Shares ni Cojuangco sa UCPB, Pag-aari na ng Gobyerno

PINAL NA ang desisyon ng Supreme Court (SC) na nagsabing pag-aari ng gobyerno ang shares ng negosyanteng si Danding Cojuangco sa United Coconut Planters Bank (UCPB).

Pinagtitibay nito ang nauna nang desisyon ng SC noong Nobyembre 27, 2012 na nagsabing pag-aari ng pamahalaan ang mga nasabing share dahil nabili ito gamit ang coco levy funds.

Sa botong 14-0, ibinasura ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ni Cojuangco.

Hindi nakaboto si Associate Justice Arturo Brion dahil kasalukuyan itong may sakit at naka-leave.

Samantala, matapos ito, hindi na tatanggap ng anumang pleading tungkol sa kaso ang Supreme Court.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.