Shalala, mercilessly bashes actors!

ISA ANG BATIKANG movie director na si Lav Diaz na matagal nang may inihahandang project para kay Nora Aunor. Minsan na ring nakipag-usap si Direk Lav kay Ate Guy  para maglam-bing na kung may pagkakataon ay makagawa silang dalawa ng kahit isang pelikula. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang nasabing mga plano.

Kung puro negatibo ang karamihan sa mga nasusulat ngayon tungkol kay Ate Guy dito sa Pilipinas, si Direk Lav ay may magagandang kuwento naman tungkol sa Superstar. Hindi na isyu sa ibang bansa ang big deal dito sa showbiz natin na si Ate Guy ay nagka-casino. ‘Yon naman kasi ang isa sa mga libangan ng premyadong aktres. Pero ang isa raw sa nakakatuwang ugali ng mommy ni Ian de Leon, hanggang ngayon ay ang kanyang pagiging mahiyain. Hangga’t maaari, ayaw raw ni Nora nang siya ay nakikilala at pinagkakaguluhan ng mga tao roon.

“Kapag may mga fans na nakikilala si Nora at nagre-request na magpa-picture sila, parang si Guy pa ‘yung nahihiya. Gano’n kasimple ang Superstar,” wika ni Direk Lav.

Wala raw duda na talagang sikat na sikat pa rin si Ate Guy sa mga Pinoy sa ibang bansa. Kahit na hindi siya dinudumog ng mga tao, hindi naman nila hinihiwalayan ng sulyap ang aktres. Halata rin daw ng iba nating mga kababayan na parang naiilang ang mommy ni Ian kapag siya ay pinagkakaguluhan ng mga tao. Kaya bilang respeto daw sa privacy ni Aunor, nagkakasya na lang ang ating mga kababayan na sulyapan ang kanilang idolo.

WALA NAMANG ATRASO sa akin si Shalala. Pero parang gusto kong sumang-ayon sa napupuna ng marami na parang may kayabangan na siya ngayon dahil sumisikat na siya dahil marami nga siyang programa sa TV5.  Kapansin-pansin din, na parang wala na siyang pakundangan ngayon kung magtaray.

Nu’ng wala pa siyang maraming programa at kilala lang siya dahil sa Walang Tulugan! ni German ‘Kuya Germs’ Moreno sa GMA-7, nakakaaliw ang kasimplehan ni Shalala.

Naalarma lang ako sa sobrang ka-tarayan na wala sa lugar ni Shalala nang minsang sa Juicy ng TV5 ay walang preno siyang mangmaliit ng ibang artista. Ang topic nu’n ay si Alodia Gosiengfiao. Sabi ba naman ni Shalala:  “Sino ‘yon?” Kaya sinabi na lang ni Alex Gonzaga na: “Si Alodia ‘yung cosplayer.”

Minsan naman, sina Albie Casiño at Andi Eigenmann ang topic. Patungkol kay Albie, sabi ni Shalala: “Hindi naman pala kilala, huwag na nating pag-usapan!”

Ano ba naman ‘yon? Pina-ngalanan ng Juicy sa kanilang Showbiz feed sina Alodia at Albie, pero hindi naman blind item ay maglilitanya si Shalala ng gano’n? Samantalang ang kailangan naman ay magbigay sila ng opinyon nila tungkol sa balita.

Mas okey pa ‘yung ginagawa nina Cristy Fermin, Mo Twister at Alex, na kung hindi nila talaga kilala ang mga artistang pinag-uusapan, wala na lang silang reaksiyon kundi uminom ng kape na nasa kanilang table.

Kapag ganyan si Shalala, parang nakakailang na siyang lapitan, batiin at kausapin. Maangas at astig na kasi ang dating niya. Nawala na ang kanyang kasimplehan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

23 thoughts on “Shalala, mercilessly bashes actors!

  1. laki kaya ng tyan nya.. kakairitan na rin yun pagtilitili nya sa TP dati… di ba nya napapansin nagtatakip na ng tenga yung mga kasama nya..

    dapat di sya pinatsera kasi di naman sya kagandahan..

  2. hindi na nga maganda nagiging attitude ni shalala. i guess based on what i see over at juicy, lumaki na talaga ang kanyang ulo. i guess somebody needs to remind him of his humble beginnings. maaga pa naman for him to change his ways.

  3. Pingback: Gerald Anderson ready to fall in love again, but waiting for “right time, right girl” | Spinner News

  4. @@@GALAMI, tama ka. lOVE THE SHOW. AT LEAST HINDI SILA NAG MAKE UP NG STORIES. Opinion lang ang binibigay nial Very Credible kasi yung mga gossip new2s nila ay galing sa mga ibang pahayagan. To the haters. Ingit lang kayo kasi Si Shalla mayaman na. NAg bibigaay lang cya ng entertainment to spice up the show. common!

  5. kapal naman ng mukha ng panget na bakla. mukhang ilong na tinubuan ng mukha! sampalin kaya kita ng tarugoko? wag na lang,baka chupain pa ng fish lips mo! pwe!

  6. infairness kay shalala sikat na….yan ang gusto ko sa juicy..sa mga apat na host walang sinasanto talagang titirahan pati nga artista ng tv5 tinitira din nila kahit basta mali.. kaya ok yong show nila. napakaa kwela at totoo.

  7. Kaya nahihiyang makipagpicture si nora sa mga tao dahil di presentable ang itsura niya hindi dahil mahiyain si nora, kasi magmumukha lang atsay si nora ng mga makakasama niya sa picture.

    Kaya hindi na isyu sa ibang bansa ang big deal sa Pinas showbiz na si Ate Guy ay nagka-casino dahil permanent fixture na si nora sa mga casino sa ibang bansa at sawa na ang mga pinoy nasa ibang bansa sa pagmumukha ni nora.

    Wala na ngang pera si nora ang lakas pa ng loob gawin libangan ang pag casino, nangungutang pa para lang makapag casino. Ang lakas pa ng loob ng mga tangahanga niyang gustong gawin national artist ang isang katulad ni nora, ano klaseng ehemplo yan sa mga kabataan!?

  8. kapal naman ng apog nitong si hsalala bakit kilalang kilala ba sya??? sikat na sikat ba yang baklang bakulaw na yan???? eh dyan alng naman sa tv5 kilala yang baklang bakulaw na yan akala mo kung sino na bakit yung mga starlets nyo sa star factor nyong walang ka appeal appeal kilala ba?????? at sikat?????? kapal ng apog nitong bakalng me napakaitim na budhi mahiya ka nga sa balat mong kulay putik tulad ni lucy fearmean yuck

  9. DAPAT LANG DITO KAY SHALALA EH, MANAHIMIK NA LANG. AKALA MO NAMAN KUNG SINONG MAGANDA EH ANG PANGIT PANGIT NAMAN NG MUKHA AT MALAKI PA ANG ILONG HAHA KUNG SABAGAY D’YAN XA KUMIKITA PERO DAPAT IGALANG NAMAN ANG IBANG ARTISTA LALO NA KUNG MAS MAY ITSURA AT MAS MAGANDA SA KANYA DI BA? HAHA!

  10. feeling guapo at sikat itong si shalala. pareho lang sila nina fermin at mo. mga wala namang sinabi. makarma sana kayong 3!!!!!!

  11. oy shalala mukha kang puffer fish hahaha wag kang magmaganda kase hindi ka maganda…isa ka lang ding dating basura na napulot ni german moreno at nirecycle kaso ganun talaga lumalabas ang baho mo..kasing baho ng bunganga mo..echos!!!!pak

  12. FEELING SIKAT NA KASI SIYA KAYA ANG TARAY TARAY NA NIYA, DATI APIAPIHAN LANG SIYA KAYA CGURO GUMAGANTI NA SIYA NGAYON

  13. ang hayup na shalala,pinagaslitan pa yung isang nagdala ng envelopve qt nagtanong kung aalis na ba siya, tinarayan siya ni shalala at sinabing ano pa nga ba, dapat kanina ka pa umalis ano

  14. Tama ang obserbasyon ng writer na eto I use to watch juicy and enjoying watching shalala but later got pissed off and irritated of his behavior seems like Kuya germs created a shrekmonster

  15. ndi naman ganon ang tingin ko kay shalala masaya lang cya kc nagkaron na cya ng mga projects sa tv5 kc naman noon iisa ang show niya tapos doon pa sa wlang tulugan ni german m. hayaan na natin cyang magsaya ganon tlaga mas gus2 kong panoorin ang juicy kc mga 22o iyong mga cnasabi ndi iyong magpapalstik gya ng ibang show na super bait ang dating nakakatamad naman iyon mas maganda kong may konting naughty hihihihihihi

Leave a Reply

Your email address will not be published.