Shalala, nakipag-ayos kina Zoren at Carmina

SA WAKAS, NATULDUKAN na ang awayang Shalala at mag-asawang Zoren Legazpi at Carmina Villaroel.

Matatandaang nagkairingan ang dalawang kampo nang i-blind item ni Shalala si Zoren sa isang showbiz talk show. Si Zoren ang tinutukoy sa given na clue na di umano’y actor-director na naninigaw ng staff sa isang taping. Muntik pang magkasapakan sa basement ng isang network nang mainit na hinanap ng driver ni Zoren si Shalala sa galit at upang ipagtanggol ang amo nito.

Kahapon sa taping ng mag-asawa para sa kani-lang morning show,nagpakumbaba si Shalala nang sorpresang humingi ito ng tawad. May dalang isang bouquet ng bulaklak at chocolates.

Pahayag ni Zoren, “At least, marunong mag-sorry.” Sabi naman ng misis nitong si Carmina, sa dinami-rami raw ng mga taong nakasakit sa kanila, si Shalala lang ang taong nakapag-sorry sa kanila.

Nakakatuwang isipin na dahil malapit na ang araw ng mga puso, maraming artista ang tila lumambot na ang mga galit sa isa’t isa at nagkapatawaran na. ‘Ika nga nila, sa showbiz para tumagal ka, kailangan lahat kaibigan, at walang kaaway.

Kylie Padilla, nag-birthday kasama ang mga batang kapus-palad

Mas pinili ni Kylie Padilla na mag-celebrate ng kanyang 18th birthday o debut niya sa piling ng mga batang kapus-palad sa isang DSWD center sa QC.

Sa dami raw ng blessing na natanggap ng anak ni Robin Padilla, marapat lang daw na ibahagi naman niya ito sa iba. Nagpakain, namigay ng regalo at isang children’s party ang ipinagkaloob nito. Tuwang-tuwang nakipaglaro pa ito kasama si Lexi Fernandez at inaming magpinsan pala sila sa father side. Ngayon daw sila naging close nang magkasama sila sa isang teen-oriented show.

Nasorpresa naman si Kylie nang dumating si Aljur Abrenica na may bitbit na cake at binigyan siya nito ng isang bagong health magazine.

Naitanong namin kung papayagan na ba siyang magpaligaw ng amang si Binoe?

Sa ngayon daw, mas focused sia sa career, pero kung hindi maiiwasan, mas gusto niyang dalawin sa bahay. Bilin daw ni Binoe na kung talagang seryoso ang mga manliligaw, kailangang pormal na umakyat ng ligaw sa bahay at may basbas nito.

Samantala, make-up daw ang nararamdaman niyang ibibigay sa kanya ng kanyang Tita Mariel Rodriguez. Naitanong kasi namin kung anong regalo ang ibinigay nito. Tila masaya naman ang dalaga sa ka-partner ng kanyang ama, alagang-alaga raw nito si Binoe at talagang hanggang ngayon, tila nasa honeymoon stage pa. Na-miss din daw niya ngayong kaarawan ang kanyang inang si Liezl Sycangco, at kapatid na si Alih. Nangako naman itong susunod sa Australia kapag napahinga sa trabaho.

Sa kanyang birthday, isa lang daw ang hiling ng dalaga, na mabawasan na ang hiya niya sa kamera at nang makapag-perform siya nang mabuti, pangarap daw talaga niyang umarte at kumanta. Sana rin daw ay magkaanak na si Robin kay Mariel.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

3 thoughts on “Shalala, nakipag-ayos kina Zoren at Carmina

  1. Dapat lang naman siya makipag ayos. Iyon kasi ang napala nya, ANG HANAPBUHAY NYA ANG SIRAAN ANG BUHAY NG MAY BUHAY NA HINDI NAMAN NAKIKIALAM SA BUHAY NYA!!!!! Kaya be a professional host para respetohin ka sa madla.

    • At yon pa ang i uwi mong income para ipakain sa pamilya mo na galing sa pagkasira ng buhay ng ibang tao. Sana pagdasalin nya ang pamilya nya na hindi magkasakit bago pakainin nya sa mga dala nyang pagkain.

Leave a Reply

Your email address will not be published.