Shaina Magdayao, pinopormahan ni Diether Ocampo?!

HINDI NAMAN nakapagtataka kung maging malapit sina Shaina Magdayao at Diether Ocampo sa isa’t isa, dahil nagkasama na rin naman sila sa isang teleserye. Pareho rin silang nasa kuwadra ng Star Magic, at magaganda ang samahan nila ng iba pang artistang pinasisikat ng ABS-CBN. Bagay naman silang dalawa, dahil magka-level ang kanilang mga hitsura bilang isang aktres ay may magandang mukha, habang taglay naman ni Diether ang kaguwapuhan na gustuhin din talaga ng mga kababaihan.

Mainit ngayon sina Shaina at Diether sa mga mata ng maraming nagmamalasakit sa kanilang dalawa. Kasi nga, kilala rin sina Shaina at Diether na mababait sa mga taong nasa kanilang paligid, lalo na sa kanilang mga nakakasama sa trabaho. Aware kasi sila na katatapos lang ng dalawa sa parehong relasyon na nauwi sa hiwalayan. Parehong matindi kung magmahal ang dalawa, kaya sa mga kata-ngiang iyon pa lang ay baka maging swak na swak sila kapag nagkadebelopan.

Napakatahimik ngayon ng kampo ni Shaina, dahil iwas na iwas naman siyang magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz, lalo pa’t ayaw niyang tinatanong siya tungkol sa pakikipagrelasyon ni JLC kay Angelica Pa-nganiban. May usap-usapan naman na mayroong ibang babae na malapit ngayon sa puso ni Diether, dahil puro tsika at pa-cute lang naman ‘yung pagkaka-link niya noon kay Kris Aquino. Kaya para sa mga nakapaligid kina Shaina at Diet, okey sana kung magiging sila.

 

BLIND ITEM: Napakadali lang talaga nga-yon sa mga artista sa showbiz ang magkaroon ng panandaliang ugnayan. Magsisimula iyan sa pagkikilala, magkakasama sa project, magkakapalitan ng text at kasunod na noon medyo higit pa sa inaasahang magaganap. Katulad na lamang ng naging closeness ng aktres na si Marian Jurado at ng dating bagets star na si Fundy Alano. Kung sinu-sinong aktor ang nakarelasyon na ni Marian, na puro nauuwi sa hiwalayan.

Suki na si Marian ng laging nawawasak na relasyon, kaya lagi na lang siyang umiiyak kapag iniinterbyu sa telebisyon na ang isyu ay hiwalayan. Maganda naman siya at malakas ang sex appeal, kaya naman sa palagiang pagkikita sa mga gimikan ay naging close sila ni Fundy. Guwapo ang binata, kaya may dating sa aktres. Doon nagsimula na pumupunta si Fundy sa house ni Marian, at madalas din na ang girl ay pumupunta sa condo unit ni Fundy, at inaabot siya roon ng magdamag. Sa laging magdamagan na magkasama sila sa bedroom, alangan namang nagkukuwentuhan lang sila?

 

Heto na! Sa isang teleserye ay biglang nakapareha ni Marian ang actor na si To

ny Davivas. Nu’ng ipino-promote ang teleserye ay may gimik na nagliligawan sila. Pero tuloy pa rin ang closeness nina Marian at Fundy. Biglang natuloy sa relasyon sina Marian at Tony, dahil ipinangalandakan nilang pareho iyon. Naiwang mag-isa si Fundy, at ang masakit pa ay itinanggi ng aktres na nagkaroon sila ng relasyon. Naging close lang daw. Nasaktan si Fundy. Porke ba’t hindi siya masyadong sikat ay itatatwa siya? Closeness lang ba ‘yung mga nangyari sa kanila ni Marian sa ibabaw ng kama? Naman!

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

11 thoughts on “Shaina Magdayao, pinopormahan ni Diether Ocampo?!

  1. Ang tsismis sa nangyari ke Shaina at Loydie wala tayong konkretong basihan. pero yung insidenteng tinutukoy ,Tutuo yan, meron medical fact na susuport jan. Nagcontract ang muscles (hindi muscle control ha) parang namulikat ba. then naipit ang sa lalaki kaya hindi mapaghiwalay. Sa US meron nang nangyaring ganyan, sa sobrang excitement ng babae yan.  

  2. Ingat lang Diether baka gusto mong magaya kay Lloydie Cruz na gumastos ng malaki kay Shaina sa St. Luke hospital ng ipatanggal nila ang nag magneto nilang Pudoy at Puday. May nakapagsabi sa kin na ang dahilan daw ng pagdikit ng kanikanilang ari ay ang “PINATUYONG TITI NG PAWIKAN” na pinakakatago ni Shaina.

      • Ingat lang Diether baka gusto mong magaya kay Lloydie Cruz na gumastos ng malaki kay Shaina sa St. Luke hospital ng ipatanggal nila ang nag magneto nilang Pudoy at Puday. May nakapagsabi sa kin na ang dahilan daw ng pagdikit ng kanikanilang ari ay ang “PINATUYONG TITI NG PAWIKAN” na pinakakatago ni Shaina.

      • Curious Lang ako, ano ba yang pinakatatago tago ni shaina? Binili Nya? Hinuli Nya or what? Bigay ng Kung sino? Pinamana sa kanya? Nino?…

    • Tutuo yan, meron medical fact na susuport jan. Nagcontract ang muscles (hindi muscle control ha) parang namulikat ba. then naipit ang sa lalaki kaya hindi mapaghiwalay. Sa US meron nang nangyaring ganyan, sa sobrang excitement ng babae yan.  

Leave a Reply

Your email address will not be published.