Shalala, may sarili nang food chain!


TALBOG ANG mga datihan at mga nakapanabayang komedyante ni Shalala dahil may sarili na itong negosyo. Ito ang Chick-In na matatagpuan sa Timog na siya rin ang image model.
May mga kasosyo raw si Shalala sa nasabing negosyo na 3 na ang branches. Ito raw bale ang bayad kay Shalala bilang image model ng nasabing fastfood chain. Maituturing ngang from rug to riches ang dating ng buhay ni Shalala na aminadong galing sa hirap at ngayong sumisikat na ay unti-unti na raw nitong nabibili ang mga bagay na hindi niya nabibili nu’ng walang-wala pa siya.
At sa bawat tagumpay raw na natatanggap niya na ang katumbas ay ang pagpasok ng pera sa kanyang palad, laging kahati ang kanyang mga mahal sa buhay.
Kaya naman daw pangako nito sa kanyang mga mahal sa buhay na ipagagawa niya ang kanilang bahay at pagagandahin at palalakihin ito nang bonggang-bongga para sa kanilang lahat.

WALA DAW balak magkaanak ngayong taon si Angelika Dela Cruz, lalo na’t kapipirma pa lang niya ng 2-year contract sa GMA-7 at may bago siyang proyekto, ang Biritera, na mapapanood sa primetime ng GMA-7 sa Feb. 6.
Tsika nga ni Angelika, trabaho muna raw ang aatupagin niya this year, pero laging una raw sa kanya ang kanyang buhay may-asawa at ina sa kanyang 2-year old baby boy na nakikitaan na raw nito ng pagkahilig sa pag-aartista.
Dagdag pa nga ng magaling na singer/actress, hindi niya raw pipigilan ang kanyang anak if ever na gusto nitong sundan ang kanyang yapak, dahil dito rin naman daw siya galing. Pero mas priority raw nitong magtapos muna ng pag-aaral ang kanyang anak bago sumabak sa pag-arte.

DURING THE Presscon of Biritera, marami ang nakapuna sa sobrang cheesy ng magka-loveteam na sina Hiro Magalona, gumaganap bilang si Teofi na isang sakristan, na may lihim na pagtingin kay Kim Komatsu, na ginagampanan naman ang role ni Gwen, ang choir master.
Kaya naman inurirat namin ang mga ito kung ano na ba ang estado sa kanilang pagsasama, kung on-cam lang ba ang kanilang pagiging sweet sa isa’t isa o hanggang off-cam ay ganu’n pa rin sila ka-sweet.
Tsika ni Hiro, on-cam at off-cam daw ay sweet siya kay Kim dahil very vocal naman daw ito sa pagsasabing crush niya ang dalaga. At if ever nga raw na magkakaroon siya ng GF, si Kim ang gusto niya.
Pero sa ngayon daw, special friends lang sila ni Kim. Pareho raw nilang priority ang trabaho at ang pag-unlad ng kanilang career kaysa sa pagkakaroon ng relasyon.
Habang ayon naman kay Kim, si Hiro rin daw ang pinakamalapit na lalaki sa kanyang puso. Crush niya rin daw ang binata, pero katulad ni Hiro, hindi pa rin daw siya ready na magka-BF, dahil trabaho raw muna ang gusto niyang unahin.

BONGGA ANG katatapos na Mr and Ms Olive C Model Search na ginanap last Jan. 28  sa Ynarez Sports Arena.
Nagwagi bilang Mr Olive C ang Carl Guevarra look-a-like na si Aljohn Lucas ng Taytay United Methodist Christian School at Ms Olive C naman ang Cristine Jacob look-a-like na si Rohama Rearte ng Hillcrest School.
Samantalang 1st runner-up naman sina Gio Cabanlit ng PUP at Brazille Mae Pango ng Aquinas University of Legaspi, at 2nd runner-up naman sina Jomar Reglos ng Urdaneta City University at Abbygale Monderin ng World Citi College.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Shalala, may sarili nang food chain!

  1. tama yan dahil walang nagtatagal na bakla sa showbiz. Habang maaga pa wag mong ubusin ang pera mo sa kakatulong sa mga kamag anak mo. Pag tanda mo siguradong mag -isa ka na lang. Ipunin mo ang pera mo para pag tumanda ka na me sarili ka ng caregiver.

  2. ngayong may makakakilala na si shalala, asahan ang maraming haters.
    nung hindi pa sya ganun kakilalat, walang pumapansin.
    magpakain ka kasi ng mabusog mga haters mo!

  3. napakayabang ng shalala na yan, eh nakilala nga naman sya sa mga pangbliblind item na 95% eh pulos kasinungalingan! hindi naman yan magtatagal ng sampung taon, matanda na yan.. laos na si angelika dela cruz, hanggang supporting roles na lang sya at kelan pa naging singer ang hitad na yan? feeling singer, pwede pa.. dahu si hiro magalona? anak ba ni francis magalona? o screen name ng isang indie film actor?

Leave a Reply

Your email address will not be published.