Sharon Cuneta, ‘di pa handang makasama si Gabby Concepcion sa isang project

MUKHANG MAGKAKAROON NG problema ang kontrata ni Sharon Cuneta sa TV5, kung saan ay kikita siya ng 1 billion pesos sa loob ng limang taon. Hindi financial ang usapin ng problema kundi ang posibleng pelikulang pagsasamahan nila ni Gabby Concepcion.

Ayon sa kampo ni Sharon, hindi pa raw talaga handa ang Megastar na makasama sa isang movie ang dating husband, habang ang kampo ni Gabo ay ganu’n din. “Five years pa naman, baka bago matapos ‘yung time na iyon ay magkasundo na ang dalawa at makapagdesisyon silang magsama na in one project,” pahayag sa amin ng isang taong malapit sa aktres.

Sa kabilang banda, itinanggi ni KC Concepcion ang balita na matapos lumipat ang kanyang ina sa TV5 ay kasunod na siya. Tinangka naming kausapin si KC, pero mas-yadong mga maldita at hidhid ang mga taong nakapaligid sa aktres kung kaya’t ipinagkait nitong makausap namin ang dalaga.

Ang babaeng payat na kulot, imagine kaharap na namin si KC na willing makipag-usap, sukat ba namang sabihing kailangan daw ang aktres sa stage at hindi pa tapos ang program. So nagbigay-daan naman kami. Pero ang nakakaloka, bigla na lang nilang itinakbong papalayo sa amin si KC at nagmamadaling umalis kaya ang ginawa ng Pinoy Parazzi ay habol to death.
Mula sa tumatakbong si KC, aming napag-alamang masaya siya sa pag-lipat ni Sharon sa TV5. “Masaya po ako sa naging desisyon ng mommy ko,” ‘yun lang ang nasabi ng dalaga at isinakay na siya ng hitad na babaeng payatot na iyon sa elevator.  Hmp!

ITINANGGI NI JERICHO Rosales na siya ang tinutukoy na isa sa sikat na hunk ng Dos ang lilipat sa TV5. Usap-usapan kasi na isa kina Piolo Pascual, Derek Ramsay, Coco Martin at Jake Cuenca ang kumpirmadong lilipat sa TV5 sa January.
“Katatapos ko lang pong pumirma ng bagong kontrata sa Dos at isa du’n ay bibigyan nila ako ng chance na makapag-direk,” pahayag ni Jericho sa Pinoy Paparzzi na nagsabi pang sa Maalaala Mo Kaya mangyayari ang una niyang proyekto bilang direktor.
Ayon pa kay Echo, pinaghahandaan din niya hanggang sa ngayon ang pangarap niyang makagawa ng isang pelikula sa international. “Sa ngayon, naghaha-nap pa rin ako ng good manager, kasi nasa manager ‘yan, ‘di ba? So nandu’n pa rin ‘yung dream ko na makagawa talaga ng international movie at wala naman akong nakikitang masama sa dream kong iyon, dahil lahat naman tayo ay may karapantang mangarap, ‘di ba?”
Sa kabuuan, mariing sinabi ni Jericho na kung meron mang hunk na lilipat sa TV5, isang daang porsiyentong hindi siya iyon. “Ang balak ko, i-revive ang The Hunk, kasi almost 5 years na ring hindi aktibo ‘yung group.”
Nami-miss na raw ni Jericho na muling makasama sa mga show sina Piolo Pascual, Diether Ocampo at Carlos Agassi.

BLIND ITEM: SINO kaya itong TV host/actress na dalagita na ang kanyang anak, pero hanggang ngayon ay itinatago pa rin sa publiko.
Maganda at matalino ang nasabing bagets at kamukhang-kamukha ito ng aktres na nagsimula bilang ramp model pero ngayon ay kilala na bilang host sa mga talk show.
Noon pa napapabalita ang tungkol sa pagiging dalagang ina ng magandang host, pero iwas itong pag-usapan ang nasabing anak.
“Nakakaawa ang bata, kasi alam naman niya ang totoo kaya lang ay hindi niya magawang ipagmalaki ang mommy niya, dahil siya mismo ay inililihim sa publiko,” sabi ng aming source.
Ang dalagitang anak ni TV host ay nag-aaral sa isang exclusive school sa Parañaque. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

12 thoughts on “Sharon Cuneta, ‘di pa handang makasama si Gabby Concepcion sa isang project

  1. alam mo sharon ang laki ng paghanga ko sa iyo kasi hinangaan ko yung LOYALTY mo sa KAPAMILYA NETWORK. pero nawala yun dahil sa pag alis mo sa kanila. Alam mo shawi sa status mo ngayon hindi mo na kailangan pang lumipat eh kasi isa ka ng INSTITUSYON. dapat ikaw ang naging huwaran ng mga kabataang artista na nanaig ang pagiging loyalty sa kanyang pinapasukan over money. hindi naman nagkulang sa iyo ang kapamilya. binigyan at pinasubok sa iyo lahat ng magandang proyeto. siguro shawi medyo na-insecure ka lang talaga. Huwag ka na kasing mag-ambisyon na LEADING LADY ka pa rin. pang mother role ka na lang talaga. huwag ka ng umasa na kikita pa ang pagbabalik tamabalan niyo ni Gabo o ni Goma. kasi hindi na rin click eh siguro sa soap opera pa puwede di ba. matanda ka na eh. pang hosting ka na lang inang doon ka din naman talaga kasi MAGALING. Good luck na lang sa career mo sa KAPATID NETWORK.

  2. @bangis, AHAHAHAHAHAHA, nakakatawa ka. At tama yong sinabi mo siguradong almost 1 billion, na langaw kako, hehehehehe. Bangis sorry, I know you are a diehard fan of TV5 pero really let’s face it si Sharon ang tagal ng galit niya kay Gabby at si Gabby naman palakero kaya paano tayo kiligin sa kanila, Siguro mas may kilig factor pa ang tambalan nina Richard Gomez at Sharon Cuneta kasi sa tingin ko lang ha, parang si Sharon may crush pa rin kay Richard Gomez.

  3. parang ang sinusundan ni sharon ay c aga, di ba di nangyari sa abs yon at ayaw ni aga ng movie with sha so sunod si sha kay aga at baka dito ay merong mangyari

  4. Parang hindi na yata naka excite yong Sharon Gabby tambalan kasi alam naman natin lahat na they both have their own buhay na at saka parang walang kilig factor na kasi dahil alam naman natin na daming mga babae ang ipinalit ni Gabby kay Sharon after their break up. At sana hindi na yong pa cute na romantic tambalan kasi alam naman natin na Gabby loves women with beautiful body base sa mga babaeng nakarelasyon nya after Sharon. Kung may tambalan man na magagawa sa kanila in the future, the first thing Sharon do first ay ang magpapayat ng todo kasi hindi factual na magkagusto si Gabby sa kanya dahil in reality Gabby likes beautiful women with beautiful bodies. Nagpakatotoo lang ho!!!!!

  5. tigilan na kc ni sharontaba, laos ka na sharon, sa kusina ka na lang, sharon-gabby movie, ano gagawin nila movie, wala na babagay sa inyo na movie, pwde kay sharon, yong dabiana…hha ha ha

  6. Sino itong Blind Item na may anak na dalagita na? Ang mga gurang na yata na mga host/actress ay sina Kris Aquino, Sharon Cuneta, Ruffa Gutierrez, Pops Fernandez, sino pa ba? Sino kaya ang blind item na ito.

  7. WELL, TALAGANG HINDI AKO NANGHIHINAYANG NA LUMIPAT SI SHARON SA TV 5. HINDI TALAGA MAALIS SA KATAUHAN NYA ANG MAGPACUTE NG MAGPACUTE NA AKALA MO EH NAGDADALAGA PA RIN SYA. OH MAY MOMAY. ANO NAMANG PELIKULA ANG GAGAWIN NILA NI GABBY? PS I LOVE YOU ULIT? BITUING WALANG NINGNING ULIT? PASAN KO ANG TV 5 ESTE, DAIGDIG ULIT??? TINGNAN MO NA LANG ANG MUKHA NYA SA PICTURE, AKALA MO KASING EDAD NYA SI KC.HAHAHAHAHHAAH NAKAKABWISIT NA !!!

  8. nakakatawa ka naman morly, talagang pinag aksayahan mo pa ang babaeng payat na kulot hahahaha. hindi mko magets ang blind item mo. sino kaya yan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.