutuloy ang kauna-unahang indie film project ni Megastar Sharon para sa Cinemalaya.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.