Shamcey Supsup, winner pa rin!


BLIND ITEM: NAKAKATAWA ‘yung isang direktor. Ginamit niya sa ilang eksena ang alalay ng isang sexy star sa pelikulang ginagawa nito. At tawa nang tawa si Direk. Ang husay raw gumanap ng malusog na alalay.

Kaya ang dayalog nito, “Sana, ikaw na lang ang nagtuluy-tuloy sa pag-aartista, ‘no? Mas mahusay kang umarte kesa sa amo mo. Hahaha!”

Alam naming joke lang ‘yon ni Direk. Pero alam n’yo naman ang joke, half-meant ‘yan. Ang dami na rin naming naririnig na hindi raw talaga marunong u-marte ang sexy star at talagang pipigain pa ‘to nang husto para lang makaarte nang tama.

Pero maganda naman ang mukha ng sexy star na ‘to, in fairness. Sa ganda ng mukha, kinukuha na rin sa mga commercials. Pagtitiyagaan lang talaga ni Direk para makuha nito ang tamang facial expression at tamang akting.

Kaya sana, ‘wag natin siyang pagsarhan ng door, ‘di ba?

 

ANG MGA PINOY talaga, kahit hindi “liquid” sa cash at sa kabila ng pagtaas ng presyo ng “gas”, pagdating sa laban ng kanilang kababayan sa ibang bansa, mararamdaman at makikita mong nagkakaisa at “solid” ang buong bayan sa pagdarasal na sana’y manalo ang ating pambato.

Walang ipinagkaiba ang paglaban ni Pacquiao sa mga dayuhan sa paglaban ni Bb. Pilipinas-Universe Shamcey Supsup sa Ms. Universe Pageant. Nandu’n pa rin ang tensiyon kasabay ng dasal na sana’y maiuwi na ni Shamcey ang korona.

Sa loob-loob nga namin, ‘pag laban ni Manny, ba’t gano’n? Konti na lang ang tensiyon sa katawan ng mga Pinoy? Siguro nga, masyado na lang tayong sanay na laging nananalo si Pacman sa boxing.

38 years ago pa ‘yung pa-ngalawang koronang nakuha ng ‘Pinas noon sa Ms. Universe (kay Margie Moran) at hindi pa ito nasusundan. 4th runner up last year si Venus Raj at 3rd runner-up naman si Shamcey.

Hindi kaya next year ay second runner-up na ang ma-bag natin at sa 2013 naman ay first runner-up at sa 2014 ang Ms. U? Ano sa palagay n’yo?

Ganu’npaman, we’re so proud of Shamcey, ang pride ng GenSan, dahil in fairness, ang ganda rin ng kanyang sagot sa Q & A portion, huh! Panalo lang talaga sa audience impact itong si Ms. Angola.

Hay, naku, sana sa replay, manalo na si Shamcey.

 

MUKHANG PAGKATAPOS NG Reputasyon, meron agad gagawin sina Aiko Melendez at Jomari Yllana matapos ang nakatutuwang guesting nila sa Gandang Gabi, Vice nu’ng Sunday.

Juice ko, ramdam talaga na parang wala pa silang anak sa kanilang pagpapakyut habang kinikilig ang mga televiewers, si Vice Ganda mismo at ang kanilang anak na si Andre (kasama ang kapatid nito kay Martin Jickain na si Marthena).

Dahil nga roon, itinimbre na sa ABS-CBN management na bigyan na agad ng tambalan ang dalawa, dahil sobrang pasok na pasok sa banga ang kanilang mga kilig moments.

Kaya salamat sa Gandang Gabi, Vice! dahil dito nila nailabas ang totoong sila na hindi nakita sa iba nilang guesting.

 

SO TOTOO NA ba na lilipat na sa Wil Time Big Time sa TV5 si Mariel Rodriguez, dahil hindi na ‘to masaya pa sa Happy, Yipee, Yehey!?

Totoo rin bang nakipagmi-ting na kay Willie Revillame si Mariel para sa possible inclusion ni Mariel sa variety show ni Willie?

Marami na rin kaming tweets na natatanggap, pero hindi namin masagot nang diretso kung true ba or not.

Abangan na lang natin si Mariel kung magsasalita siya tungkol dito.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Shamcey Supsup, winner pa rin!

  1. sa lahat ng beauty queens na na kilala ko (nung may isp-isip na ko) amazing talaga si shemcey, maganda na at ito ang pinaka sa lahat. ang talino grabe…at ang gwapo pa pala ng boyfriend!

  2. pag lipat ni mariel, magandang ibalik sa k brosas sa noontime show – HYY. gumaganda na ang show at nag-gel na ang buong cast. sana tuloy tuloy na yun.

  3. In the first place, si K Brosas na lang sana ang ibinalik sa HYY at hindi na lang sana isinali itong si Mariel ever, kung sabagay, malaki kasi ang kapit nito kay Freddie Garcia at ang manager pa si Boy Abunda noon kaya yon, laki ng ulo. How sad naman, married ka naman ni Robin pero sana may peace of mind ka dahil si Binoe mahilig sa magaganda at mga fresh pa tingnan. Sana hindi magsawa sa yo Mariel, bago pa lang insecure ka na kay Robin. How pathetic, yon kasi ang makuha sa isang tao na hindi man lang inisip ang pinasukan, easy way in nga. Legal ba talaga ang kasal ng dalawang ito?

  4. go lipat ka na girl (mariel) sa tv5 hindi ka kawalan sa ABS, in fact kung wala ka sa hapi yipee baka tumaas pa ang rating ng show dahil sa dami ng naiinis sa kaartehan mong kiri ka hindi na lang nanood ang mga tao sa hapi yipee… marami pang magagaling na hosts ang ABS kaya hindi ramdam mawala ka man sa DOS.

  5. Blind Item: Kadali naman nyan.. hahaha… si SAM PINTO.. she really has nothing but a face noh.. not worth it to be called as an Actress.. Sana nagwork shop muna xa bago xa nag artista..

  6. Lipat Kana (Teh) hnd ka naman kawalan sa ABSCBN feeling BIG STAR karin.Masyado kang O.A maldita, fyi madaming galit sau na tao!! TinGnan mt gnwa kay ZANJOE iniwan mulang na walang kasalanan kc nakipag landian ka kay ROBIN PADILLA!

  7. C Sam Pinto may (door) kasing Clue. Hahahaha! (UngBlindItem) Mali kc cia dapat nagworkshop muna cia sa STAR MAGIC bago lumipat sa GMA STARLET KAMUNING STATION. Maganda at Sexing/Paya Lang Cia. Pang TVC lang talaga. Kung d Cia umalis sa ABSCBN posible Pang gagaling sa pag arte.

  8. Mariel please please don’t let the door hit you on your way out. Leave fast and never look back. At huwag ka nang babalik at saka mag retire na lang sana si Mariel para hindi na siya makita for good. Sorry to her fans, i’m just saying my honest opinion.

Leave a Reply

Your email address will not be published.