Shalala, nilulublob sa putikan!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! more chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka.

Sobra na, tama na, tigilan mo na ang pang-aapi sa mga kasamahan mo! ‘Eto na naman ako, sabi ko, hindi ako titigil sa mga kahunghangan na pinaggagawa ng mga kasamahan ko sa industriya. Kasi, iisa lang ang aming ginagalawan. Harap-harapang trayduran, ano ba ‘yan?!

Tulad nina Shalala at Cristy Fermin. Bilang nakatatanda sa kanila, may karapatan akong supilin ang mga kawalang-hiyaan nilang ginagawa. Look, magkasama sila sa station, bakit hindi na lang sila mag-usap. Nagkus, isusulat pa nila sa kanilang kolum para malaman ng mga tao ang kanilang kabulukan.

Tulad ng nabasa ko, tama ba namang ibandera ni Cristy ang “totoong” ugali ni Shalala? Sabi nito, si “Shalala ay reklamador, maangas, nuknukan ng yabang, masakit magsalita, binaha na nga ang staff pinagmumura pa, pati sekyu minura rin dahil ‘di raw siya kilala.”

‘Di ba kaplastikan ‘yung sabihin  niya na “mahal namin si Shalala. Gusto naming magtagumpay bilang komedyante dahil nasaksihan namin ang maraming taong ipinagtrabaho niya sa Viva Films bilang tagapamahala ng promo ng kanilang pelikula. Ilang panahon din siyang sidekick ni Kuya Germs, ang tunay na naghawan ng daan para sa kanya sa mundo ng television, malaking tulong ang nagawa sa kanya ng TV host. Mahigit na dalawang taon na kaming magkasama ni Shalala ngayon sa TV5, sa haba ng panahong ‘yun ay napakarami naming tinanggap na reklamo laban sa kanya mula sa kasamahan naming mga artista, staff at maging mula sa utility ng produksyon, pero todo-pasa lang kami. Kinaya naming pakibagayan ang kanyang pagtataray, sumpong at kayaba-ngan, pero sa pagkakataong ito punum-puno na kami ay kinakalos din namin ang salop para siya ay paalalahanan at pangaralan.”

Okey, maganda ang layunin niya para kay Shalala pero bakit parang inilulubog niya sa putikan si Shalala. Look, magkakasama sila sa TV5, manong bilang nakatatanda sa grupo na magpatawag siya ng meeting at kausapin niya kaharap ang mga taong nabastos ni Shalala at maayos ang gusot.

Sabi nga ni Ate Ludz (Inday Badiday, RIP), na ‘pag may gusot may lusot, at antimano magkakaayos ang hindi pagkakaunawaan. Siguro naman tao lang si Shalala na marunong ding magpa-kumbaba at nakaiintindi ng pakiusap ng nakatatanda.

Kasi sa inasal nitong Cristy, parang siya ang walang urbanidad sa mga sinasabi niya kay Shalala. At kung nakaiintindi siya bilang nakaaalam diyan sa TV5, sinulatan dapat niya ang management at sinabi niya ang kanyang reklamo, hindi para ipagsigawan sa tabloid ang mga pagkakamali ni Shalala.

Ang mali sa ‘yo Cristy, nakikita mo ang pagkakamali ng iba, pero ikaw mismo, ang pagkakamali mo, hindi mo nakikita. Sana, last chance mo na ‘yang sa TV5, kasi wala ka nang mapupuntahan kung mawawala ka riyan. ‘Di ba tinanggal ka na sa lahat ng channel, mabuti may kumupkop pa sa iyo. Dapat magpakatino ka na at ‘wag kang traydor sa mga kasamahan mo.

Ang daming beses na, dati nu’ng kasama mo si DJ Mo Twister, puring puri mo. Nu’ng umalis, kung anu-anong nega ang sinasabi mo. Itong huli, si Ruffa Gutierrez. Sabi nga ni Annabelle Rama, wala kang utang na loob. Napatawad ka sa mga kaso mo sa kanya, ‘yan pa ang isusukli mo. At ang pinaka-latest ay ang hidwaan n’yo ni Nora Aunor na rito ko hindi mapapatawad si Nora, kaya naging Vilmanian na ako.

Kasi nu’ng mga nakaraang araw nu’ng nasa America pa si Nora, kung anu-ano ang mga negative na isinusulat nito kay Nora at John Rendez. At ang Nora nu’ng bumalik dito, nagpa-interview sa The Buzz kay Boy Abunda na kakastiguhin niya si Cristy. Anong nangyari? Si Nora pa ang nagpakumbaba para batiin ka. At nagyon kung purihin mo si Nora, puro ka kaplastikan. Kawawa naman ang mga taong lagi mong inaapi. Ngayon, sumagot ka, hinahamon kita bilang nakatatanda sa ‘yo sa lara-ngan ng tri-media. ‘Wag mong sabihin na walang permanenteng kaibigan sa showbiz kung hindi personal na interes lang, kasi ikaw ‘yan. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

20 thoughts on “Shalala, nilulublob sa putikan!

  1. Ang galing mo tita swarding! Akala kc ng cristy n yan n porket nkakapit sya ke willie e hndi n sya matatabla s tv5! Sna ikaw n ang mkpgpatumba dyan! Sobrang yabang nyan! Puro paninira ang alam gawin! I salute u!

  2. TAMA numero unong PLASTIKADA yng c BUBOG na CRISTY,  ilan naba yng TINRAYDOR nyan, khit ung mga tinatawag nyng ANAK  sa showbis kapag meron zang sama  ng loob odi gusto samga to eza mismo TUMITIRA gya k PIOLO diba anak daw turing nya d2 pero dhil DEDMA nazi PIOLO sknya atdina za pinapansin e TINITIRA nrin nyato laluna sa GAY isue wile dti za ang numero unong tagapgtanggol ni piolo…c john estrada anak rin  daw turing nya pero ng mgka GAP cla  ni wili zempre kampi za k mayabang na wili at tinitira nrin c john….c mo twister anak daw nya ng nnd2 pa at ipagtatanggol daw nya samga kaaway ni mo aldo cra ulo tlga c mo pero pg-alis ni MO tinitira nrin…ngaun e2 nmng c SHALALA, gnunpala ugali ni  SHALALA bkit dinya pingsabihan mula panung umpisang mapansin nya masamang ugali ni shalala,…ay nku cristy kampon ka tlga ng dilim…. pare-pareho lng kyong mga HINAYUPAK….

  3. o eh bakit dito ngumangakngak? instead na sa column, bat di kausapin ng derecho si cristy at sermunan? how ironic. pumuputak eh parehas lang naman kayo ng style eh, patuchadahan sa mga columns. bo-malabs teh. pare-parehas lang naman walang kwenta yang mga yan eh. isang baklang mukhang tinatawag na ng lupa, isang estapadorang swindler na mukhang manggagancho, at isang baklang dugong. in ferness nakakatawa naman minsan si shalala kaya aliw na din

  4. Yan si cristy fermin plastikada talaga yan, sa mga interview anak tsuba ang galing, mo haist napaka plastik na pangit na yan kong makapag salita puring puri pati nga si direk joey hindi niya gusto ugali ni cristy fermin plastikada… alam nina alex at gladys… traydor yang matabang pangit nacristy… simply makati pa naman .. mahilig din sa kantutan… hahahahaha

  5. Korek ka dyan tita swarding reyna yan ng kaplastikan
    nung nasa dos pa sya galit na galit sya kay joey de leon nung lumipat sya sa pirate network puring puri na nya ito
    poor shrerk :p

  6. TITA SWARDING MABUHAY KA!!! TAMA KA! PURO NMN KAPLASTIKAN SI CRISTY AKALA MO SYA MAY ARI NG SHOWBIZ..LAHAT SYA ANG TAMA, GUMAGAMIT PA SYA NG MGA KATAGANG SYA RIN NMN ANG MATATAMAAN. SI WILLIE MALAKI ANG BAYAD SA KANYA KAYA PAREHO SILA NG UGALI. SI SHALALA WALA NMN TALAGA KREDIBILIDAD, DI PO AKO NANONOOD NG SHOW NILA DAHIL WALANG SAYSAY..GOD BLESS TITA SWARDING,..

  7. i love you tita swarding…. kailan kaya ma RIP si cristy fermin at alfie lorenzo sama ng ugali. sana silang dalawa na lang ang kinuha ng Diyos para mabawasan ang masasamang tao sa mundo.Bakit si Sec. ROBREDO PA.

  8. buti naman at unti unti nang mawawala yang shalala na yan na kung umasta sa kanilang dating show eh akala mo may maipagmamalaki na. lulubog na nga yan sa putikan na may kasamang mga tae! yang mga pinaggagawa naman ni cristy fermin, isang bagsakan ng karma ang mararamadam nya, karma na hindi nya makakaya!

  9. Dapat sa Tae ng kalabaw ilublob si Shalala.. Tingnan mong mukha nya parang Ass Hole ng  kalabaw na may almoranas.

  10. Si cristy ang pinalaplastic na reporter sa balat ng lupa. Pag kaharap ang tao,puro papuri..pero pag talikod puro paninira. Dapat jan patalsikinna rin ng TV5.  Pano magiging successful showbiz talk shows ng TV5 kung laging si Cristy pinaghhost nila. Hindi ba sila nakakahalatang si Cristy ang dahilan ng pgflop ng shows nila? Kahit ilang beses nila baguhin ang shows at ilang bses palitan ang mga cohosts,kung si Plastic Cristy pa rin main hosts,wala pa rin. Magsala sila ni Ruffing Gutierrez aa isang show dahil pareho silang plastic.

  11. tumpak ka swarding..c cristy ang pinakaplastic na tao pag kaharap puno ng paapuri ngayon c lucy torres naman ang binobola bola dati c alex c divine c ruffa g at sha lala at mo twister.pag nagsi alis na sa kanya show sinisiraan..c hayden kho nun nagguest ko cost puro papuri at paghanga nung umalis panay blind item ni cristy..kung humusga c cristy kala mo sha perpekto at alam na alam ang kapalaran ng tao sa showbiz..kung husgahan niya c claudine barretto na d na makakabangon??? ei sha nga mas madami siya pininsala at pinerwisyo ngayon kinuha pa ng TV5 c claudine barretto pa na me talent at de kalidad na artista..naku c cristy fermin pinaka wala utang na loob c willie revillame lng ang bukambibig palibhasa tuta at nagkakapera…hay perci intalan sha ang dapat sibakin sa tv5 para kau makapanalo sa rating ng 2 stasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.