Shalani Soledad, asiwa sa lantarang panliligaw ni Willie Revillame!
- Monday, November 22, 2010, 11:39
- Usapang Paratsi
- 658 views
- 65 comments

MAINIT ANG PAGTANGGAP sa ating People’s Champ na si Manny Pacquiao na dumating na nu’ng nakaraang Sabado.
Magmula nang dumating ito hanggang kahapon, dineklara nang Manny Pacquiao Day, kaya masaya ang lahat, kung saan nakiisa na rin ang halos lahat na mga Kapuso stars sa pag-celebrate sa Pacquiao Day ng GMA-7.
Na-interview nga namin si Manny sa Startalk at hindi pa rin sinagot ang gusto kong malaman kung magkano ang kinita niya sa nakaraang laban niya kay Antonio Margarito.
Sulit na sulit naman ang lahat ng bugbog sa katawan niya, dahil ang tantiya, mahigit isang bilyong piso raw ang kinita nito. Bongga, ‘di ba? Pero hindi ko pa rin siya naharbatan, huh!
Sinabi na rin ni Manny na kaya pa rin daw niyang lumaban at siyempre, dapat mas malakas na ito na iisa lang naman ang inaasahan ng lahat, si Floyd Mayweather, Jr.
Nagpa-survey nga kami kung sino ang gusto nilang makalaban ni Manny sa susunod nitong laban, ang laki ng lamang ni Mayweather kaysa kay Shane Mosley na isa rin sa pinag-uusapang posibleng makalabaan nito.
Kung sakaling matuloy ito, siguro ito na ang huling laban niya at dapat na siyang magretiro at mag-concentrate sa kanyang responsibilidad bilang representative ng Saranggani.
TINANGGAP KO NA ngang ako ang mag-manage kay Shalani Soledad kaya sa mga nagtatanong kung bakit nasa Willing-Willie ako nu’ng nakaraang Biyernes, nagkausap lang kami roon para ayusin at pag-usapan ang career plan niya.
Isa pa sa gusto kong obserbahan, kung talagang seryoso ba itong si Willie sa panliligaw niya kay Shalani.
Kasi naman, hindi na itinatago ni Willie. Hayagan na ang panliligaw nito kay Shalani at hindi naman kumportable rito ang dalaga.
Kaya pinababantayan na sa akin. Abangan na lang natin kung magiging pursigido ba si Willie sa panliligaw niya.
Wala namang balak si Shalani na mag-artista. Okay na sa kanya ang hosting at mas gusto niya ang public service program dahil may kinalaman naman ito sa kanyang political career.
Mabuti nga at maraming malalapit itong kaibigan na willing tumulong sa kanya, kaya hindi naman gaanong nahirapan si Shalani.
Maraming nagtatanong sa akin kung bakit tinanggap ko ang pagma-manage kay Shalani. Sagot ko na lang sa kanila, para inisin ko na lang si Kris Aquino, ha-ha-ha!
CONGRATULATIONS PALA SA alaga kong si Gladys Reyes dahil nagsilang na ito ng baby boy nila ni Christopher Roxas nu’ng nakaraang Sabado ng umaga via caesarian operation.
May timbang na 6.8 lbs at 50 cms ang haba. Kuwento ni Gladys, kamukhang-kamukha raw ni Christopher, kaya ang guwapo siyempre.
Siguro last na muna ‘yun sabi ni Gladys dahil nakatatlo na sila. Mabuti na ‘yung maalagaan daw nila nang mabuti.
Isa sa unang dumalaw kay Gladys ay ang bestfriend niyang si Judy Ann Santos na halos kasabay nga nitong nagbuntis.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis
tsk tsk..may isang audience na nagbigay ng charcoal drawing nina willie and shalani knina lang..binigyan ni willie ung guy ng P1500 pro napakamot yta ung guy kulang pa ba yan sbi ni willie..pangtuition fee daw so ginawang 3000 lahat ni willie may tinuturo pang kasama ung lalake..in short may mga fans (kuno ) c willie na pera lang tlga ang habol nila..ung mga studio audience na lang na grupo na dumating na may damit na may nkasulat na pagmamahal/suporta kay willie hindi taos puso yun ..naghihintay lang mga yun ng pera kya nga pag may time na hindi masyado pinansin ni willie mga yun tinatawag sya pra mapansin sila at para mabayaran..
Un lang naman ang gusto ng mga tao kay willie eh, pera, pera at pera. Subukan nyang wag mamigay ng pera, tingnan ko lang kung sundan pa siya ng mga tao. INUUTO LANG SIYA NG MGA TAO, GINAGAWANG PALABIGASAN.
Totoo talaga. Willie did it to himself ika nga kaya siya ginaganoon lang ng mga tao kasi ang mga tao intelligent, kaya siya ginanun kasi alam din ng mga tao na ginagamit lang ni Willie ang pera for ratings for his own personal agenda kaya yon ginagamit din sya ng mga tao. Di ba noong election Willie and the people of Villar brought celebreties including the famous dancers ng Wowowee then and they put campaign shows for Villar to out of town shows and according to some reporters namimigay daw sila ng mga mamahaling prices at pera din sa audience and may house and lot din daw na galing sa corporation ni Villar at inireport din yon ng mga bayarang reporter na there were thousands of people who attended the rally daw and look what happened? Nanalo ba si Villar? Kasi ang mga tao intelihente kasi, pera lang ang habol nila at pumunta doon sa rally para sa pera pero pagdating sa eleksyon doon bumuto kay Pnoy, e ang laki ng deperensya sa votes between pnoy and villar. At namimigay din naman ng mga papremyo ang Eat Bulaga pero wala talaga tayong maririnig na masakit na comments against nina Tito Vic and Joey kasi nererespeto sila sa mga tao dahil they earned that respect. Ang dami na kasing track record ni Willie na pagka hambog at very impatient at talagang masama na ugali although he is trying to repair that image now by being nicey nicey by helping the poor, pero as i said people are intelligent and just look at who he is associated with! Money Villar, Cristy Fermin, DJ Mo, Lolit Solis, Annabel Rama, Daisy Romualdez, Ruffa Gutierrez and the likes. Nakatulong nga si Willie sa mga pulubi but we are talking about integrity here, kaya look at Eat Bulaga, they are still standing high maski ilang show na ang gusto pataobin sila, maski noon pang may Wowowee, hindi pa rin napataob ang Eat Bulaga noon, humahabol nga every now and then ang Wowowee noon against Eat Bulaga pero Eat Bulaga was consistently superior from Wowowee 95% most of the time kasi Eat Bulaga hosts earned the respects from people because they treat fans and people and especially all the employees in Eat Bulaga human beings not just people working behind the scenes just to promote ratings. Maski isang tao working sa Eat bulaga wala tayong maririnig na sinungitan ng mga hosts kong ikumpara sa number of employees complaining on how Willie was behind the scene.
sundyegan, pakisingit lang out of topic. Nabasa mo ba yong mga exchange of info namin ni Carena de Leon doon sa isang article na title “Ruffa Nag Collapse Dahil Sa Sobrang Dyita”, hay kung hindi, pumunta ka doon kasi ang dami kung nalaman ngayon, matagal na akong nawala sa Pinas at nashock talaga ako sa mga nalalaman ko sa life ng mga Gutierrez. Kaya pala ang daming galit sa kanila.
yeah! narinig ko na rin ung tungkol sa brunei issue pero ako kasi, binibigyan ko ng benefit of the doubt ang isang tao. Alam mo naman sa pinas, pag gusto nilang pabagsakin ang isang artista o celebrity eh madaling-madali, dahil bihira ang nagdedemanda. Magaling lang si Annabelle sa pagsusuhol sa mga writers kaya walang masyadong nagsusulat ng negatibo sa kanyang mga anak. Gumanda lang ang buhay nila nung bumalik na sila sa pinas dahil ang pagkakaalam ko ay nagtinda sila ng pots and pans dito sa u.s. ilang dekada na ang nakakaraan.
Yon din ang nabasa ko sa ibang write ups.
Sundyegan, may na discover na naman akong isang show ngayon lang sa internet TWEETBIZ ba yon, yong host parang Tim Yap yata ang name, ano ba yon? bading ba yong Tim Yap na yon?