Shalani Soledad, sa ere na nililigawan ni Willie Revillame!

PERFECT ANG TANDEM nina Willie Revillame at Shalani Soledad sa programang Willing Willie ng TV5. Mabilis silang tinanggap ng publiko, may kilig factor naman kasi ang dalawa. Nagkaroon agad sila ng hukbo ng tagahanga at binuo nila ang Will-Shalani Fans Club.

Very vocal si Willie sa pagsasabing inspirasyon niya ngayon ang Konsehala ng Velenzuela City. Maligaya siya tuwing nasisilayan niya ang dalaga. Kapansin-pansin din ang madalas na pagpapalipad-hangin ng controversial TV host sa tunay niyang nararamdaman kay Shalani.

Maging ang entertainment press, aliw na aliw sa loob ng studio habang  pinanonood ang dalawa, pati ang audience kinikilig kapag nag-umpisa nang biruin ni Willie si Shalani.

Nagtanong si Cristy Fermin na kasalukuyang nanonood sa loob ng studio. “Gaano mo kamahal si Shalani?”

“Hindi sinasabi ‘yun, nasa puso’t isipan ‘yun. Siya ang iniisip mo kapag natutulog ka sa gabi. Hindi pa ako ready sa ngayon dahil marami pa akong obligasyon na dapat kong gawin. Kapag ready na ako saka ko siya yayayain… Si Shalani, inii-ngatan ‘yan…” simple pero malaman ang bitiwang salita ni Willie.

Obvious namang masaya’t maligaya si Shalani sa pagiging co-host ni Willie. May nagsasabing sila na nga raw ng TV host dahil alluring ngayon ang ganda ng dalaga. Sinasabing may MU (mutual understanding) na raw ang dalawa. Pinabulaanan naman ito ni Shalani. Masaya raw siya sa ginawa niya at ini-enjoy ang pagiging co-host ni Willie.

Nakapag-adjust na nga si Shalani, nakikipagbiruan na ito sa controversial TV host.

“Kung sakaling mag-propose ako, tatanggapin mo?” Seryosong tanong ni Willie pero deadma lang nga ito. Binaling na lang ni Shalani sa mga contestant ang sagot sa tanong ni Willie.

Pilit pa ring binibigyang-kulay ang magandang pagti-tinginan nina Willie at Shalani as friends. Wala pa raw talagang namamagitan sa kanila, pagdidiin ng Konsehala. “I think Willie naman po has always been that way. Mabiro po talaga si Willie. And we enjoy what we do. We’re very happy sa trabaho po namin.”

Gamay na nila ngayon ang isa’t isa kaya mabilis na nakapag-adjust si Shalani. Para sa kanya, everyday is always an adjustment process. Palagi raw may bagong development kang nadi-discover everyday.

“First Lady ng Primetime” ang tawag ngayon kay Ms. Shalani Soledad. Hindi niya inilalagay sa isipan niya ang title na ibinigay sa kanya ng media. “Wala po ‘yun sa akin. Basta ang gusto lang namin ay mapaganda ‘yung show at mag-enjoy ang publiko.”

Hinulaan sina Willie at Shalani na magkakatuluyan raw sila sa taong ito. At kung sakaling magiging seryoso si WR sa kanyang co-host malamang raw na pakasalan niya ito. Magiging maganda ang takbo ng political career ni Willie kung sakaling papasukin niya ang pulitika sa tulong ni Shalani. “Hindi mo rin masa-sabi… When it happens, siguro it happens. You just hope sana maging masaya at sana maging okey…”

Sa totoo lang, halos lahat yata ng malalapit na kaibigan ni Willie boto kay Shalani. Pinagdarasal nila na sana this time, for good na ang magiging karelasyon ng kanilang idolo.Kulang na lang nga na sila na mismo ang manligaw sa magugustuhan ng kanilang mahal na kaibigan. Kung dumating kaya ‘yung time na seryoso, as in, na ligawan ka ni Willie, may pag-asa kaya ?

“As far as chances po, mahirap talagang magsabi ng chances. Basta what we can say po… as for me, I am just really enjoying what I do,” simpleng sagot ni Ms. Shalani Soledad.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

15 thoughts on “Shalani Soledad, sa ere na nililigawan ni Willie Revillame!

  1. idol, kahit maraming sumisira syo, ituloy mo lang ang gapanin mo s buhay. mabuhay k at sana marami k pang matulungan at mapasayang tao. at pasayahin mo ang mga sumisira s buhay mo….

  2. putang inang willie na yan, may prospect na namang mamanyakin… front lang naman nya yang pagtulong sa tao kuno, pero super sama ng ugali nyan…. kawawang shalani…

    • bakit nakasama mo na si willie kaya yan ang sinabi mo na masamang tao cia?bago ka mag salita tingnan mo muna na sarili mo.cool ka lang nakakatawa ka ha ah aha

      • oo nga nman ika nga ata ang kawawa eh khit ako ayw ko nman ky willie eh maliban s babaero xa mayabang p.pero hndi tama n magmura k ng ganya,,cool k lng tlga dyan

  3. basta ako okey sila ni willie and shalani….go goo ..o willie….ipaglalaban mo ang puso mo…walang problema as long as serious ka sa ginagawa mo at sa magmamahal mo kay shalani…

  4. ….LOLA EMILIA S.B. PABLO,,,(mawalang galang lola, hindi ka kaya maligaw pa nyan:)??)wala namang nagsasabing masama ikasal sina wele/willie at shalane/shalani e,,,ikaw ang nagsabi nyan hindi kami….ang amin lang kase,`wag namang manligaw sa E-R-E!!!dahil mga kulubot na ang kanilang siko at tuhod ….NAKAKARUMING tignan,hindi na teen-ag-eeer si wele para umasta ng ganon.ang gusto lang namin yung naturalesang panliligaw ke shalani,kagalang galang yung tao pero parang binabastos ng harapan ang dating sa`min,siguro nga chenchitive/sensitive kami.dahil kung tutuusin tingin namin kay shalani isang madre…hindi ba dapat nyong kausapin e si wele, lola?kung mahal nya yung tao,may roong PRIVACY ,sabihin nya ang guto nya `wag lang sa E-R-E….okay ka na dyan LOLA EMILIA S.B. PABLO…at wag isama si LORD sa usapang ito OKAY…:)

  5. WALANG MASAMA KUNG SI WILLIE AY MANGLIGAW KAY SHALANI AT KUNG MAGUSTOHAN SIYA NG KONSEHALA EH DI MAGALING, TAO RIN SILANG BINABATIKOS, PINUPULAAN PERO MAY KARAPATAN UMIBIG, LUMIGAYA AT MAGPAKALIGAYA. PAREHO SILA KINIKILALA AT MAYROON ADHIKAIN TUMULONG SA KAPWA PULITIKA O SHOWBIZ, ANUMANG LARANGAN KAPAG MAKAKAPAGPALIGAYA, MAKAKATULONG AY PINAGPAPALA. AKING IPINAGDARASAL IADYA SILA SA LAHAT NG MASAMA, LALO NA SA MGA BUMABATIKOS SA KANILA, TALAGANG GANOON KUNG MATAMIS ANG PUNO BINABATO, NGUNIT ANG MAHALAGA SILA AY MALIGAYA SA PAGPAPALIGAYA AT PAGTULONG SA KAPWA, ALAM NILA AT ALAM NATIN NA ANG PERA AY PALAMUTI LANG SA BUHAY, NGUNIT HINDI MADADALA PAG TAYO AY NAMATAY. ANG MGA BUMABATIKOS HINDI NAMAN NAKAKATULONG, AYAW TUMULONG PUR DALDAL LANG KASI KUMUKUHA NG ATENSIYON NG PUBLIKO, PERO SILA NA MAYROON NANG GINAGAWANG PAGTULONG SA MGA MAHIRAP AT NANGANGAILANGAN HINUHUSGAHAN NG MALI, KUNG AYAW NINYONG HUSGAHAN, HUWAK KAYONG MAGHUHUSGA, DAHIL WALA KAYONG KARAPATAN, GAWIN NINYO ANG TAMA AT ANG UTOS NG DIYOS, MAGMAHALAN, MAGTULUNGAN AT MAGKAISA, HINDI YONG NANINIRA KAYO DAHIL LABAG YAN SA UTOS NG DIYOS. KAYA DI TAYO UMUUNLAD KASI INGGIT ANG PINAIIRAL KAPAG MAY TUMUTULONG SA KAPWA NA SA BULSA NILA O KAYA SA SARILING PARAAN ANG GAMIT, HINIHILA PABABA DAHIL CRAB MENTALITY, INGGIT AND PINAIIRAL. MAGTULONG-TULONG NA LANG TAYO, MARAMI ANG NANGANGAILANGAN NG TULONG, MAGMAHALAN TAYO HINDI MAGSIRAAN, KAPWA KO MAHAL KO, KAPWA KO TUTULUNGAN KO, KAPWA KO IPAGDARASAL KO DAHIL TAYO AY ISANG LAHI, ISANG DIWA – PILIPINO SA ISIP, SA SALITA, SA GAWA AT SA DIYOS ANG AWA KUNG TAYO AY KIKILOS NG MAAYOS. MAHALAGA ANG BAWAT SANDALI, ANG BUHAY AY MAIKLI, UPANG TAYO AY LUMIGAYA KUMILOS TAYO BILANG MGA ANAK NG DIYOS AT ISAGAWA ANG SAMPUNG UTOS, MAGMAHALAN, MAGPATAWARAN AT HIGIT SA LAHAT MAGTULUNGAN. TO GOD BE THE HONOR AND GLORY, FOR US PEOPLE LET’S JOIN HANDS AND HELP ONE ANOTHER, AFTER ALL WE ARE ALL SINNERS. SA INYO WILLY AND SHALANI, GO, HELP OTHERS, MAKE THEM HAPPY AND YOU WILL FEEL THE REAL HAPPINESS INSIDE, BE SINCERE AND TRUE CHILDREN OF GOD, DO NOT LET THE DETRACTORS KEEP YOU FROM HELPING THE NEEDY, THE POOR, THE SICK, THE INCARCERATED, THE UNLOVABLES AND THE LESS FORTUNATE ONES, AND YOU WILL REAP NOT ONLY MORE SUCCESS BUT HEAVENLY REWARDS BECAUSE MORE WILL BE PRAYING FOR YOU. REMEMBER WHATEVER YOU DO, PEOPLE WILL LOOK AND FIND WAYS AND MEANS TO DESTROY YOU, BUT IF YOU WILL HELP OTHERS WITHOUT PUBLICITY, THE MORE YOU WILL BE REWARDED. YOU HAVE EVERYTHING IN LIFE, YOU ARE BLESSED, DO NOT LET YOUR LEFT HAND KNOW WHAT YOUR RIGHT HAND DOES. THE MORE PEOPLE YOU HELP, THE MORE PEOPLE AND THEIR FAMILY MEMBERS WILL PRAY FOR YOU AND PRAYERS CONQUER EVERYTHING AND YOU WILL HAVE THE BLESSINGS. TAKE CARE, LOVE AND PRAYERS, GOD BLESS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.