Shalala, itinangging naghihirap na siya

Shalala, itinangging naghihirap na siyaWala raw katotohanan ang tsikang naghihirap na ang komedyanong si Shalala. After kasing maligwak sa ere ang “Walang Tulugan With The Master Showman, nawalan na ito ng regular show.

Laking gulat nga ni Shalala nang makarating sa kanya ang nasabing balita. “Nagulat nga ako kasi wala namang katotohanan ‘yan. ‘Di toong naghihirap ako. Kasi dati na akong mahirap. Hahaha! Hindi joke lang. Totoo na nawalan ako ng regular show, pero may regular radio program naman ako.

“Bukod sa kinuha rin ako ng Resorts World Manila and may mga guestings din ako like sa Wattpad , Celebrity TV, MARS , Sunday Pinasaya, at iba pa.

“Kaya kahit papa’no, kumikita pa rin naman. Meron din akong hosting sa mga campaign, fiestas, at mga events. Kaya panalo pa rin naman.”

Tinatawanan na nga lang daw ni Shalala ang ganung klaseng balita. Alam naman daw kasi nito, kung sino ang pasimuno ng paninira sa kanya. Pero ayaw na lang daw nitong sabihin, baka isiping ginagamit siya. ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleJulie Anne San Jose, nakabibilib na napagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista
Next articleAra Mina, kinukunsinti raw si Cristine Reyes

No posts to display