Shalani Soledad, kamukha ng sexy actress na ex ni Noynoy!

BUCHOCOY ANG MAGIGING pangalan ng anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Bakit nga ba Buchocoy? “Ay! Nakuha ko ang pangalang iyon… kasi ‘yun din ang palayaw nu’ng firt baby ng best friend ko, parang ang cute at nakakatuwa,” pahayag ni Ryan nang ma-corner siya ng Pinoy Parazzi sa concert ng Apo Hiking Society.
Ayon kay Ryan, nang sabihin sa kanya ng kanilang doctor na lalaki ang isisilang ni Juday, nagbitaw raw siya ng ganitong litanya, “Naku, boss, siguraduhin n’yo… baka false alarm ‘yan. Aasahan ko talaga iyan, kasi baby boy talaga ang gusto namin ni Juday dahil meron na kaming girl at si Yohan iyon.”
Ayon naman kay Juday, sa ngayon daw ay hindi feel ni Yohan ang magkaroon ng baby boy brother dahil mas handa ito sa pagkakaroon ng kapatid na babae . “’Yun kasi ang gusto niya, ang magkaroon ng kapatid na babae dahil iyon ang kanyang makakalaro. Alam mo naman ang bata, gusto niya ang kalaro. Pero alam n’yo, ngayon pa lang ay tinatawag na namin siyang ate para sanay na siya pagdating ng kapatid niya, para wala nang magiging problema dahil medyo selosa nga si Yohan.” Nasabi naman sa amin ni Juday.
Nakapamili na rin si Juday ng mga gamit. “Actually hindi pa siya maraming-marami, pero meron na at karamihan sa mga binili ko ay blue at green.”

Sabi pa ni Juday, hindi raw niya tiyak kung saan siya manganganak. Kung saan daw siya abutin, baka dun na lang. “Kung nasa Makati ako at the time na sumpungin, alangan namang tumakbo pa kami sa iba,” sey Juday na by October daw siya magsisilang.

BAGO PALA MAG-RESIGN si Kris Aquino sa dalawang programa niyang The Buzz at SNN, una na itong nagpaalam kay Senator Noynoy Aquino. “Nakita ko naman na maganda ang layunin niya kaya ang sabi ko, kung sapalagay niya ‘yun ang dapat, siya niyang gawin.” Pahayag ito ni Noynboy na nagsabi pa rin sa amin na ngayong nag-resign na ang kanyang nakababatang kapatid sa nasabing talkshows, naniniwala itong masaya ang aktres sa naging desisyon.
Sa kabilang banda, iwas pa rin si Noynoy na pag-usapan ang tungkol sa kasal nila ni Shalani Soledad. “Kung darating sa sitwasyong iyon, du’n lang ninyo malalaman sa akin kung ano ang aming magiging desisyon,” sey ng magiging bagong presidente ng bansa, habang panay pa rin ang iwas sa usaping lovelife.
Noong gabing iyon sa concert ng Apo Hiking Society sa Music Museum, kasama niya si Shalani na iwas ding magsalita tungkol kay Nonoy. Totoong sa kauna-unahang pagkakataon, noon ko lang nakita nang malapitan si Shalani. At napansin kong malaki ang pagkakahawig nila ni Barbara Milano, ang dating sexy actress na naging girlfriend din ni Noynoy.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

13 thoughts on “Shalani Soledad, kamukha ng sexy actress na ex ni Noynoy!

  1. questionable nmn kc ang pagk la2ki ni noy… kailangan nya ang magic mirror pr mkilala nya ang kanyang sarili.

  2. Ang tapang din ng mga sikmura ng mga babaeng ito. Imagine natiis nila yung pagmumukha ni Noynoy. Bakit nga ba si Noynoy di nakapag-asawa. Hmmmp? May diperensiya siguro. Ano kaya? I think the Shalani thing is fake. It’s a show. She said about waiting six more years before they get married. Noynoy will be 56 by that time. Hmmp, so mysterious. Kunwa-kunwari-an lang kaya ang relationship nila? Dagdag boto rin kay Noynoy para hindi pagdudahan ang pagkalalaki o pra sabihing walang deperensiya, because of the abnoy issue. Weird!

  3. LAOS NA SI WILLIE LAOS NA SI HAMBOG NALAOS SIYA DAHIL KINUHA SI GWAPONG BINOE.NA COMPARED AT NAKITANG ANG KAPANGITAN AT KATANDAAN NI WILLIE AY NAKAKASUKA NA.HUWAG KA NG BABALIK LAOS LAOS.LOVE IT NGAYONG LAOS NA SI WILLIE HIHIMURIN MO PA BA ANG PWET NG IDOLO MO HIHIHIHI

  4. MORLY MAS KAMUKHA MO SI BARBARA.SI PATAYIN SA SINDAK SI BARBARA.HIHIHIHI I LOVE YU MORLY

  5. KAPANGIT PANGIT NI NOYNOY ANG GAGANDA NG NAGIGING GF.MAPERA KASI SI ABNOY.NAKU MARAMI NA NAMANG MAG REACT TULAD NG BOBANG SI LOVE IT NA GALIT NA GALIT KAY NOYNOY PERO GRABENG IPAGTANGGOL SI WILLIE NA HAMBOG.MAKITID KASI UTAK NI LOVE IT .AKALA NIYA BEST FRIEND SILA NI WILLIE GAGAH KA TALAGA.MAHALIN MO SARILI MO HUWAG IBANG TAO.BOBAH KAWAWA KA NAMAN DI KA KILALA NON.

  6. mas maganda si barbara kay shal…tingnan nyong mabtui kahawig si ni kris at shal…pareho silang mga puppy ni noynoyabnoy.

  7. Para sakin they dont have a resemblance. I see Marian Rivera in Shalani more than Barbara Milano. Mas mahinhin nga lang si Lani kay Marian.

Leave a Reply

Your email address will not be published.