Sharon Cuneta, ‘di nagbayad ng caterer sa isang event?!

GAANO KATOTOO ANG chikka na hindi umano binayaran ni Sharon Cuneta ang isang catering service sa isang event na ginanap sa house ng Megastar? Pictorial daw iyon para sa Star Power na hino-host ni Sharon noon, at kinuha nga raw ang serbisyo ng Juan Carlo the Caterer para sa catering service. Ang siste nga raw, dahil sa nangyari, hanggang ngayon, hindi sumusuweldo ang mga tauhan ng nasabing catering services na nag-duty noon.

Parang hindi naman kami makapaniwala na magagawa ni Sharon ang hindi magbayad para sa nasabing catering service. Pero ayon sa kuwento ng isang ‘Arneekane Astronomo’ sa kanyang Facebook account, pinsan niya mismo ang nagkuwento sa kanya, na isa sa mga service crew na kasama sa nasabing catering.

Ayon sa post, nagsimula raw ang problema nang aksidenteng mag-apoy ang plastic gloves ng coordinator dahil sa waxgel, at aksidenteng napahawak sa food lighter na may apoy. Kaya naman, dali-daling hinubad ng coordinator ang nagliliyab na plastic gloves at naihagis sa floor na naging sanhi ng pagwang-wang ng fire alarm sa bahay ni Sharon. Kaagad naman daw kumuha ng fire extinguisher si Sharon at agad na pinatay ang ‘napakaliit’ na apoy.

Lumalabas sa kuwento na parang ito ang dahilan kung bakit nagalit si Sharon sa nasabing catering service, at hindi na ito binayaran.

Kung totoo man ang kuwento, aksidenteng maituturing ang nangyari. Hindi rin nga naman gugustuhin ng coordinator na mapaso ang kanyang kamay, ‘di ba?

Ang nakakalungkot nga lang, again kung totoo nga ang kuwento, dahil sa nangyari, napagalitan ng may-ari ng catering service ang kawawang coordinator. Pagkatapos, hindi na nakasuweldo, tinanggal pa raw sa trabaho ang nasabing coordinator.

Siguro naman, may makatuwirang paliwanag ang Megastar kaugnay ng isyung ito. At ito ang aabangan natin…

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Related Post

loading...

4 thoughts on “Sharon Cuneta, ‘di nagbayad ng caterer sa isang event?!

  1. i think its irresponsible reporting. dahil:
    #1 – kung totoong affair ito ng Star Power, dpat ung producer ng show/ABSCBN ang responsable sa pagbabayad, pag-coordinate & all sa isang caterer.

    hindi naman porke't sa haus ni Sharon e sya na dapat ang magbyad!!

    #2 – dahil lang sa mas may tawag pansin ang report kung ang headline/title ay "sharon cuneta," kaya pinili ng reporter/editor nito na gawin as such para mas may hatak sa mga nagbabasa.

    #3 – do u really, really ever think that a person, as magnanimous as Sharon, as we all know her, and what other people in her circle always say, will let one case of not paying a caterer for what-amount-of-what-P30,000 for example- to ruin her name and tama, integrity? I dont think so!

    #4 – this repost has malicious intent to drag Sharon dahil, as I pointed out at #1, it could have been any other title/headline altogether. hayyyyyyyyyyy. ang mabuhay nga naman sa mundong ito. why can't we report something that will not put someone else's in a bad light no, pero syempre, we can't do that kc walang magbabasa ng news because, everyone – including you & me – would want to read something that goes beyond what we see on TV, in prints, or in movies… ganun tlaga e..

    pero sana, maisip nating lahat that, great power (such as in writing), comes great responsibilities… db Spiderman?

    • i dont believe it;s SHARON CUNETA. Kaya nga ni sharon bumili ng HERMES bag na worth 3 million at mag sponsor ng mga orphanage eh P30,000 hindi pa nya kaya. MALISYOSO lang ang sumulat nito at may ibang intention. Di ba last time, namigay pa si SHARON ng IPAD sa 5 star power finalists? Pano naman ang P30,000 eh hindi kakayanin ni mEGA.

  2. Ano ba itong si Sharon, parang unti unti nang naglabasan ang mga nega news about her. Sinisiraan ba sya or totoo ba itong mga nega comments about her? Ano ang totoo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.