Shaina Magdayao, sobrang wild sa love scene sa pelikula

PALAKPAKAN ANG lahat ng tao pagkatapos ng advanced screening ng OTJ (On The Job), dahil maganda ang pagkakagawa ni Direk Erik Matti ng kanyang obrang pinangungunahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Joey Marquez, Joel Torre, Rayver Cruz, Angel Aquino, Empress at Shaina Magdayao.

Actually, nandu’n din pala sa pelikula sina Rosanna Roces, JM de Guzman (na ang balita’y “nagpapagaling”). Ang galing ng mga shots ni Direk Erik. Talagang ramdam mo ang ambience kung “gaano kagago”.

Hindi na namin ipe-preempt pa ang istorya ng pelikula, panoorin n’yo na lang at kayo na ang humusga kumbakit sobrang ipinagmamalaki ito nina Piolo at Gerald.

 

HINANAP NAMIN ang walong oras na kinunang love scene ni Gerald sa baguhang si Dawn Jimenez, pero ang mas nakapukaw ng aming damdamin (me nalalaman pa kaming pukaw, ha?) ay ‘yung love scene nina Piolo at Shaina.

Medyo matindi ito at ang ganda ng katawan ni Shaina (katawan talaga ni Shaina ang napansin, hindi katawan ni Piolo?). ‘Yun na yata ang natatandaan na naming pelikulang “nag-wild” si Shaina, huh!

Juice ko, ‘andu’n pa naman nu’ng gabing ‘yon si Vina Morales, ano kaya’ng mase-say nito sa love scene ng kapatid na nali-link ngayon kay Papapi?

Pagalitan kaya nito si Shaina?

O, kainggitan pa ang kapatid?

Hahahaha!

Alam na.

 

Kathniel, pumalo sa ratings sa bagong serye

 

UY, CONGRATS nga pala kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, dahil ang kanilang Got To Believe teleserye according to Mico del Rosario ay pumalo ng 34% rating nu’ng Monday.

So that means sobrang nanabik ang mga fans sa KathNiel. At kahit ang co-host namin sa Showbiz Inside Report na si Carmina Villaroel ay hindi rin makapaniwala na grabeng dami ng fans ng KathNiel.

Siyempre, proud Ninang naman ni Daniel si Carmina na gumanap bilang mommy ni Daniel. Anyway, sana’y tuluy-tuloy ang paghagupit sa ratings ng Got To Believe.

 

Janice de Belen, ‘kinalawang’ kaya nagka-UTI

 

NAGKA-UTI PALA si Janice de Belen, kaya ilang araw ding itong napirmi sa bahay at dinadalaw na lang ng mga kaibigang artista.

Biro nga namin kay Mareng Janice, “Antagal mo na kasing walang lovelife, kaya wala ka ring dyug!”

“Oo nga, eh. Kinakalawang na yata! Hahaha!”

“Eh, ‘di magdyowa ka na para hindi ka na pinapasukan ng UTI. Ang papasok na sa ‘yo eh ‘yung UTI din, pero may ‘N’ na sa dulo.”

Natawa na lang ang kumare namin.

Alam na.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

24 thoughts on “Shaina Magdayao, sobrang wild sa love scene sa pelikula

  1. NAKOH, MGA PINOY, ANO BA TLG? AYAN, HINAINAN NA KAYO NG MAGANDANG PELIKULA PERO ANO? NAG-FLOP NA NAMAN. GANYAN NAMAN ANG MGA PINOY, MGA MAGAGANDANG PELIKULA, DI PINANONOOD. MAS TYPE PA NILANG MANOOD NG BASURANG PELIKULA LIKE SISTERAKA. HAHAAHHA

  2. CONGRATS TO THE WHOLE TEAM, KAYA NAMAN PALA NG PINOY NA GUMAWA NG MOVIE  TULAD NG OTJ,NA MAIPAG MAMALAKI MO TALAGA

  3. Guys papatulan ni shsina yang  si piolo o piola tagal ng bakante yan walang jowa di yan sanay wala lang m
    Anligaw dyan ng matino kung meron e di go go yan kayabidipin nyan pwede na pioleta go ako dysn say nya at sa paggawa ng lobe scene helloooo di dapat ikahulat sanay sya dyan mga sis and bros

  4. khit dikopa nawawats im sure tinablan din nman cguro khit papano c papa/mama p. zempre lalaki prin nman yan…tinatablan prin nman yan laluna ksingganda at kinis ni shaina..

    • sobrang guapo ni Piolo sa OTJ lalakeng lalake talaga brusko tingnan at ang laki laki ng katawan parang ang sarap sarap talaga. o mga bading hindi sya bading, mga bakla kayo makikita nyo sarili nyo sa kulungan taga laba ni gerard anderson kakahiya kayo

  5. This is about Kathryn Bernardo. Pakisabi sa handler niya na huwag pasuutin ng maiksi. Grabe ang pagkasakang niya. Nakakairitang tingnan,

    • nyahahahhaha   ni waleey nga sa Philippines trend,,,,wahahahah saan na naman kaya nakuha nitong Bugaw na Bakla na ito ang rating,,,nyahahhaha   hoy Ogie D….magkano na naman ang commision mo sa pambubugaw mo kya EJ F…nyahahaha,,,,kung gusto ninyong  maka churvahan ang ilang lalaking talents ng katol network,,,,,kontakin ninyo yang si Ogie D,,,,nyahahahah

  6. May EPAL na naman kay PapaP,cgurado akong sila CRISTY at Alfie,na PAREHONG DEVIL ang UGALI.ay basta Love na Love namin si PapaP at Shaina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.