Sharon Cuneta and Vilma Santos, rivals

OLA CHIKA! MAGBABANGGAAN nga ang dalawang malaking bituin sa local showbiz na sina Megastar Sharon Cuneta at Star for All Seasons na si Batangas Gov. Vilma Santos. Talagang malaking bakbakan ito. Kalerke naman!

Hindi ito upakan, huh! Kundi sa pagtakbo sa pulitika. Dahil hahanay nga raw ang Star for All Seasons sa partido ni Vice President Noli De Castro, at medyo tahimik pa ang panig ng asawa ni Mega na si Sen. Kiko Pangilinan, na balita ko nama’y independent ito.

Talagang makikitaan ang mga ito ng kung sino ang magaling. Dahil kahit sinasabi ni Sharon na idol niya si Ate Vi, pagdating sa larangan ng pulitika, walang idol-idol, walang kai-kaibigan, at walang kapa-kapatid, devah!

Kaya alangan namang kampihan ni Mega si Vilma, eh, pa’no na ‘yung asawa niya na pareho pa naman ang tinatahan na posisyon, ang maging vice president ng bansa.

‘Di ba, bonggacious at dito makikita na bukod sa magagaling silang artista, dito rin malalaman kung sino talaga ang pagkakatiwalaanb ng tao na umupo sa posisyon. Kaloka, ha?!

At isa pa, rito rin mapapansin kung sino sa dalawang ito ang papanigan g kanilang mga tagahanga. Naku, ha? Talagang malaking banggaan ito na aabangan ng lahat, O, ano’ng ma-sey n’yo?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Sharon Cuneta and Vilma Santos, rivals

  1. Napansin ko sa promotions nang BFF, laging tawa nang tawa si Sharon, maski walang nakakatawa. She ends every sentence with a giggle or a laugh. As a psychologist, we learned the meaning of body language.
    Sharon’s giggling and laughing and holding the arms of the person beside her (even hitting them) is a sign of insecurity. Holding is an assurance of strength that she tries to gather from the next individual closest to her. Perhaps she can gain back her self confidence by trying to loose weight. I’ve noticed that she gained more weight. She needs to attend a gym or get into a diet regimen. She needs to be concerned about her health. Baka ma heart attack siya dahil sa katabaan. Don’t get me wrong. She still has a pretty face.

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. #2 Issue #62

Leave a Reply

Your email address will not be published.