Shaina Magdayao, pinopormahan ni Direk Lino Cayetano?!

FINALLY, NATUPAD na nga ang pangarap ni Christian Bautista na magkaroon ng isang TV serye. At dito nga sa bago niyang mother network, ang GMA-7, binigyan siya ng lead role via newest morning series na With A Smile, kung saan kasama niya ang hunk actor na si Mikael Daez at ang  sexy and beautiful na si Andrea Torres.

Sa presscon nga ay masayang-masaya si Christian na para bang complete na siya bilang singer-actor.

At sinabi naman niyang hindi totoong may away sila ni Mark Bautista. magkaibigan daw sila kaya walang insikyuran na nangyayari sa kanilang dalawa.

Magkasama pa rin sila sa isang Sunday show na sila ang mga leader sa bawat team.

Apat silang team leader ng Sunday show kasama sina Jolina Magdangal at Jennylyn Mercado.

Sa mga nangyayaring bago sa career ni Christian, sana  nga ay matagumpayan ang lahat.

Siya rin ang ang umawit ng themesong ng With A Smile na ‘Ngiti’ na inawit ni Ronnie Liang, at ng Maghihintay Pa Rin.

May nang-iintriga ngang may may kalidad daw ang pagkanta ni Christian kaysa kay Ronnie.

BLIND ITEM: Isang kilalang direktor ang bida ngayon sa ating blind item. Kaya hulaan n’yo kung sino itong direktor na na-detain diumano sa ibang bansa dahil nga sa kasong human trafficking.

Yes, na-experience nga Raw ni direk na makulong sa nangyaring pagkabuko at pagkahuli sa kanyang mga kasama sa ibang bansa ng Immigration.

Namali-mali raw ang sagot ng kanyang mga kasama sa Immigration officers kaya siya ang naputukan.

O, knows  n’yo na ba kung sino siya?

Basta ang clue, mahusay at meron na rin siyang mga awards na natanggap. ‘Yun na !

 

MASAYA ANG pagharap sa press ng mga bida sa movie na Four Sisters and a Wedding ng Star Cinema. Hindi mo makikitang may nagdededmahan o kaya naman ay plastikan to the max. Naging maganda nga ang samahan ng casts.

Ang ipinagtataka nga lang nga marami na kung maganda ang samahan nila ay bakit may naapi sa billing. At ‘yun nga ay ang billing ni Shaina Magdayao.

Pero sabi naman ng mga bida ay artista lang sila at walang pakialam kung anuman ang gusto ng producer.

Naturingan ngang 2 years old pa lang si Shaina ay nasa Star Cinema na siya, kung seniority nga ang usapan, siya ang dapat na mauna ang name sa apat. Hindi po ba?

Hindi kaya promo-promo o gimmick ang isyung naaapi sa billing? Para mapag-usapan si Shaina?

Pero sa daming name ng lalaking nali-link kay Shaina, palagi naman siyang nasa news.

True ba na si Direk Lino Cayetano ang nanliligaw sa kanya ngayon? Just asking lang po.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

7 thoughts on “Shaina Magdayao, pinopormahan ni Direk Lino Cayetano?!

  1. nako, kahit ba mas senior si shaina sa iba, ang tanong mataas ba ang status niya as an actress? may mga award na ba siya? pasalamat na lang siya kasi nagtagal siya sa showbiz, di gaya ng iba na multi-awarded then after few years tsugi na ang career, yun nga lang huwag na siyang mag expect na mauuna sa billing dahil hindi pa naman siya ganong kalaki sa showbiz

    • Why so mataray? Did you watch their presscon? Shaina herself said billing is not a problem – and further said she is just thankful she is given a chance to work with Cathy M & the rest of the cast. She is that nice, humble & decent.
      You do not have to insult her!!

  2. ISA PA ITONG SI DIREK LINO CAYETANO NA KAPAPANALO PA LANG SA ELEKSYON EH SHOWBIZ AT PAMBABABAE ANG INAATUPAG. PARANG SI MIGZ VILLAFUERTE. KALOWKAH!

    TEKA, SINO BA YANG NASA B.I.? HALLER, ANG DAMING AWARD-WINNING DIRECTORS HA. OK LANG NAMAN YAN. DI NYA NAMAN KASALANAN. DI BA SI REGINE NGA EH KINASUHAN DIN NG HUMAN TRAFFICKING DAHIL YUNG KARAY-KARAY NYANG ASSISTANT EH TUMAKAS NA AT NAG-TNT SA AMERIKA. HAHAHAHA. MINSAN, PAHAMAK DIN ANG KASAMA SA ENTOURAGE.

  3. Si shaina ang bsbaeng walang pahinga sa pakikipagrelasyon kaya go sya dyan lam nyo na ayaw ng nababakante

  4. Ingat ka jan ,, Shaina. Etchos Garvansos yang si Lino Cayetano na tulad ng kapatid nyang si Allan petra cayetano.

Leave a Reply

Your email address will not be published.