Shalani Soledad, kumportable na kay Willie Revillame!

MUKHANG KUMPORTABLENG-KUMPORTABLE NA si Shalani Soledad kay Willie Revillame, at ine-enjoy na ng konselaha ng Valenzuela City ang company ni Papi.

Napaulat na nagkasama sa Boracay nitong Holiday Season sina Willie at Shalani. At sa litratong nasa pahinang ito, mula sa entertainment website na spot.ph, kuha sa Boracay, kitang-kita na uber close na nga dalawa. Hindi na kakikitaan ng pagkailang ang dalagang ex-gf ni P-Noy, kahit pa nasa ibabaw ng kanyang dibdib ang kamay ni Papi!

Ayon sa report ng spot. ph, “spotted at the New Year’s Eve Party of Discovery Shores in Boracay around 1:30 a.m. on January 1, 2011, just after the resort’s fireworks show ended. They arrived at the resort together with a group that included Chavit Singson, actor John Estrada and girlfriend Priscilla Meirelles and were seen saying hello to actor Richard Gutierrez, who is a guest at the hotel. The group stayed awhile to have drinks.”

Well, mag-translate naman kaya sa primetime game show ni Willie sa Singko ang sweetness nilang ito ni Shalani? Makikita at maririnig na ba sa TV ang malulutong na halakhak ng konsehala? Kung magkagayon, malamang na mababawasan ang kritiko ni Shalani dahil sa kanya umanong walang kabuhay-buhay na hosting sa show na nangangailangan ng major, major na energy!

GAANO KATOTOO ANG balitang isinugod sa isang ospital si Claudine Barretto nito lang Disyembre dahil sa Ecstacy overdose?

Ilang araw umanong na-confine si Claudine sa Medical City. Dahil daw iyon sa impeksiyon sa lalamunan. Pero ibang bersiyon ang kumakalat sa mga usap-usapan.

Ayon sa mga ulat, nalululong umano si Claudine sa ipinagbabawal na drogang Ecstacy, at ang pagka-overdose nga raw rito ang dahilan umano ng pagkakasugod dito sa nasabing ospital. Positibong natukoy raw si Claudine ng source na isang nurse sa nasabing ospital na na-confine dahil sa ‘mental disorder and ecstacy overtake’.

Kung totoo man ang ulat na ito, malamang na may malaking dahilan o may mabigat na pinagdaraan talaga ang magaling na aktres. Hanggang sa ngayon nga, hindi pa rin mamatay-matay ang isyu ng hiwalayan nila ng asawang si Raymart Santiago, at ang pagkakaugnay nga ni Claudine sa kaibigan ni Derek Ramsey na si Martin Castro.

Pero gaano rin kaya katotoo ang nasabi sa amin ng isang mapagkakatiwalaang source na sometime last year ay namataan itong si Claudine sa Boracay na may kasamang lalaki? Hindi raw si Martin ang kasama, at mas lalong hindi raw si Raymart.

Hmmm… baka naman kaibigan lang. Pero, hindi raw, eh. ‘Yon ang sabi sa amin. Mukhang maraming kaila-ngang sagutin at klaruhin ng kampo ni Claudine sa mga isyung ito, huh!

ANOTHER METRO MANILA Film Fest Scam? Nakakaloka rin ang usap-usapan na ginapang umano ang pagkapanalo ni Ai-Ai delas Alas bilang Festival Best Actress sa MMFF 2010.

Hindi kasi maiwasang maiugnay sa pangalan ni Kris Aquino ang nasabing pagkilala kay Ai-Ai. Sa mga mahilig mag-one-plus-one: Friendship ni Kris si Ai-Ai na very vocal sa pagsasabing gusto niyang maging best actress sa filmfest, at kapatid ni Kris si P-Noy na nag-appoint sa bagong MMDA Chairman na may hawak sa takbo ng na-sabing filmfest. Sabi pa nga ng iba, ang lakas naman daw ni Ai-Ai sa ‘taas’ at sa ‘loob’.

In all fairness naman kay Ai-Ai, isa ang komedyana sa mga best actresses ng panahong ito. Very natural umarte si Ai-Ai at hindi pilit ang pagpapatawa. ‘Yun ang bentahe ng komedyana sa mga nakalaban niya. Hindi siya uma-acting. At para sa amin, kahit naman Senado pa ang mag-imbestiga sa pagkapanalo ni Ai-Ai, walang makatatanggi na magaling talaga ang ipinakita niya sa kanyang festival movie.

Kumpara naman sa mga co-nominee niya, dyusme… milya-milya ang layo ni Ai-Ai sa acting ng mga kalaban!

Danny’s Law

by Danilo Jaime Flores

loading...

11 thoughts on “Shalani Soledad, kumportable na kay Willie Revillame!

  1. HAY NAKO,,KALOKA ITONG REPORTER NA ITO,,,,KUNG SIRAAN SI CLAUDINE GANYAN GANYAN NALNG,,MABUTING INA AT ASAWA SI CLAU,,WAG NYO NGA SYANG SIRAAN,,,MAG TRABAHO KAYO NG DECENT AT PROFFESIONAL,,NAMAN,..KAKATWA KAYO,,LALAKE??WAHAHAHAHHHH,..MAAAYOS ANG PAGSASAAM NI CLAU AT RAYMART ,,WAG NYO SILANG SIARIN,,,,OK,,,SABI NG CLAU,,ANG PAGIGING INA AT ASAWA ANG FOCUS NYA NOW,,,TAMA NG NAGING CLAUDINE BARRETO SYA,,,BASTA MAY WORK,,DUN SIYA,..DI NYA KELANGAN MAKIPAG COMPETENSYA KANIMUMAN,,,KASE MAGALING SYANG ACTRESS OK,,,NO NEED!!!WE LOVE CLAUDINE,,SHES INTO GOD PATI,,PLS,,LANG WAG NYO SYANG GAWAN NG STORIES,,KAKATUWA KAYO,,CHEAP!

  2. DIBA MAY BALITANG AALSIN NA SI SHALANI SA WILLING WILIE SOON KASE NGA AYW DAW NG TV 5 EXEC ANG GINAGWQANG LIGAWAN NG DALAWA SA SHOW NITO,,AT PASHOWBIZ NA DATING S ATAO,,,GAYUNG S ATOTOO ALNG,,,PASHOWBIZ ITO KASE ALAM DAW NI WILIE NA WALA SYANG PAG ASA KAY SHALANI NA GUSTO NI SHALANI,,ISNAG GUY NA MAAYOS,RESPETADO,DECENT AT MAY TAKOT SA DYOS,,HINDI GAYA NI WILIE NA WALANG DIRECTION PADIN S ALIFE,,,HINDI KAYA MAKASRA NG TODO KAY SHALANI ANG ISYUNG GANITO,,ANG PAGLILINK KAY WILIE ,,BILANG KONSEHALA,,NEGA SI WILIE BAKA MAHAWA SYA,,HEHEHE,I THINK,DI MAKAKATULONG KAY SHALANI ANG SIYUNG ITO ,.KASIRAAN,,PA NGA,,,SABAGAY,,IF AALISIN NA SYA SA SHOW NITO,,SI VALERIE CONCEPCION AT VANESA DEL BIANCO DAW ANG ILAGAY,,DI PADIN BAGAY KAY SHALANI ANG SHOW,,BAGAY S AKANYA,,PUBLIC SERVICE,,KAYA SIBAK NA SYA PARA MAG RATE ANG SHOW,,,,HEHE

  3. oo nga magbago na iyong mga ibang tao dyan at sana rin tingnan nila ang sarili nila ndi iyong lagi na lang iyong galit cla sa artistang e2 2011 na manood na lang kyo kung anong gus2 ninyo basta ako sa hapi network…

  4. kahit ano pa, IT’S A BIG TURN-OFF kay ms. shalani itong pag-link sa kanya kay willie r.

    gamitin na nga niya ang mga kinita niya kay willie sa mabuti… kunsitidora din kasi magulang nito eh… pera pera lang!!!

  5. naku tsismis lang yan…tong writer nato, kung magsulat kayo yung nakita nyo..wag yong may nagbalita lang sa inyo..mga inggitero….bagong taon na, magbago kana..baka kunin ka ni taning nyan…or baka makarma mga mahal mo sa buhay sa mga pinaggagawa mo…

    • agree ako sa yo, may karma talaga. Naalala ko lang ang kaibigan kong may anak na nagpakamatay dahil nasira ang utak dahil sa Ecstacy, hanggang ngayon my friend still has a very hard time healing from the death of her son. Sabi ni friend ko namatay ang ina nya masakit daw pero nang namatay ang anak nya, mas sakit daw parang 10 times more painful daw dahil sa normal lifespan daw, it should have been the parents who should die first and the children goes later but in my friend’s case, nauna yong anak nya kaya masakit daw.

  6. Sana hindi totoo itong balita ni Claudine about the Ecstacy drug. Maski may mga balitang attitude problem itong si Claudine, nakakaawa pakinggan kasi most of the time gumagamit ng mga illegal drugs yong ibang tao dahil mayroong hidden agenda na dinala nila na masakit, sana putulin ni Claudine now para na lang sa mga anak nila ni Raymart na ang liliit pa.

      • oo nga, so sad naman kung totoo ‘yan… magaling na aktres si claudine, at ‘di dapat basta bumibigay sa mga problemang dumarating sa kanya… pray na lang natin na malagpas niya kung anuman ang pagsubok na pinagdadaanan ni clau…

Leave a Reply

Your email address will not be published.