Shaina Magdayao, tikom ang bibig sa romansang John Lloyd Cruz-Angelica Panganiban!

KAHIT ANONG pilit ng mga kapatid sa panulat  kay Shaina Magdayao na magkomento kaugnay sa kalat na kalat na relasyon ng kanyang ex-BF na si  John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, wala ni katiting na salitang lumalabas sa bibig nito.

Tikom ang bibig ni Shaina at mistulang walang nariri-nig sa pamimilit ng mga press people, at kahit ni katiting na reaksiyon nga ng pagkainis or galit ay walang mababanaag sa mukha ni Shaina. Kung ano ang hitsura nito nang interbyuhin, ganu’n pa rin after ibato sa kanya ang tanong about John Lloyd at Angelica.
Nais lang sigurong iparating ni Shaina na close book na ang kuwento ng love story nila ni John Lloyd at may kanya-kanya na silang buhay na tinatahak, kaya naman bakit kailangan pa niyang paapekto at magkomento tungkol dito.

At kung maaalala nga nung kasagsagan ng pagkalat ng balitang break na sila, nakiusap ito na kung puwede, bigyan sila ng pagkakataong makapag-move on with their respective lives with “mutual respect and dignity”.
Masuwerte nga si John Lloyd, dahil mas pinili ni Shaina na manahimik kaysa sumagot pa sa mga isyu sa tunay na dahilan ng kanilang break up. Kaya naman hindi na nagsanga-sanga pa ang balita na magiging dahilan ng mas matinding galit sa pagitan nilang dalawa.

 

ANG MISMONG mabait na gobernador ng Camsur na si Gob. LRay Villafuerte  ang nagsabing purely political tactics ang ginagawa ng mga kalaban ni Aga Muhlach para tuluyan na itong hindi makatakbo for Congress sa 2013 Elections, nang makausap namin ito sa birthday ng controversial lawayer na si Atty. Ferdinand Topacio.

“Alam kasi nila na malakas sila at mananalo, ‘yung kalaban nila 104 years na sa Pulitika, na wala talagang nakakalaban. Ngayong may kalaban sila na malakas-lakas, kinakasuhan nila left and right.

“Simple naman po eh, karapatan ng bawat Filipino na mag-rehistro. ‘Yung sinasabi nilang hindi siya tagaroon, puwede nilang i-question ‘yun. Pero ‘yung Comelec mismo ang nagsabi na may right silang to vote and register.

“ In-over turn lang ng Judge, pero  sa akin lang naman kasi, ‘yung ma-affirm na botante siya at qualified siyang tumakbo.”

Sa tingin n’yo Gov. since qualified siya, prior to the election, sa tingin n’yo makakatakbo siya?

“Oo kasi hangga`t hindi sinasabi ng Korte Suprema na hindi siya puwede, puwede siya.”

STAR-STUDDED ANG naging kaara-wan ng kapatid ng 2012 Who’s Who Outstanding Female Discovery na si Mary Joyce Palado Pascua na si Jelaine Palado Pascua na nagdiwang nga kayang 12th birthday na ginanap sa Aristoctrat Roxas Blvd., na hatid ng kanyang mahal na ina na si Tita Peng at very supportive Lola na si Mama Thess.

Ilan sa dumalo at nagbigay ningning sa birthday party ni Jelaine sina Jake Vargas, Mr. German Moreno, Paul Salas, UPGRADE, Teejay Marquez, PBB Teens na sina Ryan atbp.,  Zendee Rose Tenerefe, Carmen Patena, Daisy Rumualdez, Wonder Gays, Batchmates, Mahal, Michael Pangilinan, Nash Aguas, Tart , Boobsie, Ate Gay, Yoyo Tricker na si Joshua Davis, atbp.

Kitang-kita namin ang sobra-sobrang kasiyahan ni Jelaine sa dami ng dumalong bisita mula sa kanyang mga kaklase, kamag-anak at celebrities na nag-perform sa kanyang kaarawan. Kaya naman labis-labis na pasasalamat ang nais niyang iparating sa kanyang Mommy Peng at Mama Thess.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

13 thoughts on “Shaina Magdayao, tikom ang bibig sa romansang John Lloyd Cruz-Angelica Panganiban!

  1. Di naman ksp si shaina e, si angelica parang hayuk na hayuk sa publicity, angel pa nickname nya pero asal …. Ewan. Mas gusto ni jlc ang “dunot”.

  2. kidest,my breeding talaga si shaina..at hindi yun utos ng abs cbn?and do you think na magtatagal ang relasyong jlc at A.p? i don’t think so?what i know is just they both playing a game?or may REBOUND?

  3. tatagal kya ang relasyon nila?they seem so inlove lalo na c jlc kc ngyn ko lng nkta n nag appear s tv na pda sa karelasyon.at pra xang bta n nkksyaw at nkikipgkulitan s bnana split nun bday ni angel.prng ang sya2 nya

  4. well siguro mas magaling at well experienced si Angelika sa kama[well trained from derek] so hopefully tumagal yun relasyon nila ni JLC,unless ma bored na naman si JLC ,sino naman kaya ang susunod na biktima ni Lyodie

  5. Masuwerte din si angelica.. hndi dahil sa galanteng bf nya ha.. kundi dahil isang shaina magdayao ang naging ex ng bf nya…isang taong may breeding at respeto sa kapwa… hndi nya mararanasan ung hirap ng kalooban naranasan ni shaina nung panahon na sila pa…

    • i dont  think so… hindi nagsasalita si shaina kasi utos ng ABS-CBN kung hindi wala syang work… breeding?patawa ka .. kaya nga siguro inayawan yan ni jlc kasi mahilig makipa-away– selosa– di ba.. text ng text kaf ruffa.. very insecure… si jlc  at abs-cbn ok kay angelica. tingnan mo nung birthday ni angelica.. nag show up pa sa banana split… nung sila ni shaina, ni hindi makitang magkatabi .. ni hindi mabati ng personal sa tv… hahaha.. dalawang birthday yun.. wala!

      • mabait si shaina…kaya lang lumabas si jl doon kasi may pilikula sila gets mo..hindi na nag salita si shaina kasi ayaw niya nang gulo..

      • Huwag mong laitin si shaina ng ganyan dahil mas my K at talent siya.Di tulad ni A.P. na manggagamit na at material girl.Baka totoo naman ang nabasa ko na kahit sinong lalaki nakikipag s e x si A.P as long as the prize is right?chain smoker siya lasenggo naman si jlc,bagay sila

Leave a Reply

Your email address will not be published.