Sharon Cuneta, ‘di na nakatanggi sa sobrang laking TF mula sa TV5?!

ILANG BESES NA naming tinutukan ang station ID ng ABS-CBN, nagbabaka-sakaling biglang lumitaw sa bandang huli si Sharon Cuneta. Pero palagi kaming bigong masilayan ang mukha ng Megastar sa TV screen. Pilit pa rin naming pinapaniwala ang aming sarili na hindi totoo ang tsismis. May tsika pa nga, ilang beses na raw ini-schedule si Sharon sa taping ng station ID pero palagi raw itong busy at hindi puwedeng mag-taping. Sa pangyayaring ito, nangangahulugan kayang tuluyan na ngang iiwan ni Sharon ang Kapamilya Network? Hanggang ngayon kasi matunog pa rin ang bali-balitang lilipat na ng TV5 ang Megastar kahit itinanggi niyang hindi totoo ang balita.

Nakausap namin ang isa sa mga haligi ng TV5, sinabi nito na mismong si Vic del Rosario ang nakipag-negotiate kay Mr. Manny Pangilinan para kay Sharon. Si Boss Vic na raw ang tumatayong manager ng actress sa TV5, ayon sa aming reliable source. Sobrang laki raw ang offer ng Kapatid Network sa Megastar kaya hindi ito nakatanggi. Bukod sa sobrang laki ng TF, bonggang-bonggang TV shows pa daw ang naka-line-up na gagawin nito sa nasabing network.

Knowing Sharon, hindi ito nakukuha sa laki ng ibabayad sa kanya. Mas binibigyang halaga nito ang friendship na mayroon sila ng Kapamilya Network. Alam natin kung gaano siya mag-treasure ng mga kaibigan. Ewan lang natin kung ano talaga ang mabigat na dahilan kung sakaling nga mag-ober da bakod ang Megastar. Hindi kaya siya masaya sa mga shows na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN ? Tanging si Sharon Cuneta lamang ang makasasagot nito.

This December raw nakatakdang lumipat si Sharon sa TV5 at dito na rin daw siya magse-celebrate ng kanyang birthday na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum, ayon sa aming reliable source. Hangga’t hindi nililinaw ni Sharon ang tungkol dito, patuloy na pag-uusapan ang issue ng paglipat niya sa ibang network. Hintayin na lang natin ang magiging pahayag ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.

 

SPEAKING OF TV5, halos lahat ng malalaking artista ng ABS-CBN at GMA ay pinipirata na nila. Ooperan ng malaking halaga para makuha nila. Of course, tatanggapin ang offer lalo na kung per project lang ang kontrata ng mga ito. Puwede silang magpalipat-lipat ng ibang network pagkatapos ng kanilang teleserye.

Ang problema, kahit gaano kalaki ang project, hindi nagsi-shine ang mga sikat na artista sa kani-kanilang teleserye. Hindi  glossy ang dating sa manonood. Parang wala lang, ganu’n lang ‘yun. Maganda lang sa umpisa pero habang pinapanood mo nagiging boring na ang mga ito. Maging sa rating ng kanilang soap, palagi na lang silang kulelat. ‘Yun lang po.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

24 thoughts on “Sharon Cuneta, ‘di na nakatanggi sa sobrang laking TF mula sa TV5?!

  1. hay naku…. i was a big fan of sharon since my childhood years. Kaya lang nawala yung X-Factor ni shawie…. umarte yata (as in high maintenance), tumaba, at parang mabigat ang katawan niya. TRUE lumalabas na yung PAG-KA ARTISTA niya na plastic at laging scripted at on the safe side yung answers niya. “UMAARTE” kasi. Eh dun naman siya nakilala ng publico. But then a new generation of viewers were born — Di na siya nagugustuhan ng SMART viewers na ang gusto eh TRUE, BARE, ASSERTiVE, and WITTY new generation of SUPERSTARS in the world of interactive media like Toni, Vice Ganda, Karen Davilla, Korina,Anthony Taberna, Boy, Kris, and believe it or not Willie Revillame at cristy fermin.

  2. 22ONG 22O NA TALAGANG LAHAT NG LUMILIPAT SA TV5 WA;A NAMANG NANGYAYARI HALOS WALANG INUSAD ANG CAREER KAYA GULD LUCK NA LANG KAY MEGA. SAYANG NAMAN ANG 23 YRS DI NAMAN SYA PINABAYAAN NG DOS. WELL 4 SURE BABALIK DIN YAN GAYA NI GOMA BUMALIK DIN DI BA? BASTA AKO LUMIPAT MAN L;AHAT NG SIKAT SA IABANG CHANNEL ABS CBN PA RIN AKO.ISANG MALAKING CHECK NG PINK NA BALL PEN♥_♥

  3. ngayon lang ako nag-agree sa writer na ‘to….tama naman lahat ng lumilipat sa tv5 laos na nga,,,mas lalo pang nalalaos…walang dating nga naman mga palabas nila…mga walang project at laos lang naman pumapatol sa mga offer nila….pero ang mag sikat nagyon di nila kayang kunin….like JLC AND SARAH na di pinatulan offer nila…kasi they know the consequences….’yun lang….

  4. Naku bakit kinuha si Sharon ng TV5 at sobrang laki ng talent fee, eh LAOS na siya at hindi naman kagandahan ang kanyang hosting job compare kay Kris. Sa mga talents ng TV5 si Willie lang ang bankable at talagang nag re rate at dinudumog ng mga tao. Ay ewan…well i like watching gma shows and tv5 shows.

  5. dyan magaling ang tv5, ang manulot ng mga talent ng siete at dos. Pano nga naman, hindi na kailangan dumaan sa matinding workshop (na required sa Dos) dahil magagaling na ang mga nasusulot nilang talents. Dinadaan nila sa malaking offer na mahirap tanggihan ng mga wala ng karir.

  6. ang yabang magsalita ng panet na manunulat na ito! expected na mababa ratings ng tv 5 kasi hindi pa nila sakop ang buong pilipinas! kelangan lang supalpalan ng regalo lalo na sa pasko ang kalbong ito! yabang!!!!

  7. lumipat kana sharon, hindi ka naman sikat na, nakakasawa ka na, lulubog na lalo ang career mo niyan. katulad ni lorna T. at nora

  8. lumipat sya kung lilipat sya tutal wala na rin namang excitement ang mga shows nya. we need new fresh talents to watch for like Vice Ganda na hindi boring ang pah-iinterview sa mga guest unlike Sharon na parang plastic na plastic ang pagiinterview lalo na ang pagtawa na pilit na pilit.

  9. bkit guys,ngsasabi lng nman cxa ng totoo ah..bkit d nyo matanggap..trabaho yan ng mga columnist at d cla bnabayaran ng kahit anung network para manira sa ibang network..totoo nman na halos lhat ng malalking artista ng channel 2 eh inooperan nila ng malaking TF para lumipat sa knila..un nga lng pg nkalipat na sa tv5 eh ala ng mgyari sa teleserye nila..maagang natatapos kc alang manood..un lng..

  10. Ngayon lang ata tumama si eddie. Totoo ang sinabi mo na ang mga lumilipat sa tv5 ay nadidiskaril ang career, kumbaga ay nalalaos, nawawalan ng ningning ang career lalo na yung mga taga gma 7 tulad ni JC, Nadine at iba pa isama mo pa sa wendell. mga taga abs naman ay sina mariel, aga, nina jose, sabagay kahit nung nasa abs itong si nina ay di sumikat at mga starlet na sina diane medina at karla humphries. di bale ng lumipat si sharon, bagsak na rin naman ang career niya dahil napakaarte.

  11. This is an example of  bitterness and angst towards the rival network, Eddie may i know how much Abscbn is paying you to demolish the reputation of rival network who are generous in giving talent fee that is due to the stars unlike Abscbn who are greedy ? If the talents left a certain network that their prerogative,in show business there’s o permanent !

  12. SYA SYA SYA UMALIS KA NA SHARON SA DOS. KUNG SAAN KA MASAYA DUN KA. BUTI YUN KASI AT LEAST HINDI NA AKO LILIPAT SA IBANG CHANNEL. KUNG SHOW MO NA KASI PALABAS SA DOS, LIPAT NA MUNA AKO SA GMA 7. NAKAKASAWA NA KASI PINAGGAGAWA MO SA SHOW MO EH.

Leave a Reply

Your email address will not be published.