Sharon Cuneta aminadong physically, mentally and emotionally draining ang syuting ng ‘Kuwaresma’

Sharon Cuneta

PAYAT na Sharon Cuneta ang humarap sa press sa presscon ng pelikulang Kuwaresma, her first ever horror film niya under Reality Entertainment and  Globe Studios directed by Erik Matti.

Kuwento ni Shawie,  “I lost weight after shooting pa (ng Kuwaresma), tapos nag-Korea kami for the Holy Week, I lost more weight. Parang I don’t have specific cravings anymore.”

Dagdag pa niya, nakakalimutan din daw niyang kumain.

Wala rin daw masyadong effort on her part para mag-diet basta nawala lang daw yung cravings niya for food.

 “I don’t really care about people think when I’m mataba. It just happens, it comes to me all of a sudden na ayoko na, gusto ko nang mag-suot ng damit na… ganu’n.

“It happened this year, medyo delayed siya. Pero it happened to me this year while shooting the movie. Mas gusto kong matulog kaysa kumain. Tapos after the movie, dire-diretso,” sambit pa ng Megastar.

Sharon Cuneta

Marami ang hindi nakakaalam na fan talaga si Sharon ng mga horror movies mapa-local man o foreign kaya dream come true para sa kanya ang makagawa ng isang horror film.

Marami na raw nag-offer sa kanya before to do horror film pero lahat daw yon ay hindi natutuloy.

Ayon pa sa Megastar, ang Kuwaresma rin daw para sa kanya ang isa sa most physically, mentally and emotionally draining movie na ginawa niya. Pero hindi niya raw pinagsisisihan na gawin ang pelikula dahil worth it naman daw ito.

Palabas na ang Kuwaresma sa mga sinehan simula May 15.

    

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.