Shamcey Supsup at Lloyd Lee, umiyak sa kanilang kasal

Shamcey-Supsup-Lloyd-LeeMISS UNIVERSE 2011 3rd Runner Up Shamcey Supsup and model/businessman Lloyd Lee finally exchanged “I do’s” in Christian rites at the Church of the Risen Lord in UP Diliman last December 29. The couple was engaged last year.

Indeed a beauty queen, Shamcey looked resplendent in her long-sleeved full Chantilly lace wedding gown created by Cherry Veric. Larawan siya ng isang maligaya at in-love na bride throughout her special day.

Isa si Madame Stella Marquez de Araneta, ang head ng Bb. Pilipinas Charities, sa mga principal sponsors ng kasal. Kabilang sa entourage sina Ms. World Philippines 2012 Queenierich Rehman, Bb. Pilipinas 2011 2nd Runner Up Mary Jean Lastimosa, at Bb. Pilipinas 2013 1st Runner Up Pia Wurtzbach.

Shamcey’s fellow beauty queens Bb. Pilipinas Universe 2009 Bianca Manalo, Ms. Universe 2010 4th Runner Up Venus Raj, and Ms. Universe 2013 3rd Runner Up Ariella Arida also attended the wedding.

Lloyd became very emotional during the wedding ceremonies. He was asked by Buzz ng Bayan kung ano ang naramdaman niya noong nakita niya si Shamcey. He answered, “Actually, ‘di ko pa siya nakikita noon. Narinig ko pa lang iyong theme song namin na A Thousand Years, sabi ko, ‘Eto na talaga iyong araw na dini-dream ko for the past two years and natupad na rin sa wakas.’”

Kuwento naman ni Shamcey, “Sabi ko, huwag tayong iiyak kasi dapat it’s a happy event. Kami pa iyong nag-usap na walang iiyak. Doon pa lang kitang-kita ko na siya [na] umiiyak. Siyempre naiiyak na rin ako eh, ‘di pareho na kami. Parang ngayon ko lang siya nakita na ganoon ka-emotional.’”

The newlyweds postponed their honeymoon until Holy Week. Sinabi nila na gusto nilang babae ang kanilang maging first baby.

Their message for each other? Shamcey said, “Iba lang iyong feeling na the next day na you’re gonna wake up magkasama na kayo. Wala nang hatid saka uuwi mag-isa. I’m looking forward to many more mornings waking up with you.” Sabi naman ni Lloyd, “I’m so happy na finally ito na talaga and hindi na tayo magkakahiwalay ever.”

To Shamcey and Lloyd, all the best!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.