Shalani Soledad, sumasakay na kay Willie Revillame!

SA GABI-GABING PAGSASAMA nina Willie Revillame at Shalani Soledad, tumatak na sa viewers ang kakaibang kilig na hatid ng tandem nila as host. Kutob nga ng marami, parang may something special na ngang nabubuo sa pagitan nila.  Lately nga, kapuna-punang mas higit na nagiging blooming pa ang Konsehala ng Valenzuela City kapag nakakatabi na niyang naghu-host si Willie. At nagba-blush kaagad ito kapag may mga nagbibirong magtanong kung sila na nga ba.

“No. I’m just very happy with what I do,” kaagad na reaksiyon ni Shalani nang mausisa namin last time na nakausap namin siya. “I am enjoying my work here sa Willing Willie so… happy ako at iyon siguro ang nakikita.”

Sumasakay na rin siya sa mga biro ni Willie. Kagaya nang tanungin siya nito kung sakali bang mag-propose ng engagement ang TV host, tatanggapin ba niya? Ang nasambit naman ni Shalani ay ‘yong linya niya lagi sa isang game portion ng show na, “One… two… three… go!”

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagsakay niyang iyon?

“Wala naman po. Biruan lang po iyon sa show.”

Kasi ang nagiging dating nga sa iba, nagkaka-develop-an na sila. Nagkakaroon na ng lalim ang ugnayan nila sa isa’t isa.

“Well I think Willie naman po has always been that way. Mabiro po talaga si Willie. And we enjoy what we do, eh. We’re very happy sa trabaho po namin.”

Mukhang nakagamayan na nga niya ang pagku-co-host with Willie. Totally eh, nakapag-adjust na nga ba siya?

“I think everyday po is parang adjustment process, eh. May bago kang natututunan araw-araw. May bagong developments.”

Nag-synch in na ba sa kanya ‘yong bansag sa kanya ngayon na, First Lady ng Primetime?

“Actually tuwing lumalabas ako gabi-gabi, kinakakabahan pa rin po ako, eh,” natawang sabi ni Shalani. “’Yong tungkol do’n sa First Lady ng Primetime, wala po ‘yon sa akin. Basta ang gusto lang namin ay mapaganda ‘yong show.”

Nitong pagbungad ng taong 2011, uso ang predictions tungkol sa mga showbiz celebrities at iba pang kilalang personalidad. At maraming manghuhula ang nagsasabing talaga raw matutuluyan na magkaroon sila ng relasyon ni Willie. Although ang kasal daw ay after two years pa puwedeng mangyari sa kanila.

“Ah… I think kahit naman po saang relationship, hindi mo puwedeng bigyan ng formula. At hindi mo rin masabi. When it happens, siguro it happens. You just hope na sana maging masaya at sana maging okay.”

‘Yong mga tao sa paligid nila ni Willie, parang ang tingin din nga ay sila na ng TV host. Kulang na lang ay sila na nga mismong dalawa ang umamin sa hinihinalang pagkakamabutihan na nila. No’n nga umanong sa Boracay siya, isang tawag lang daw ni Willie, nakisakay kaagad daw siya sa private plane ni Gov. Chavit Singson at nando’n na raw agad siya.

Natawa si Shalani. “Wala naman sigurong… we just saw each other sa Boracay.”

Pero honestly sa sarili niya, kung wala pa man nga talagang namamagitan sa kanila ngayon, malaki ba ang chance na maging sila nga?

“As far as chances po, mahirap talagang magsabi ng chances,” natatawa ulit na reaksiyon ni Shalani. Basta what we can say po… as for me, I am just really enjoying what I do.”

Si Tita Cristy Fermin, kamakailan ay on air sa Willing Willie na pilit na silang pinaaamin kung sila na ba talaga. Pero walang admission na marinig from them. Eh, parang may alam nga ang beteranang movie columnist at showbiz talk show host tungkol sa real score sa kanilang dalawa kaya ang sunod na hirit nitokay Willie, “Puwede ba akong magsalita?”

Tila naalarma naman agad si Willie na ang sagot, “Huwag na. ‘Nay!”

‘Yon na!

Marami tuloy ang naintriga kung bakit natakot si Willie na magsalita nga si Tita Cristy. Bakit nga kaya?

“Ay, si Willie po ang tanungin ninyo,” natawa ulit na sabi ni Shalani. “Si Willie po ang tanungin ninyo. Thank you… thank you!”

At pumasok na sa kanyang dressing room si Shalani.

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.