Sharon Cuneta, ‘di lang kay Aga Muhlach galit, pati kina Regine Velasquez at Lea Salonga?!

KUNG NAGKATAONG MAY Metro Manila Filmfest movie this year si Sharon Cuneta, it would be her chance to acquit herself sa mga balitang iniuugnay sa kanya these days.

Sharon’s festival entry last year was Mano Po 6, such title ay ginawan pa ng isyu sa umano’y paghahabol ng singer-actress ng kanyang nawawalang “mana po” mula sa kanyang yumaong ama. Hindi man sa kanyang sariling proyekto, pero naiintriga si Sharon sa kanyang guest appearance sa recent concert ni Ai-Ai de Alas.

In a banter with Ai-Ai, nabanggit ang pangalan ni Aga Muhlach na nasa audience pero halatang umiiwas si Sharon sa paksa. Ang tanong: What does Sharon have against Aga? Tinanggihan ba siya noon ng aktor na makasama sa isang pelikula? Isa lang ito sa mga ispekulasyon ng uncalled-for na inasal ni mega at an improper venue.

Pero rehearsal pa raw para sa concert na ‘yon ni Ai-Ai, meron nang mga isyu tungkol kay Sharon.

‘Eto ang kuwento. Nag-eensayo na raw ng kanyang kanta si Regine Velasquez ay siya namang pagdating ni Sharon sa studio. Sharon could not contain her admiration for Regine, na kahit rehearsal pa lang daw ay performance level na. Agad daw nilapitan ni Sharon ang musical director, iniutos niya rito na dagdagan ng isa pa ang kanyang kakantahin sa gabi ng pagtatanghal.

Same day, same studio, pero iba namang eksena. Dumating din daw para mag-rehearse ang isa pang guest performer ni Ai-Ai, si Lea Salonga. But when the latter arrived ay siya namang dali-daling pag-alis daw ni Sharon.

Kaya ang tanong din: Does Sharon have anything against Regine and Lea that only she knows?

THIS EARLY AY paingay na nang paingay ang gaganaping live na grand finals ng Star Factor at the Ynares Stadium in Kapitolyo, Pasig City on December 5.

Sa Final 4 who are a breath away from the ultimate stardom, sino kaya kina Ritz Alzul, Christian Samson, Morisette Amor at Eula Caballero ang magiging kauna-unahang homegrown talent ng TV5?

Magkaroon na naman ba uli ng dissenting opinions on judgment ang mga huradong sina Direk Joey Reyes at Annabelle Rama as far as their respective bets are concerned? May walk-out scene na naman ba si Tita Annabelle?

At sa kaso ng host ng Star Factor na si Ruffa Gutierrez, has she been issued a clean bill of health by her doctor to withstand the gripping tension kung sino ang idedeklarang winner? Si Ruffa pa who lets her emotions get in the way of a supposedly impartial exercise?

As Ruffa herself would say, hay, naku, let’s make na lang abang.

BLIND ITEM: SA kabila ng tinatamasang katanyagan ng isang TV/film director (of course, with fame comes wealth), mahihiya ang biko sa kakunatan nito sa mga trip niyang hadahin!

Through a broker (read: bugaw) ay kinontak ang isang not-so-bagets na baklita ring service para sa isang gabing pakikipagkembyular kay direk. O-oo na raw sana ang nangangailangang Caviteño boy (?) sa napagkasunduang halagang P700. Pero kamukat-mukat, ka-join din pala ni direk ang kanyang baklita ring dyowa! Yes-terdaaaayyyy, tig-P350 lang ang ambag ng magdyowa for the entire service… for the entire service daw, o!

Pumalag siyempre ang kliyente, naturingan nga namang direktor ang ibinubugaw sa kanya, yet ganu’n lang ang ganansiya niya? Tapos, package deal pa? Bakit hindi na lang daw humada ang direktor na ‘yon sa mga sinehang pinamumugaran ng mga bakla, gayong madalas naman siyang mapagkikita roon noong araw, isama na rin ang kanyang dyowang bakla na nagti-theatre tour din?

Da who si gay direk? Hay, naku, Sir Bong Osorio (of ABS-CBN CorpComm), katunog niya ang isa sa mga karakter ng isang primetime show n’yo na hindi ko na pinalalampas gabi-gabi!

Tatlo ‘yon: Mara Clara, Imortal at Martha Cecilia’s Kristine.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAlfred Vargas, sasagutin ang pamasahe ni Nora Aunor pabalik sa ‘Pinas
Next articleClaudine Barretto, umiiwas sa press?!

No posts to display