Shalala, na-tense at na-stress sa kanyang pelikula

Shalala“MAKAKATULOG NA ako!” Ito ang naging pahayag ni Shalala nang makausap namin sa matagumpay na premeire night ng kanyang launching movie na Echoserang Frog na ginanap last March 31 sa cinema ng Fishermall sa Pantranco, QC.

Tsika nga ni Shalala, isang buwan siyang ‘di nakatutulog sa sobrang tense at stress dahil sa kanyang pelikula. Pero after niyang mapanood nang buo ang kanyang movie, nakahinga na nang malalim si Shalala at nagsalita na makatutulog na siya sa wakas.

Masaya ang host/ comedian dahil standing room only ang naganap na premeiere night na dinaluhan ng kanyang co-stars, sampu ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya. At halos lahat ay nagsabing maganda ang kanyang pelikula at sobrang nakakatawa.

Ilan sa highlights ng movie ay ang nakakatawa at nakakaaliw na eksena nila nina Ms. Jaclyn Jose, Empoy at Ms. Perla Bautista. Habang marami naman ang kinilig sa eksena nila nina JC De Vera at Derek Ramsay.

All in all, magagaling at mahuhusay ang mga naging espesyal na panauhin ni Shalala sa kanyang pelikula. Kaya naman kung gusto n’yong matawa nang sobra-sobra, sugod na sa 30 cinemas ngayong April 2 at manood ng Echoserang Frog, mula sa mahusay na direksiyon ni Joven Tan at hatid ng ScemaConcept.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.