Shalani Soledad’s ardent suitor is a politician

SUCCESSFUL ANG INIHANDANG surprise birthday party para kay Valenzuela councilor Shalani Soledad dahil wala talaga itong kaide-ideya na merong inihandang party sa kanya na ginanap sa Gazeebo Royale nu’ng Martes ng gabi.

Bale asalto ‘yun kay Shalani dahil nu’ng kamakalawa ang kanyang kaarawan.

Inihanda ‘yun talaga ni Willie Revillame sa kanya at punong-abala sa pag-asikaso ang Mommy niya.

Dagdag pang sorpresa sa kanya ay ang pagdalo ng kanyang ama na si Adolfo Aguirre.

Ang buong akala niya, birthday party ‘yun ni Mr. Ray Espinosa ng TV5, pati na rin ni Jay Montelibano na Unit Head ng Willing-Willie, dahil kasabayan niya ang mga ‘yun na nag-birthday. Pero para talaga sa kanya ‘yun na dinaluhan ng mga bigwigs ng TV5 at pati nina Sen. Manny Villar at anak nitong si Cong. Mark Villar.

Thirty-one na si Shalani at ang karamihang wish sa kanya ay sana makahanap na raw ito ng tamang lalaki para sa kanya.

‘Yun din kasi ang gusto ng Mommy niya dahil hangad na rin nitong magkaapo sa kanya. Pero mukhang naka-focus pa si Shalani sa trabaho dahil wala naman ‘yun sa mga birthday wish niya. Mas wish pa nga niyang maging magaling na host dahil kinakarir naman niya ito sa ngayon.

Pagdating sa lovelife, ewan ko kung seryoso na si Shalani kahit alam kong merong isang pulitiko na pursigidong nanliligaw sa kanya na parang nagustuhan na rin niya. Saka ko na lang ikuwento kapag sila na talaga. Malalaman ‘nyo rin ‘yan!

Siyanga pala, bakit parang malungkot si Willie nu’ng gabing ‘yun? Parang matamlay siya at may malaking problemang dinadala.

Dinig ko naman magbabalik na sila sa May 7, pero wala pa silang official statement kung talagang tuloy na ito.

NAKU, HA! NALOKA naman ako sa kuwentong nakarating sa akin na meron na raw akong Twitter account.

Ang pangalan ko raw sa Twitter na ‘yun, dilang_totoo na ang hindi makapaniwala si Pauleen Luna na meron na ako dahil alam naman niyang kahit mag-text, ‘di ko pa rin alam.

Ang nakakaloka pa, ‘day, tinu-tweet ko si Pauleen na hinaharbatan ko ng pasalubong.

Siyempre kung maniningil ako ng pasalubong tatawagan ko na ang Mommy niya, ‘no!

Hay, naku! Huwag na huwag kayong padadala sa mga Twitter-Twitter account ko na ‘yan, dahil never akong maggaganyan.

Kahit nga Facebook, wala ako. Kaya kung sino man ang may kagagawan niyan, tigilan n’yo na dahil sasabihin ko pa sa Startalk na peke iyang Twitter ko na ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

19 thoughts on “Shalani Soledad’s ardent suitor is a politician

  1. hoy shalani pwede pahingi ako anng number ni Willie gus2 ko sanang sabihin sa kanya na wag sya dumating sa kasal mo dah

  2. shalani umalis ka na jan sa may wtbt wag ka nang bumalik hah mas mainam na magsama kau ni romulo sa impyer no bagay naman kau doon mag kasing walang hiya kau

  3. Shalani GUSTO KUNG MALAMAN MO NA SUSUPORTA AKO SAYO KAHIT ANONG MANGYARI PERO MAY PAKIUSAP LANG RIN AKO MAS MABUTI SIGURONG SI WILLIE ANG PILIIN MO KESA KAY ROMULO KASI SA TOTOO LANG SINO BA ANG NANJAN NOONG NAGDUROGO ANG PUSO MO,SINO BA ANG NANJAN PARA PAHILUMIN ANG NASUGATAN MONG PUSO alam nang lahat ang sagot jan at yun ay ang kuya nang bayan na si WILLIE REVILLAME itong minsahing ito ay nagpapahayag lang nang commento ko sayo dahil sa tingin ko kc yun ang mas nakakabuti para sau mabait kang tao at maraming nakakaalam jan kaya wag mo  sanang sayangin  ang tiwala nang tao sayo…….
    cutestgirl@yahoo.com

                                                I’AM CONCERN ONLY TO YOU!  

  4. Hoy!Shalani  pwede bang umalis kana sa WTBT wala ka rin naman mapapala doon eh isa kang manggamit pagkatapos mong kumita nang marami sa show ni Willie sma  ung igaganti mo walang hiya ka………Pwede ba umalis ka na sa show na yan sumama ka na kay Romulo atlis bagay kayo pareho naman kayong walang hiya at masanmang ugali…….manggagamit ka lang wala kang kwentang co host ;;;;;;
    Umalis ka na sa show na yan alam naman nang lahat na kaya mo ayaw umalis kac alam mong di kana sisikat kawawa ka naman kala namin mabait ka pero nasa loob pala ung baho….MANGGAGAMIT NA TAO SI SHALANI WALANG KWENTANG TAO!!!!!!!!!

  5. @maria,ang bait mo pagpalain ka sana ng maykapal.@mercy,hanga din ako sa iyo,marunong kang tumanggap ng pagka2mali.@jose,sapul ang comment mo kaibigan.

  6. o anu mercy natameme ka kasi c maria pala ay edukada at may mataas na respeto kahit kanino kung baga may breeding, e ikaw anu hahahaha….ayan tuloy…binato mo sya ng bato pero ikaw binato nya ng burger with cheese, french fries at may kasama pang panulak…. @maria…hanga po ako sa inyo…sana maging gabay ka sa lahat dito…peace

  7. @mercy, i don’t really mind if you remind me next time I make a harse comment to settle down and be good, I welcome constructive criticism, my husband always told me not to be mad if someone tells me that I did something wrong, he told me to use that as an example to better myself and make good. He is a good man and we’ve been married for almost 26 years now and he is a loving, kind and sincere person, sayang hindi ako nahawa sa kanya but from time to time, I would like to think of myself as an okay person, someone will just have to know me better to know that I am not that evil. I think that Shalani is very pretty, maski walang make up, she is beautiful, sana lang she will find the right man who will respect her and love her for keeps. Yon lang ho. Thanks

  8. @mercy, thanks sa advice mo, I will try to repent tomorrow and I will pray to be good and not be pasaway anymore so I will be given mercy from God Almighty, and salamat sa payo mo pala, you sound like a real good person by the way you talk, maybe I could learn a lot from you not to be so hateful and to just keep quiet eka nga!!!! :) Salamat uli sa maganda mong payo.

  9. @mercy, please have mercy on me, ang ibig ko lang sabihin ay sina Tito Vic and Joey mga hosts sila pero hindi sila mga hambog, mga respetadong tao, maka EB ako at yon lang ang sinasabi ko, bakit masama bang sabihin na si Shalani deserve better dahil si Willie ang dami nang bagahi, dami ng asawa at daming mga problema, ang ibig kong sabihin kung bakit hindi na lang si shalani mag-ingat dahil sa maganda sya at mabait na babae at politician pa naman sayang lang. It’s like having a Mercedes Benz , you have a choice to drive that car on a paved road or on a gravel. Why would a sane person drive that car on a gravel when that person has a choice to drive that smoothly on a paved road? Iyon lang ho! Peace and have mercy on me. thanks

  10. maria pa naman ang name mo kung iyon nga?katatapos lang ng mahal na araw kung ano ano na ang pinagsasabi mo d2,o baka naman ndi ka katoliko?o hayan malapit na rin ang mothers day ay baka dalaga ka?pero palagay ko dalaga ka kasi may pagka-pasaway ka hahahahaahhaaha maging mabait sa kapwa at lagi kang magpray everyday at sa paglabas mo ng church sana ndi madagdagan ang mga kasalanan,sana mabawasan okey….

  11. hoi maria puro galit at husga ka kaw ata ang wlang kuwentang tao ndi ka rin marunong manood o makisakay sa kay shalani at wil kasi galit ka kay willy ang galing mong manghusga pero mukhang mas masama ang ugali mo halos lahat naman ng pinoy mayabang kaya lang ayaw no’ng iba na aminin alalahanin mo na sinakop tayo ng kastila kaya halos lahat ng pinoy ay hambog,kaw naman ipokrita ka cguro kung ikaw ang nasa kalagayan ni wil baka mas hambog ka baka akala mo kung sino ka……magpakaka22o ang mga pinoy…

  12. Sana si Shalani gamitin ang utak para hindi mawalan ng respeto ang madlang tao sa kanya. Go for the gold Shalani, you deserve it, huwag kang maki ride on man lang sa mga hambog at sinungaling at pakitang tao, gamitin mo ang utak mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.