Shaina Magdayao, naudlot ang pagma-madre kaya nagtayo na lang ng foundation!

Shaina Magdayao

INAMIN ni Shaina Magdayao sa interbyu ng press na dumalaw sa taping nila ng The Better Half na pakiramdam niya ay may calling siya ng pagiging madre. Binalak na rind aw niyang mag-quit sa showbiz four years ago para mag-madre kaya lang hindi ito natuloy.

 “Kasi parang feeling ko, may calling ako to serve. And at that time, malapit kasi ako sa mga madre. And hanggang ngayon naman, malapit ako sa mga madre,” wika niya.

 “Ilang beses ko nang sinabi na ayoko nang mag-showbiz or magku-quit na ako, magma-madre na lang ako, wala, eh. Laging may trabaho,” dagdag ni Shaina.

Sa halip na mag-madre nagtayo na lang ng foundation si Shaina na tinawag niyang Smile Cares. Ini-launch ito nu’ng Huwebes, June 29.

“Ngayon, may diversion ako which is the foundation and I guess, I realized na you don’t really have to be… (madre) to serve. So ‘yon yung pinagkakaabalahan ngayon,” lahad ng aktres.

Puro mga non-showbiz daw ang kasama niyang nagtatag ng foundation.

“We franchised this after-school program from the States. After school program siya but we have partner-schools here. Mga private schools.”

Tuwang-tuwa rin niyang ikinuwento na may nag-donate na raw ng lupa sa kanila na may sukat na 1 hectare at ang first project nila ay sustainable farming.

“Siguro, ang laking tulong na I feel useful na maski hindi ako nag-aartista, parang feeling ko through the foundation, I’ll be able to serve also,”  deklara pa ni Shaina.

Posible bang after The Better Half ay magretiro na siya?

“Well, I’m under contract (with ABS-CBN), so, wala akong choice. But I have one more year, but that’s one more year, let’s see what will happen after,” sey pa ni Shaina.

~0~

Ian, hinangaan ni Sharon, ibang klase raw ang professionalism!

 

Matindi ang paghanga ni Megastar Sharon Cuneta sa A Love To Last lead actor na si Ian Veneracion dahil sa pagiging very professional nito sa trabaho.

Special guest ni Sharon Cuneta si Ian sa Mega US Tour 2017 concert niya na nag-start nu’ng June 16 sa Chumash Casino Resort, CA na sinundan sa Union City nu’ng June 17 at nagtapos sa Alex Theater, Glendale, CA nu’ng June 24.

 “I AM NOW OFFICIALLY AN IAN VENERACION FAN!” bahagi ng post ni Sharon sa Kanyang Facebook account.

Ian Veneracion and Sharon Cuneta

Patuloy ng Megastar, “Of course he is devastatingly handsome, and is a talented actor, guitar player, singer, pianist, artist, etc., etc., etc.; traits that have made him an official heartthrob to millions of Pinoys all over the world.

“But it is his heart and kindness and generosity that have touched and caught my heart and he now has my eternal gratitude, appreciation and admiration!”  

Wala rin daw  itong karekla-reklamo kahit lagare sa US show at sa taping ng teleseryeng A Love To Last.

“He chose to guest on three of my five US concerts — and obviously at THIS VERY TIME WHEN HE HAD NO NEED TO. Taping a teleserye in the Philippines isn’t a joke,” post pa ni Shawie.

Overwhelmed naman ang kapareha ni Bea Alonzo sa A Love To Last sa mga papuri sa kanya ni Sharon. I’m sure, ganu’n din ang nae-experience ni Bea habang katrabaho si Ian sa primetime series ng ABS-CBN.

 

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.